Chapter 6
(Tapos na silang kumain. Si JR nakatulog na. Si DaiAnne naman, lasing. Kaya sa bahay na lang namin siya matutulog. Una siyang dinala ni JC sa sasakyan. Pagkatapos ay bumalik agad siya sa condo at sinundo ako.) (Kung nagtataka kayo kung bakit nakabalik agad si JC sa condo niya, yun ay dahil nasa 2nd floor lang yung condo niya.) (Nagmamadali akong lumabas sa condo niya dahil 8:20 pm na. hindi ko namalayan yung lata ng beer sa sahig kaya natapilok ako at lumanding sa dibdib ni JC at naoutbalance siya kaya natumba kaming dalawa. At sheyt! Nahalikan ko ang bibig niya. gulat na gulat kaming dalawa. Agad naman akong tumayo at nagsorry sa kaniya.)
"Uhmmm, sorry talaga JC. Hindi ko kasi nakita yung lata ng beer sa sahig."-LM (nakakabahan kong paliwanag sa kaniya)
"Hindi. Okay lang yun. Hindi mo naman sinasadya."-JC
(Pumunta na kami sa parking area kung saan yung sasakyan ni JC. At nang nakarating na kami sa sasakyan ni JC, nakita ko si DaiAnne. Tulog na tulog. Pumasok na ako sa sasakyan ni JC. Syempre sa likod. Hindi sa front sit. Kapal naman ng mukha ko para umupo sa front sit. )
"LM, dito ka na lang umupo sa front sit para makatulog ng maayos si DaiAnne."-JC
"Sige."-LM
(Inihatid na kami ni JC at nakarating na kami sa bahay.)
"Salamat sa paghatid mo sa'min JC."-LM
"Wala yun. Ako nga dapat magpasalamat sa inyo dahil naging magkaibigan tayo."-JC
"Oh LM! Nandito na pala kayo. Dito ba matutulog si DaiAnne?"-Mama
"Opo ma. Siya nga po pala, si JC po. -----"-LM (hindi ko na naipatuloy ang sasabihin ko ng sumingit si mama)
"Siya ba yung boyfriend mo? Nice to meet you. sige LM, mauna na ako sa loob ha."-Mama
(Hay naku! Si mama talaga kung ano ano ang pinagsasabi.)
"Pasensiya ka na kay mama. Ganyan talaga siya. Madaldal."-LM
"Kaya naman pala madaldal ka. May pinagmanahan ka rin pala. Hahaha! XD"-JC
"Grabi naman 'to."-LM
"Biro lang. Sige. Babalik na ako sa condo ko. Salamat sa pagluto ng arroz caldo."-JC
"Sige. Ingat ka. J"-LM
BINABASA MO ANG
NBSB Meets NGSB
Storie breviCopyright, 2014 (c) iamnobelia Hello po. Gusto ko lang po malaman niyo na bago lang po ako dito. Pinilit po ako ng mga friends ko pati po mga kaklase ko na ipost yung ginawa kong story. Actually po, matagal ko na po itong ginawa. Yun lang po. Enjoy...