Chapter 14

22 1 0
                                    

Chapter 14

JC's POV

(Hay naku! Ewan ko ba sa babaeng 'to. Ang gulo gulo. Natatawa ako sa mga pinag usapan namin kanina. Wala pa pala siyang naging boyfriend. So pareho kaming walang 1st love. Yung kissing scene na hindi naman talaga namin sinasadya eh naulit na naman. Sinuntok niya kasi ako. Bahala siya. Ayaw niyang maniwala na hahalikan ko siya eh. Hindi lang isang beses kundi dalawang beses dahil nong tinulak niya ako, hindi ko binitawan ang magkabilang balikat niya. ayan tuloy. Nahila ko siya at napahiga kaming dalawa sa kama at nagkahalikan kami ulit. Agad naman siyang bumangon. Sa sobrang inis niya, humiga na lang siya sa kama at nagkumot. Pero napansin kong hindi siya makatulog. Napansin ko ring kinuha niya yong cellphone niya nagtext siya. Maya maya, may tumawag sa kaniya. Si mama niya pala. Natawa ako dahil sinigawan siya ng mama niya sa kabilang linya at agad naman niyang ibinigay sa'kin yong cellphone niya. nabigla naman ako.)

"Hello JC. Pwede bang diyan na muna si LM sa inyo hanggang sa susunod na araw? Suspended naman yong pasok niyo for 3 days dahil sa bagyo. At pwede mo bang pahiramin si LM ng damit mo? Palalabhan ko na lang kay yaya pag uwi niya ditto. Sorry sa istorbo JC ha."-Tita

"Hello po tita. Ah. Sige po. Okay lang po. Sige po. Babye po. Good night po."-JC

(Pagkatapos naming mag usap ng mama ni LM ay ibinalik ko rin sa kaniya ang cellphone niya. Grabi talaga 'tong mama ni LM. May pagkamasungit rin pala siya pagdating kay LM. Pero concern siya. Ganyan naman talaga ang mga nanay. Concern sila sa kanilang anak.)

NBSB Meets NGSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon