PAGLABAS ni Lindsay sa isa sa dalawang cubicle ay lumapit siya sa bathroom countertop. Ibinaba niya doon ang purse bago tumingin sa salamin at humugot ng malalim na hininga. "God, I've really had one too many," she whispered. Hindi naman siya hilung-hilo. Ramdam lang niya na para siyang lumulutang.
Naghugas si Lindsay ng kamay bago iginala ang paningin.
The washroom were Jared took her was not the one frequented by guests. It was obvious that only a few had access to that area. It smelled good. There were diffusers set in colorful pebbles and stones on one side. Maliwanag din ang paligid.
Nang itulak ni Jared kanina ang pintuan ay hindi pa kaagad banyo ang nakita ni Lindsay. It looked like a lounge with a minimalist design. Masyado lang siyang ihing-ihi kanina para pagtuunan ng pansin ang mga detalye. Ang natatandaan lang niya ay puro itim, puti at gray ang kulay ng mga furniture na nandoon.
Kung bakit alam ni Jared ang tungkol sa lugar na iyon ay walang ideya si Lindsay. She made a mental note to ask him about it later. And while she was at it, she reminded herself to watch her mouth. Kung anu-ano ang nasasabi niya.
Habang nagpupunas ng kamay ay inilapit ni Lindsay ang mukha sa salamin. She was so glad her face was not a mess. Wala siyang lakas na mag-retouch ng make-up. Ang lipstick lang siguro niya ang puwede niyang ayusin.
Binuksan ni Lindsay ang purse at inilabas ang lipstick. Noon niya narinig ang mahinang pagkatok sa pintuan. Kasunod niyon ay ang boses ni Jared. "'You okay in there?"
"Yeah. I'll be out in a sec." Naglagay siya ng lipstick. Nang matapos ay agad na niyang ibinalik iyon sa purse. Naglakad na siya palapit ng pintuan. Hinila niya iyon pabukas.
Jared was leaning on the wall. Nakapamulsa. Umayos ito nang tayo nang makita siya. "Okay ka na?" He looked ready to assist her.
Nagkibit si Lindsay ng balikat. "I'm okay naman. Feeling ko lang lumulutang ako."
"Then you better take a seat first." Bago pa makasagot si Lindsay ay iginiya na siya ni Jared papunta sa itim na couch sa isang tabi.
Naupo si Lindsay. Pinigilan niya ang kagustuhang humiga doon.
"I'll just go get you some water." Pumasok si Jared sa isang pintuan.
Naalala tuloy uli ni Lindsay na tatanungin nga pala niya ito kung bakit parang alam na alam nito ang pasikut-sikot sa lugar.
Pagbalik ni Jared may bitbit na itong bottled water at isang baso. Binuksan nito ang bote at nagsalin ng tubig sa baso. Iniabot sa kanya. "Drink."
She did. Hindi niya ibinaba ang baso hangga't hindi niya nauubos ang laman niyon.
"'Feeling better now?"
Tumango si Lindsay. Pakiramdam niya ay nabawasan ang panghihinang nararamdaman niya. She felt refreshed.
"Si Raven ang kasama mo?"
Ibinaba ni Lindsay ang baso. "Yes."
"At iniwan ka mag-isa?"
Iwinasiwas ni Lindsay ang kamay. "Don't mind her. She's having fun. And I'm having fun. What are you doing here, anyway?"
"Birthday ng kaibigan ko."
"The club manager? So you're also friends with the manager? My God, ako lang ang nandito na hindi friend!"
Tumawa si Jared. "Okay lang 'yon, dalawa naman kami ni Raven na friend mo dito. Kunwari ikaw ang plus one namin. Point five each."
BINABASA MO ANG
The Widow's Peak (R-18)
Romance(Mature Content ) Lindsay Lagdameo was a thirty-four year old widow. Sabi niya sa sarili niya, wala na siyang balak pang bumuo ng pamilya. Tatlong taon kasi ang nakakaraan ay namatay ang asawa niya sa mismong araw ng kasal nila. At sa sobrang sam...
