Chapter 5
(Umalis na kami ng school. Syempre, sa likod kami ng school dumaan. Apat kasi ang gate ng high school department ng university. Hindi pa kasi pwedeng lumabas ang mga estudyante ng 3 pm. mga 3:30 pm pa. nang makaalis na kami ng university ay dumiretso kami sa mall para bumili ng alak at iba pang pagkain. Pero naiwan kami ni DaiAnne sa loob ng sasakyan ni JC. Nakauniform pa kasi kami. Kaya sila JC at JR na lang ang bumili sa loob ng mall. At after 30 minutes, nakabalik na sila at dumiretso na kami sa condo ni JC. Nag umpisa na silang mag inuman. Iniabot sa akin ni JC ang isang plastic na may lamang mga malalaking chichirya at kung ano ano pang mga juice at softdrinks na nasa can.)
"Ito na pala yung pagkain at inumin mo."-JC
"Salamat. J"-LM
"Kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa'kin."-JC
"Sige. Salamat ulit. J"-LM
(Kinuha ko yung cellphone ko sa bag at tinext ko si mama. 4 pm pa lang naman.)
To:Mama
"Ma, gagabihin ako ngayon. nandito pa po ako sa condo ng kaibigan namin. Kasama ko po si DaiAnne. Itetext ko na lang po mamaya si manong para magpasundo."
*SEND*
From:Mama
"Okay sige anak. Ingat."
(Tiningnan ko yung tatlo. Si JR, lasing na. Ganon na rin si DaiAnne. Pero si JC, hindi naman lasing. Konti lang ininom niya. Naisipan ko tuloy na ipagluto sila ng arroz caldo. Pumunta ako sa kusina para magluto. Nagkukwentuhan yug tatlo sa sala. Napansin kong hinahanap ako ni JC. Dahil mula dito sa kusina, makikita mo kung ano ang nangyayari sa sala. Hindi niya ako makita kaya tinawag niya ako.)
"LM!"-JC
"Nandito ako sa kusina. Nagluluto. Teka lang, matatapos na 'to."-LM
(After 5 minutes, naluto na yung arroz caldo. Nilagay ko siya sa bowl. Tapos, nagsalin ako sa tatlong maliit na bowl para iserve sa kanila.)
"Guys, gising na kayo. Kumain muna kayo."-LM
"Aba! Marunong ka pala magluto?"-JR
"Oo. Tinuruan ako ni mama noong elementary pa lang ako."-LM
"Hindi ko alam na marunong kang magluto best."-DaiAnne
"Oh siya. Tumahimik na kayong dalawa at kainin niyo na yan. Mamaya lalamig yan. Ito yung sa'yo JC. Kainin mo na rin at magpahinga ka na. mamaya maya, uuwi na ako. 20 minutes na lang at 8 pm na."-LM
"Ihahatid na kita sa bahay niyo LM."-JC
"Naku! 'wag na. magpahinga ka na lang. nakainom ka pa naman."-LM
"Hindi naman ako lasing. Konti lang yung nainom ko."-JC
"Sigurado ka?"-LM
"Oo."-JC
"Sige. Kainin mo na yan para hindi na lumamig."-LM
BINABASA MO ANG
NBSB Meets NGSB
Historia CortaCopyright, 2014 (c) iamnobelia Hello po. Gusto ko lang po malaman niyo na bago lang po ako dito. Pinilit po ako ng mga friends ko pati po mga kaklase ko na ipost yung ginawa kong story. Actually po, matagal ko na po itong ginawa. Yun lang po. Enjoy...