Chapter 8

28 1 0
                                    

Chapter 8

LM's POV

(Gosh! Siya yung nakabasa ng text ko kay JR. pero okay na rin yun. Nagulat ako ng magtext siya. Kinuha niya daw yung number ko kay JR. nagtext text kami tapos nakita ko yung oras sa cellphone ko. 9:30 pm na pala. Kaya sinabihan ko na siya na matutulog na ako at baka malate ako bukas. By the way, dito natulog si DaiAnne sa sofa ng kwarto ko. Ang himbing ng tulog niya. gigisingin ko na lang siya mamayang 4 am para makauwi na siya sa bahay nila. Ipapahatid ko na lang siya kay manong. Total, 3:30 am, gising na rin ng ganong oras si manong.) (after how many hours, tinignan ko yung phone ko. Tsakto at 4 am na. bumangon ako at ginising si DaiAnne. Nagising naman siya. Inihatid ko siya sa labas at tinawag si manong para ihatid si DaiAnne sa bahay nila.)

"Best, salamat. Hindi mo ako iniwan kagabi. Kita na lang tayo mamaya sa school ha. Babye."-DaiAnne

"Sige. Ingat."-LM

(Bumalik na ako sa kwarto ko para matulog ulit. Meron pa akong 2 hours para matulog. Total, 8 am pa yung klase namin.) (After 2 hours, nagising din ako. Makagm nga.)

From:LM

"Good morning."

*SEND TO MANY* (syempre, pati kay JC. Gm nga di ba?)

From:JC

"Good morning din.

From:DaiAnne

"Good morning best."

From:JR

"Umuwi pala kayo ni DaiAnne kagabi? Hindi ko napansin."

To:JR

"Oo. Hinatid pa nga kami ni JC sa bahay. Talaga namang hindi mo mapapansin. Lumalaway ka kaya sa kakatulog kagabi. Hahaha! XD biro lang."

From:JR

"Grabi naman 'to. Hahaha! XD

*END OF CONVERSATION*

(Naligo ako at nagbihis. Pagkatapos ay kinuha ko yung bag ko at bumaba na para kumain ng almusal. Pagkababa ko, tsakto naman at nakahanda na yung almusal. Kumain na ako. Pagkatapos ay nagtoothbrush na ako at nagpahatid kay manong. Nauna na pala si mama umalis. may pupuntahan daw sila ng staff niya. sila kasi yung kinuha para magcater. Debut daw sabi sa'kin ni yaya.)

(Sa school) (nakita ko agad si DaiAnne papasok ng school campus kaya tinawag ko siya)

"DaiAnne, kamusta ang pakiramdam mo?"-LM

"Okay lang. medjo hang over pa."-DaiAnne

"Ayan kasi. Kung makainom ka ng alak, akala mo wala ng bukas."-LM

"Tara na nga! Ang dami mo pang sinasabi eh!"-DaiAnne

(Nakarating na kami ni DaiAnne sa classroom)

"Good morning maam." (sabay na bati ni LM at DaiAnne sa kanilang adviser)

"Good morning ladies. Pwede na kayong umupo at may sasabihin akong importante."-Maam

"Yes maam." (sabay na sagot ulit ni LM at DaiAnne)

"Okay class. Nagmeeting kami kahapon. Lahat ng High school department teachers para sa intrams natin. Our intrams will be on the 2nd week of august. Magkakaroon ulit ng cheerdance competition. Maglalaban laban ang apat na council. Yung freshmen, sophomore, juniors at seniors. Well, you are all belong in juniors. Yung gustong sumali sa cheerdance ay magpalista sa akin bukas hanggang sa Friday. 50-60 students lang ang kukunin. 25-30 ang boys at 25-30 ang girls. Pero bago niyan, magkakaroon muna ng audition sa gustong mapabilang sa cheerdance. Yung dating sumasali na sa cheerdance since 1st year high school ay automatically pasok na. kukunin ko yung listahan ng mga nakasali na dati sa cheerdance doon sa adviser niyo ng nasa 1st year pa lang kayo. But tomorrow, magpalista muna kayo sa akin. Then, on Thursday and Friday, magkakaroon ng audition. So don't be absent okay?"-Maam

"Sigurado namang makakapasok ako diyan." (singit ng babaeng nasa harapan namin ni DaiAnne) (siya si Ayla Grace De Guzman. ang flirtiest bitch girl ever sa klase namin. Gagawin ang lahat, makuha lang ang gusto niya.)

"Girl, oo naman. Ikaw pa!" (singit pa ng isa) (siya si Vem Rodriguez. Ang super chismosa sa klase. Lahat na lang ng makikita niya, ipagchichismiss niya. kaya minsan, lagi siya ang pinagmumulan ng away sa campus.)

"Oo nga!" (singit ulit ng isa) (ito naman si Angel Villega. Angel nga ang pangalan. Pero ang ugali, parang sa demonyo naman.)

(Nayabangan yata si DaiAnne sa tatlo at nagparinig naman siya.)

"Uy best! Sali tayo. Di ba nanalo tayo dati sa Dance competition sa subdivision niyo?" DaiAnne (sabay tingin sa akin na nagsesenyas na sakyan mo yung trip ko)

"Oo ba! Memorize ko pa naman yung dance steps na ginawa natin."-LM (tingin ulit kay DaiAnne at nagsmile)

(Tumingin sa likod yung tatlo at inirapan nila kami ni DaiAnne)

"Mas magaling kami kesa sa inyo!"-Ayla Grace

"Well, let's see girl."-DaiAnne (sabay irap sa tatlong babae)

(Pagkatapos ng 1st period namin, pumunta na kami sa 2nd period naming. Copy, discussion. Pagkatapos nagtest kami 1-20. Nakakuha ako ng 17. 16 naman ang nakuha ni DaiAnne. Pagkatapos, break time na. kinuha ko yung cellphone ko para tingnan kung may nagtext sa'kin. Meron nga. At si JC.)

From:JC

"Break niyo na ba? Pumunta naman kayo dito sa cafeteria. Treat ko."

To:JC

"Oo. Break na namin. Naku! Nakakahiya naman JC. 'wag na lang. baka mamaya, maubos ang allowance mo sa amin. Binilhan mo nga ako ng pagkain kahapon. Promise. Babawi ako sa'yo."

From:JC

"Okay lang yun. 'wag na. actually, hinati namin ni JR yung pambili ng beer. Pero yung pagkain na binigay ko sa'yo kahapon, ako talaga ang bumili. Nakakahiya naman kasi kung tutunganga ka lang sa amin habang umiinom kami. Punta na kayo ni DaiAnne dito. Please. J"

To:JC

"Sabi mo eh. Sige. On the way na kami."

(after 5 minutes, nakarating na kami ni DaiAnne sa cafeteria. Agad naman naming nakita si JC at JR.)

NBSB Meets NGSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon