Chapter 1

4.8K 150 17
                                    

Chapter 1

"Tash! Huwag mo namang gawin sa akin 'to oh? Kilala mo ako, alam mong hindi ako masamang tao." ang nakikiusap na wika ni Cindy sa assistant niya.

Umiling ng bahagya ang bading na si Tash.

"I'm sorry po, Ma'm... Pero kasi ayaw kong masangkot sa gulo. Mahirap na po kasi baka..." ibinitin nito ang sasabihin.

Matapang na tumitig si Cindy sa kausap.

"Natatakot ka na baka biglang may dumating na pulis dito o mga agents at arestuhin ako? Please naman, alam mong wala akong ginagawang masama..."

"Pero Ma'm..."

Huminga ng malalim si Cindy at saka sinapo ang noo. Alam niyang iniisip ni Tash na baka nasasangkot din siya sa illegal na gawain kagaya ng kanyang ama na si Prudencio Escosura o mas naging kilala bilang Don Mariano Delos Reyes. Nasira ang career niya bilang modelo at artista, nawala ang marami sa kanyang mga kaibigan... Higit sa lahat, iniwan siya ng lalaking pakakasalan na sana niya. Sobrang sakit noon, binalewala lang lahat ni Ian ngunit masisisi ba niya ang lalaki? Napakagat siya sa pang-ibabang labi. Noon ay puro papuri ang nakukuha niya mula sa mga magulang at kamag-anak nito, proud na proud sa kanya ang lalaki. Ngunit nabago na iyon lahat dahil masahol pa sa basura ang turing sa kanya, isa siyang salot. Nakatikim siya ng masasakit at hindi makain na insulto.

Napasok ng kanyang ama ang sindikato noong mga panahong nalulugi ang kanilang kompanya, ginawa nito ang lahat para mailigtas iyon lalo pa at marami silang empleyado. Nakabangon ng mabilis ang kanilang kompanya at mas nagkaroon ng malaking kita ang kanyang ama sa ibang paraan, hindi iyon lingid sa kanya. Ilang beses na niya itong sinabihan na umalis na sa loob ng sindikato ngunit ang palagi nitong sagot... 'Kapag napasok mo na, bangkay ka ng lalabas At napatunayan niyang totoo iyon dahil sa nangyari sa kanyang ama. Nawala ang iniisip niya nang muling magsalita si Tash.

"Im sorry, Ma'm. Maghanap ka na lang ng ibang assistant."

Hindi na nakasagot si Cindy, basta napatulala na lang siya. Nahusgahan kaagad ang pagkatao niya... Mabuti na lang at may ilan pa siyang kaibigan na nananatili sa kanyang tabi. Sa ngayon ay isa siyang designer ng underwear ng mga babae ng isang sikat na clothing line. 'Sweet Angel' ang ginagamit niyang alyas at ipinapakilala niya ang sarili bilang Cindy Abueva, ang apiyelido ng Ina ang ginagamit niya. Binago niya ang style ng kanyang buhok at pananamit. Nagsusuot siya ng salamin para magmukhang nerdy. Kung iyong ibang tao ay nasasabi na kahawig niya iyong artista slash model... Ngumingiti na lang siya at sinasabing may kahawig nga lang... Matagal-tagal na rin niyang niloloko ang sarili, ilang buwan na simula nang mamatay sa engkuwentro ang ama niya. Kasama nitong nasakote si Dr. Keston-ang pinuno ng Advance Tech Institute syndicate...

Panay ang ginawa niyang pagbuntung-hininga nang makita niya ang nakabukas ang pinto, hindi man lang iyon isinara ni Tash. Pinuntahan niya iyon at saka isinarado, muli siyang naupo sa sofa at nanghihinang napahiga. Tumingala siya sa kisame. Nakatira siya ngayon sa isang maliit at mumurahing apartment. Malayong-malayo sa malaking bahay na tinitirhan niya dati, may ilan pa nga siyang condo unit... Napakagat siya sa pang-ibabang labi. Hindi naman siya naging masamang-tao. Bakit kailanan niyang anihin ang kasalanan ng tatay niya? Alam niyang masama ang tingin nila dito ngunit para sa kanya, ito ang pinakamabuting ama.

Samantala... Panay ang buntung-hininga ni Sky habang papunta siya sa opisina nina Ervine at Siege. Hindi pa sila natatapos sa pag-iimbestiga tungkol sa kumakalat na 'Happy Pill'. Isa iyong uri ng drug na patok sa mga kabataan ngayon, mas lalo na sa mga may kaya sa buhay na laman ng bar at party. Pumasok siya sa loob ng opisina at pagkadating doon ay kaagad siyang sumaludo sa dalawang Commanding Officer.

Men in Action 13: Sky Heavenly Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon