Chapter 20

22 1 0
                                    

(Ang sarap ng tulog namin ni DaiAnne. tiningnan ko yung cellphone ko. 5 pm na pala. ginising ko si DaiAnne. mamamasyal kami sa dalampasigan. tinext naman ako ni JC.)

From:JC

"LM, punta tayo ng dalampasigan."

To:JC

"Okay sige. wait lang. lalabas na kami ng kwarto ni DaiAnne."

(Lumabas na kami ni DaiAnne sa kwarto namin. kinuha ni DaiAnne sa'kin yung susi ng kwarto. siya naman daw yung hahawak. lagi na lang daw ako. kaya binigay ko sa kaniya. nakita naman agad namin sila JC at JR kaya lumapit na kami sa kanila. pumunta kami sa dalampasigan at namasyal. magkasama si JR at DaiAnne namasyal. naghiwalay kasi sila sa amin ni JC. nag usap naman kami ni JC para hindi naman awkward yung pamamasyal namin.)

"Ang ganda talaga dito JC."-LM

"Oo nga eh. nagustuhan mo ba?"-JC

"Ay hindi. sasabi ba ako na maganda 'tong lugar na 'to kung hindi ko nagustuhan? hahaha! XD"-LM

"Ah ganon ha?"-JC

(Hinawakan ako ni JC sa kamay ay hinila malapit sa kaniya at kiniliti niya ako ng todo. pumalag ako sa kaniya at tumakbo ako sa tubig. habang papalapit siya, binabasa ko siya ng tubig. pero nong magstep backward ako ay may naapakan akong matulis na bagay. shell yata. at napaupo ako sa tubig. tumakbo sa akin si JC at tinulungan niya ako.)

"LM, okay ka lang ba?"JC

"May naapakan akong matulis na bagay. ang sakit ng talampakan ko."-LM

(Kinuha at tiningnan ni JC yung talampakan ko. ayon, dumudugo. Inalalayan niya akong lumakad. pero hindi ko kaya. napansin niya ito at binuhat niya ako. pero tumanggi ako sa kaniya.)

"Huwag na JC. Okay lang na alalayan mo ako."-LM

"LM, huwag ka ng tumanggi.. halata namang hindi mo kaya eh. sige na. bubuhatin na kita."-JC

(Nagpumilit talaga eh. kaya ayon. binuhat niya ako pabalik sa kwarto namin. nakalimutan ko pala. kay DaiAnne pala yung susi ng kwarto namin. hindi ako makakapasok sa kwarto namin.)

"JC, kay DaiAnne pala yung susi ng kwarto namin. pa'no na yan? hindi ako makakapasok sa kwarto namin?"-LM

"Ah. ganon ba? okay lang yon. sa kwarto ka na lang namin muna magpahinga."-JC

"Okay lang ba sa'yo? baka mamaya, makatulog ako dito."-LM

"Okay lang. eh di matulog ka. pero gamutin ko muna yung sugat mo. pagkatapos kumain ka na. may cup noodles ako dito. pagkatapos, pwede ka ng matulog."-JC

"Okay. sige. pero, baka makaistorbo ako sa'yo?"-LM

"Hindi. ikaw naman. parang hindi ka na nasanay sa'kin. huwag ka na kasing mahiya sa akin."-JC

"Okay. sige. sabi mo eh."-LM

(Kinuha ni JC yung 1st aid kit sa mesa at ginamot niya yung sugat ko sa talampakan. pagkatapos, binigyan ako ni JC ng cup noodles. kumain ako. 7 pm na kasi. pagkatapos, nagpasuyo ako na buksan niya yung tv. binuksan niya naman at tumabi siya sa'kin sa kama at nanood din siya ng tv. tiningnan ko si JC at napansin niya akong nakatitig sa kaniya.)

"Oh bakit? meron bang dumi sa mukha ko?"-JC

(Hindi ko sinagot si JC. hinalikan ko siya sa pisngi at nagulat siya.)

"O_O!"-JC

"Thank you sa lahat JC. hindi ko alam kung paano kita masusuklian sa lahat ng mga mabuting naitulong at nagawa mo sa akin."-LM

"Hindi mo naman kailangan magpasalamat LM. siguro, ito na yung tamang panahon para sabihin ko sa'yo 'to."-JC

"O_O! Ang alin JC?"-LM

"Sa totoo lang LM, nahihiya talaga ako ngayon kung ano ang masasabi ko sa'yo. pero panahon na para umamin ako sa'yo. LM, mahal kita."-JC

"O_O! pero bakit? wala naman akong nagawa sa'yo para mahalin mo ako."-LM

"Naalala mo ba nong nagstay ka sa bahay ng ilang araw dahil sa bagyo? nong tinanong kita kung nagkaroon ka na ba ng boyfriend. at sabi mo wala pa. tinanong mo nga rin ako kung nagkaroon na ako ng girlfriend. at sinagot kita na wala pa dahil may hinihintay ako. at 2 years ko na siyang hinihintay at wala pa rin siyang naging boyfriend. at ikaw yung babaeng tinutukoy kong hinihintay ko. Mahal kita LM. pwede ba kitang ligawan?"-JC

"O_O!"-LM

(Naspeechless ako sa mga sinabi sa'kin ni JC. hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. pero parang nahulog na rin ang loob ko sa kaniya dahil sa mga kabutihang nagawa niya sa akin.)

"JC, sa totoo lang, mahal na rin kita eh. natatakot akong aminin sa'yo ang nararamdaman ko dahil baka ireject mo ako."-LM

"So, pwede ba kitang ligawan?"-JC

"Makakatanggi pa ba ako sa'yo?"-LM

"So, it's a YES?"-JC

"Yes JC."-LM

(Sa sobrang saya niya, niyakap niya ako at hinalikan sa noo.)

"Thank you sa lahat JC."-LM

"Shhh. matulog ka na at magpahinga para mabilis gumaling yung sugat mo. matutulog na rin ako. Good night LM."-JC

"Okay. Sige. Good night rin JC."-LM

(Pagkatapos non, kiniss niya ako ulit sa noo at natulog na kaming dalawa.)

NBSB Meets NGSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon