***
Inaruga ako ng mabuting ina
Iniluwal ako sa mundong maganda
Inakay naman ako ng aking ama
Inilagay sa tahanang sobrang saya
-
Yumakap sa amin, mga kakapusan
Yamot ay pumasok sa aming tahanan
Yumao ang pag-ibig at kasiyahan
Yumanig ang problema sa kabuhayan
-
Ako ang pinagbuntungan ng problema
Animoy ako'y nasa ibang tao na
Agos ng poot ako ang hinihila
Anila ako daw ay walang kuwenta
-
Karapatan ko'y pilit kong tinutulak
Kahit ito'y nadaganan pa ng burak
Kukunin ko at pilit na iyayapak
Kaya ako'y tahimik na umiiyak
***