(Nagising ako ng 7 am. Pero wala na si JC sa tabi ko. Bumangon na lang ako at kumuha ng pagkain sa ref ng kwarto nila ni JR at kumain. Pagkatapos, niligpit ko yung higaan nila at pumunta sa kwarto namin. Medjo masakit pa yung sugat sa talampakan ko. Kumatok ako sa kwarto namin at binuksan naman ni DaiAnne. Pagpasok ko, nandon sila lahat. Nanonood ng tv. Pagkakita sa'kin JC, nilapitan niya ako at inalalayan papasok sa loob.)
"Okay ka na ba?"-JC
"Medjo okay na rin ako."-LM
"Kumain ka na ba?"-JC
"Oo. Kumuha pala ako ng pagkain sa ref niyo."-LM
"Okay lang yon."-JC
"Teka, bakit nandito kayong lahat? Anong meron?"-LM
(Napansin kong parang hindi makasagot si JC kaya sumingit si JR.)
"Wala lang. Ayaw ka lang naming maistorbo."-JR
"Ah. Ganon ba?"-LM
"Oo."-JR
"Sige. Diyan na muna kayo. Maliligo na muna ako."-LM
(Kinuha ko yung bag ko sa gilid ng kama ko at kumuha ako ng damit ko. Pagkatapos ay pumasok na ako sa banyo at naligo. Pagkatapos, nagbihis na ako. Pagkalabas, wala na yung tatlo. Galit ba sila DaiAnne at JR sa'kin? At pati si JC, galit sa'kin? Hindi nila ako pinapansin eh. Parang iniiwasan nila ako eh. Ano bang nagawa ko sa kanila at iniiwasa nila ako? Tsk! Kakainis naman oh! Uuwi na kami mamaya. Baka iwanan nila ako dito. 'Wag naman sana. Umupo na lang ako sa kama at nanood ng tv. After 10 minutes, dumating na sila. May dala silang pagkain. At iniabot sa'kin ni DaiAnne.)
"Salamat. Uhmmm... DaiAnne, galit ba kayo sa akin ni JR?"-LM
"Hindi."-DaiAnne
(Bago pa ako magtanong ulit sa kaniya. Umalis na silang tatlo. Maiiyak na talaga ako. Hindi nila ako pinapansin. Pati si JC. Bahala na. Kakain na lang ulit ako at manonood na lang ng tv. Nabobored na talaga ako. Kung lalabas ako, hindi ko naman kabisado yung daan ng resort. Ang lawak lawak kaya. At isa pa, kahapon lang kami dito. Kung hindi lang sana ako hinabol ni JC, nakapamasyal pa kami. Pero kasalanan ko naman eh. Nagtatanong siya ng maayos, pinilosopo ko siya. Ayan tuloy. Naiinis ako sa sarili ko. Tsk! Sa sobrang kaiisip ko, nakatulog ako. After how 2 hours na nakatulog ako, nagising ako dahil may narinig akong sumisigaw at tinatawag yung pangalan ko. Si DaiAnne pala. Hinihingal pa siya.)
"LM!"-DaiAnne
"Oh bakit? Anong meron?"-LM
"Si...si...si JC LM!"-DaiAnne
"Si JC? Bakit? Anong nangyari sa kaniya?"-LM
"Pu...puntahan na natin siya sa dalampasigan. Dali!"-DaiAnne
(Hinatak ako ni DaiAnne papalabas ng kwarto at tumakbo kami sa dalampasigan. Titiisin ko na lang ang sakit ng sugat ko. Hinanap ko si JC sa paligid pero wala siya.)
"Oh! Saan na si JC?"-LM
(Bago pa makasagot si DaiAnne, nakaagaw ng atensyon ko na may naggigitara sa likod ko. Nang humarap ako sa naggigitara, nakita ko si JC at si JR. Naggigitara si JR at si JC naman, kumakanta. May dala siyang mga bulaklak. Nagulat ako nang matapos ang kanta, tinanong niya ako.)
"Lira Marie Daniano, can I court you?"-JC
(Napatingin ako sa paligid. Ang daming tao. Kinikuhaan kami ng picture. Pati si DaiAnne. Kilig na kilig siya. Pero kanina, pinag alala niya ako. Napatingin ako ulit kay JC. Bakas sa mukha niya ang kaba na baka ireject ko siya. Kaya nagsmile ako sa kaniya.)
"YES JC. YES."-LM
(Dahil sa pumayag ako, naghiyawan ang mga tao sa paligid ko.)
"Pangako LM. Pasasayahin kita."-JC
(Kiniss ako ni JC sa noo. Pagkatapos non ay binati kami ng ibang tao sa resort.)
"Good luck sa lovelife niyo. Sana, kayo ang magkatuluyan sa huli."
"Salamat po. Sana nga po."-JC and LM
(Pagkatapos non ay nagsialisan na sila. Umalis na rin kami at bumalik sa mga kwato namin. Habang naglalakad kami pabalik sa kwarto namin, inaakbayan ako ni JC. si DaiAnne at si JR, ayon. Ang sweet nila. Nang makarating na kami sa kwarto ay niligpit na namin yung gamit namin dahil uuwi na kami. May pasok pa naman kami bukas. After naming magligpit ng mga gamit namin. Pagkatapos ay lumabas na kami sa kwarto at lumabas na ng resort at tumungo sa parking lot. Nilagay namin sa likod ng kotse ang iba naming gamit. Pinaandar na ni JC ang kotse at tuluyan na kaming nakaalis. Malapit na kami sa bahay. 7 pm na at nakarating na kami sa bahay. Sinalubong naman agad ako ni mama.)
"Oh LM, kamusta ang bakasyon niyo?"-Mama
"Okay naman po ma. Ang ganda talaga don. Nakakaenjoy pa. Nakakatanggal rin ng stress. Siya nga pala ma, uuwi na sila JC at JR. Dito na lang po matutulog si DaiAnne."-LM
"Mauna na po kami tita. Good night po."-JC
"Siya nga pala JC. Salamat pala sa pagpapatuloy mo sa bahay niyo nong hindi nakauwi si LM ha. Pasensya na sa istorbo."-Mama
"Okay lang po yon tita. Mauna na po kami ha. Good night po ulit."-JC
"Sige. Ingat sa pag uwi."-Mama
"Ma, mauna na po kami sa taas ha."-LM
"Oh sige.
(Pumasok na kami sa bahay at tumungo na kami ni DaiAnne sa kwarto ko. Naghalf bath ako. Ganon na rin si DaiAnne. Pagkatapos ay natulog na kami.)
BINABASA MO ANG
NBSB Meets NGSB
NouvellesCopyright, 2014 (c) iamnobelia Hello po. Gusto ko lang po malaman niyo na bago lang po ako dito. Pinilit po ako ng mga friends ko pati po mga kaklase ko na ipost yung ginawa kong story. Actually po, matagal ko na po itong ginawa. Yun lang po. Enjoy...