JC's POV
(Saturday ngayon at araw para magpahinga. Nakakapagod kasi magpractice ng basketball dahil papalapit na yung intrams. Naisipan kong yayain si JR na mag outing kasama sina LM at DaiAnne. Buti naman at pumayag sila. Sinabihan ko silang sa mall na lang kami magkita kita. Bibili pa kasi ako ng pagkaing dadalhin namin. Nagtext sa'kin si LM.)
From:LM
"Saan na kayo?
To:LM
"Papunta na. Hintayin mo ako sa food court."
(After 5 minutes, nakarating na rin ako sa food court. Niyaya ko si LM sa grocery store para bumili ng pagkain. Pagkatapos, nagbayad na kami sa counter at lumabas na kami sa grocery store. Tinext siya nila JR at DaiAnne. After 5 minutes, nakarating na rin yung dalawa. Nang lumabas na kami sa mall, napansin kong parang nagtataka si LM kaya tinanong niya ako.)
"JC, saan tayo sasakay?"-LM
(Hindi niya pala alam na dinala ko yung kotse ko.)
"Eh di sa kotse ko."-JC
(Hindi pa siya pumasok sa kotse at parang natulala siya kina JR at DaiAnne kaya tinapik ko siya at natauhan siya.)
"Uy! okay ka lang ba?"-JC
"Ah...oo."-LM
"Wala ka yatang balak pumasok sa kotse. gusto mong maglakad papunta sa resort? hahaha! XD"JC
"Ay sorry.syempre hindi. ang layo kaya non."-LM
(Kinurot ko siya sa pisngi. ang cute na kasi kapag iniinis siya.)
"Tara na nga! ang kulit mo eh."-LM (sabay pasok sa front sit ng kotse)
(Pumasok na rin ako at pinaandar ko na yung kotse. tahimik lang kaming dalawa ni LM sa biyahe. pero naingayan si LM kaya tinukso niya yung dalawa. dahil sa panunukso niya sa dalawa, ayan tuloy. pinagtulungan siya. isiningit naman ako ng dalawang 'to sa panunukso nila kay LM. tiningnan ko na lang si LM at ngumiti ng malawak. kumunot tuloy yung noo niya kaya ibinaling ko na lang ulit ang atensyon ko sa pagmamaneho. after 4 hours, nakarating na kami sa beach resort. nagcheck in na kami at kumuha kami ni JR ng dalawang kwarto. pumunta na kami sa mga kwarto namin. magkasama kami ni JR sa isang kwarto at magkasama rin sila LM at DaiAnne sa isang kwarto. magkaharap naman yung pintuan ng kwarto namin.maya maya, kinatok kami ni DaiAnne. kakain muna daw kami at treat nila ni LM. kaya ayon. pumunta kami sa isang resto sa loob mismo ng resort at nag order sila ng apat na kanin, dalawang sizzling bangus at dalawang sisig. kasama na rin don yung drinks. after naming kumain, bumalik kami sa mga kwarto namin at nagbihis. mag siswimming na kami. nauna kaming matapos magbihis ni JR kaya kinatok na lang namin sila sa kwarto nila. sumigaw si LM na magsusuot muna daw sila ng tshirt. pagkatapos nilang magsuot ng tshirt, lumabas na sila. umalis na kami at dumiretso na sa cr para magshower. pero nauna kaming matapos sa pagshashower ni JR. bumalik kami sa kwarto namin para kunin yung mga pagkain na pinamili ko kanina sa mall at bumalik kami sa swimming pool at pumwesto sa isang bakante na cottage. nakita naman agad kami nila LM at DaiAnne kaya lumapit sila sa amin. nagyaya na si JR at DaiAnne na magswimming pero tumanggi si LM. Napagsabihan tuloy siya ni DaiAnne. kaya ayon, sumama na lang siya. pero umupo lang siya sa gilid ng pool. niyaya ako ni JR magswimming pero sinabihan ko siyang sasamahan ko si LM at nag evil smile kami sa isa't isa. napansin naman 'to ni LM pero hindi siya nakapagreact. nag usap kaming dalawa. wala muna yung about sa school namin. kaya nga nandito kami sa resort para mag enjoy. nang humaba na ang usapan namin, naisipan kong hilain si LM at nahulog kami sa pool. tumawa yung dalawa at tumawa rin siya. mga 1 ang half hours rin kaming nagswimming. after naming magswimming, bumalik na kami sa kwarto namin at nagshower. pagkatapos ay nagbihis na kami at nagpahinga.)
BINABASA MO ANG
NBSB Meets NGSB
Short StoryCopyright, 2014 (c) iamnobelia Hello po. Gusto ko lang po malaman niyo na bago lang po ako dito. Pinilit po ako ng mga friends ko pati po mga kaklase ko na ipost yung ginawa kong story. Actually po, matagal ko na po itong ginawa. Yun lang po. Enjoy...