Chapter 13
(Kumakain kami ngayon ni JC. After 15 minutes, tapos na kaming maglunch. pinaligpit na niya sa yaya nila ang pinagkainan namin. Nagpaalam na ako sa kaniya dahil uuwi na ako. Kaso, biglang bumuhos yung napakalakas ng ulan. Kaya pinigilan na muna ako ni JC na umuwi. Mamaya na lang daw kapag tumigil na yung ulan. Kaya pumunta na lang kami sa sala at nanood ng balita. Tsakto naman at ang balita ay tungkol sa panahon. May bagyo daw ngayon kaya umuulan ng malakas sa Metro Manila. By the way, 4 pm na pala. Ang bilis talaga ng oras. Mamaya, gabi na rin. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin tumitigil ang ulan. Hindi rin daw ako mahahatid ng driver nila. Kasi, baha daw sa labasan at hanggang tuhod ang tubig. Nagulat ako ng biglang magtanong sa akin si JC.)
"What if, dito ka na lang matulog ngayong gabi? Ang lakas lakas kasi ng ulan oh. At hindi naman kita hahayaang umuwi ng ganito yung panahon. Mamaya magkasakit ka pa at kung ano pa ang mangyari sa'yo sa labasan."-JC
"Magpapaalam lang ako kay mama. Itetext ko muna siya para hindi siya mag alala."-LM
"Okay sige."-JC
To:Mama
"Ma, baka hindi ako makauwi. Ang lakas lakas kasi ng ulan."
From:Mama
"Oo nga anak. By the way, saan ka?"
To:Mama
"Nandito po ako sa bahay nila JC. Niyaya niya po kasi ako kanina na dito maglunch. Papauwi na po sana ako kaning 4 pm, kaso, bumuhos yung malakas na ulan."
From:Mama
"Ah. Ganon ba? Sinabi niya ba sa'yong, diyan ka muna matulog ngayong gabi?"
To:Mama
"Opo. Kaya nga po magpapaalam ako sa inyo. Huwag po kayong mag alala. Nandito po ang parents niya."
From:Mama
"Okay sige anak. I will tell your dad."
To:Mama
"Thanks ma."
*END OF CONVERSATION*
"JC, pumayag na si mama."-LM
"Okay sige. Pero LM, wala na kasing bakanteng kwarto na pwede mong tulugan. Doon na lang sa kwarto yung pwede. Kung gusto mo, sa kwarto ko na lang ikaw matulog. Tapos, doon na lang ako sa sofa ng kwarto ko ako matutulog."-JC
"Naku! Nakakahiya naman kung ako yung matutulog sa kama mo. Ako na lang sa sofa."-LM
"Bisita kaya kita. Kaya dapat lang na asikasuhin kita. 'wag ka ng kumontra pa."-JC
"Sigurado ka ba?"-LM
"Oo nga."-JC
"JC, ano kasi, wala akong extrang damit pantulog."-LM
"Yun lang ba?"-JC
"Oo."-LM
"Sige. Papahiramin kita mamaya."-JC
(time check: 7 pm)
"LM, akyat na tayo sa kwarto ko. Ibibigay ko sa'yo yung damit na hihiramin mo."-JC
"Okay sige."-LM
(Umakyat na kami sa kwarto niya. agad naman siyang pumunta sa isang sulok kung saan ang closet niya. kumuha siya ng t-shirt at ibinigay niya sa'kin. Bibigyan pa niya sana ako ng jogging pants. Kaso, tumanggi na ako. May dala kasi akong jogging pants kanina dahil may P.E kami. Kaso, hindi natuloy dahil may pinuntahang emergency yung P.E teacher namin.)
"JC, saan yung cr niyo?"-LM
"Doon sa baba. Pero may cr rin yung kwarto ko. Dito ka na lang magcr. Baba muna ako. Kukuha lang ako ng extra toothbrush at extra towel."-JC
BINABASA MO ANG
NBSB Meets NGSB
Short StoryCopyright, 2014 (c) iamnobelia Hello po. Gusto ko lang po malaman niyo na bago lang po ako dito. Pinilit po ako ng mga friends ko pati po mga kaklase ko na ipost yung ginawa kong story. Actually po, matagal ko na po itong ginawa. Yun lang po. Enjoy...