Chapter 11
(Nandito kami ngayon sa mall ni JC. Naghahanap ng restaurant na bibilhan ng pagkain. Itetake out na lang daw niya. napaisip tuloy ako kung saan siya kakain. Pumasok na kami sa Chowking at umorder na siya. 4 yan chao ang inorder niya. tapos, orange chicken na dalawang order at isang bucket ng fried chicken. Ang dami naman. Mauubos ba niya lahat yun? Sabagay, kung gutom na gutom siya, malamang, ubos yun. Lumabas na kami ni JC sa Chowking at dumiretso sa department store. Bumili siya ng dalawang 1.5 L na coke, dalawang Piattos na malaki at dalawang Nova na malaki. Napaisip na naman ulit ako. Ang takaw naman nito. Sa kakaisip ko, naconfuse talaga ako. Kaya tinanong ko siya.)
"Uhmmm, JC. Ang dami mo naman yatang pinamili. Mauubos mo ba lahat yan? At bakit mo tinake out? Saan mo kakainin yan?"-LM
"Hahaha! Ito ba? Hindi lang naman ako ang kakain nito. Syempre, pati ikaw. Alangan namang tumunganga ka sa'kin habang kumakain ako. Dadalhin ko 'to sa bahay. Para pag uwi ng mga kapatid ko, may meryenda sila."-JC
"Ano?! Pupunta tayo sa bahay niyo?!"-LM (gulat na gulat kong tanong sa kaniya)
"Oo. Bakit?"-JC
"Ayoko. Nahihiya ako."-LM
"Bakit ka naman mahihiya?"-JC
"Hindi pa kasi ako nakakapunta sa bahay ng kaibigan kong lalaki. Kahit minsan."-LM
"Okay lang yun."-JC
(Nasa parking lot na kami ngayon. naalala ko, nakauniform pa pala ako. Kailangan kong magbihis. Baka mamaya, mapagkamalan pa akong nagcutting classes imbis na absent. Nagpaalam ako kay JC na magbibihis lang ako sa cr saglit.)
"JC, magbibihis muna ako sa cr. babalik ako kaagad. Nakauniform pa kasi ako. Mamaya, mapagkamalan pa akong nagcutting classes. After 15 minutes, babalik ako."-LM
"Okay. Sige."-JC
(Pumunta ako sa cr ng mall sa 1st floor para bumihis. Pumasok ako sac r malapit sa may salamin. Habang nagbibihis ako, may mga babaeng nag uusap. At si JC ang topic nila.)
"Gosh! Nakita ko si John Christian Valderama kanina. May kasama siyang babae. Girlfriend niya ba yun?"-Chismosa 1
"Hindi ko alam. Pero malalaman ko rin yan."-Chismosa 2
"By the way guys, namumukhaan ko yung babaeng kasama ni John Christian Valderama kanina. Familiar siya. At sa St. Michael University din siya nag aaral."-Chismosa 3
"Huh?! Sino?"-(sabay na sagot ni Chismosa 1 at Chismosa 2)
(Dahan dahan akong lumabas ng cubicle. Aalis na sana ako ng bigla akong sinigawan ng babae at tinuro.)
"Siya! Siya yung babaeng kasama ni John Christian Valderama kanina."-Chismosa 3
(Lalabas na sana ako ng cr, pero hinila ng babae yung mahaba kong buhok pabalik sa loob at nilock nila yung cr.)
"Oh well. Nice to see you bitch!"-Chismosa 2
"Bitch? Hahaha! (tingin mula ulo hanggang paa) hahaha! Ikaw yata yun. Hindi ako. How dare you calling me bitch?! And one more thing. Do I know you?!"-LM
"How dare you too? I am the only girl who owns John Christian Valderama."-Chismosa 2
"Well, I don't know about that thing. You're so assuming!"-LM
(Sa sobrang inis ni Chismosa 2, nasampal niya ako.)
"PAK!"
"Ang sakit non ah."-LM
"Ito pa ang isa."-Chismosa 1
"PAK!"
"Nakakadalawa na kayo ah!"-LM
"Eh ano ngayon? wala kang magagawa dahil hawak ka namin."-Chismosa 3
"Yun ang akala niyo!"-LM
(Pumiglas ako sa pagkakahawak ng dalawang chismosa sa kamay ko. Nabitawan nila ang kamay ko. Sinipa ko sa paa ang babaeng sumampal sa'kin ng unang beses dahil nakaharang siya sa daraanan. Sinundan ako ng dalawang chismosang humawak sa kamay ko kanina. Hihilahin sana nila ulit yung buhok ko pero tinulak ko si Chismosa 1 at natumba siya sa sahig. Itong si Chismosa 3, ayaw paawat. Nilapitan niya ako at hinili niya yung bag ko. Pumiglas ako sa pagkakahawak niya sa bag ko. Tsaktong nakatayo na si Chismosa 1 at Chismosa 2 nang itulak ko ng malakas si Chismosa 3 sa kanila at isa isa ulit silang natumba. Pagkatapos non ay kumaripas ako ng takbo palabas sa cr. Nasa harap ako ngayon ng fountain ng mall at hinihingal. Tinignan ko yung cellphone ko. 30 missed calls at 10 unread messages galing kay JC. Binasa ko lahat yun.)
To:LM
"Saan ka na?"
"Ang tagal mo naman magbihis."
"Sabi mo, 15 minutes lang."
"Mag iisang oras na akong naghihintay dito."
"Bakit ba hindi mo sinasagot ang text ko?"
"Hindi mo rin sinasagot yung mga tawag ko."
"LM, ano bang ginagawa mo?"
"Uy! Nag aalala na ako sa'yo."
"Magtext ka naman oh."
"Lira Marie Daniano! Ano ba?! Naiinis na talaga ako!"
(Tinext ko siya agad.)
To:JC
"Sorry JC. Natagalan ako. Nakipagrambol pa kasi ako sa cr kanina. Papunta na ako sa parking lot."
From:JC
"Ano?! Bakit?! Nakipagrambol ka?! Kanino? Ilan sila?"
To:JC
"Oo. Teka lang naman. Mamaya ko na lang ikukwento sa'yo. Tatlong babae."
(Nakarating na ako sa parking lot at nakita ako ni JC. Pumunta ako sa direksyon kung nasaan siya. Nang papalapit ako sa kaniya, tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit.)
"Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo?"-JC
"Okay lang ako. Hindi ako makahinga."-LM
"Sorry. Nag alala talaga ako sa'yo. Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo."-JC
"Mamaya ko na ipapaliwanag lahat sa'yo. Ano? Tara? Alis na tayo?"-LM
"Sorry. Okay. Sige. Sumakay ka na. dito ka na lang sa front sit umupo."-JC
"Okay. Sige."-LM
(Walang umiimik sa aming dalawa hanggang makarating na kami sa bahay nila. Bumaba agad siya sa sasakyan niya at binuksan niya ang pintuan sa front sit. Pagkatapos ko bumaba ay dumiretso agad kami sa loob ng bahay nila at pumunta na sa kusina para ilagay sa bowl ang inorder niya kanina sa chowking. By the way, 3 pm na pala. At sa hindi inaasahang oras, dumating ang parents niya. nag out of town kasi sila para sa business nila. Nagulat sila ng Makita nila si JC at ako na naghahain ng pagkain sa lamesa.)
"Oh son! Here you are. You're girlfriend is really beautiful like me. I'll beter go upstairs. I need a beauty rest. Don't be shy my future daughter-in-law."-Mrs. Valderama
"Buti naman at may girlfriend ka na. akala ko naman son, bakla ka. Hahaha! XD susunod na ako sa mommy mo. Pagod kami. Kung meron kayong kailangan, sabihin niyo lang kay yaya."-Mr. Valderama
(Nanlaki ang mga mga mata ko sa sinabi ng parents ni JC. Tahimik lang ako habang pinapakinggan ang conversation nila. Si JC naman, nakakunot ang noo. Halata kasing hindi siya makasingit at hindi rin siya makapagreact sa parents niya dahil pagkatapos ng sinabi ng parents niya ay umakyat na sila sa kwarto nila para magpahinga.)
BINABASA MO ANG
NBSB Meets NGSB
Short StoryCopyright, 2014 (c) iamnobelia Hello po. Gusto ko lang po malaman niyo na bago lang po ako dito. Pinilit po ako ng mga friends ko pati po mga kaklase ko na ipost yung ginawa kong story. Actually po, matagal ko na po itong ginawa. Yun lang po. Enjoy...