RATED SPG
gaya ng madalas kong sinasabi, ieedit ko pa to nang maraming beses.
pero pwede nang tumikim.
siya, afternoon delight tayo :-)
**************************************
KAHIT sinabi kanina ni Lindsay na wala silang oras ni Jared na mag-Jacuzzi dahil babalik pa sila sa office ay ginawa pa rin nila iyon. At hindi niya pinagsisihan. Mas na-relax kasi ang pakiramdam niya. Plus the fact that the food was really nice.
They were now back under the sheets. Naked. Nakasubsob si Jared sa leeg ni Lindsay.
Sinuklay ni Lindsay ng mga daliri niya ang buhok nito. "Tell me, Jared, ano ang 'di ko pa alam? Wala ka bang ibang negosyo na hindi pinagkakakitaan ang kahinaan ng mga tao?" Binuntutan niya iyon na tawa.
Pero umungol lang si Jared. Ni hindi ito nag-angat ng mukha.
"Hoy, Mister Alqueza, kinakausap kita." Sinundot niya ang tagiliran nito.
Umungol uli si Jared pero tumingin na ito sa kanya. Sinimangutan nga lang siya. "You really are making fun of me. Ayoko na!" Muli itong yumuko. He nuzzled her neck.
Lindsay giggled. Inilapit niya ang mukha dito. She gave him a quick kiss. "Joke lang," aniya. Magaang tinampal niya ang likod nito pero agad din niyang hinaplos iyon. "Bilis na, magkuwento ka na! Ano pa ang hindi ko alam? May wholesome ka din ba na negosyo? Please don't tell me you have a beerhouse with strippers."
"Ano'ng sasabihin mo kung sabihin kong meron nga ako sa Quezon?"
Napamaang si Lindsay kay Jared. Alam niyang taga-Quezon Province ito. "Meron ka ngang beerhouse sa probinsya?"
Ganoon na lang ang naging pagtawa ni Jared. Umayos ito ng higa. Hinila si Lindsay. Pinaunan siya nito sa braso nito. "I'm just kidding," anito. Pinisil nito ang tungki ng ilong niya.
Hinila ni Lindsay ang kumot at itinakip sa dibdib niya. Sumandal siya kay Jared. "So ito na ang huling panggulat mo sa 'kin?"
Tumango si Jared. Hinalikan ni Jared ang noo niya. "Oo. Wholesome na nga kasi 'yong iba."
Meaning, he had other businesses. "Tell me about this other wholesome businesses."
"Not much. May nabili lang akong dalawang property sa Laguna. May mga pool. Eh, 'di ba uso ang mga pinapa-rent na mga private pool do'n? 'Yon, pinagkakakitaan din. Malakas ang kita kapag summer."
Nanlaki ang mata ni Lindsay sa narinig. "Totoo? Can we go there?" Hindi niya mapigil ang excitement niya. At alam niyang hindi dahil sa pool. May pool sa lahat ng Lagdameo properties. Ang umaapaw na tuwa sa dibdib ni Lindsay ay para kay Jared. He really had gone a long, long way and she was happy for him. Ang alam niya napagtapos din nito ang dalawang kapatid nito na pareho nang nasa US at naipagpatayo na nito ng bahay ang mga magulang nito.
"Anytime. When do you wanna go?"
"How about next weekend? After my trip to Singapore."
"Sige," wika ni Jared. "We can stay overnight." Niyakap siya. Hinapit. "Basta magtu-two piece ka." He caressed her bare butt cheeks.
Pinanlakihan ito ni Lindsay ng mata. "Kamay mo," kunwa'y kastigo niya dito. Sabi lang naman kasi niya iyon. His warm palms on her lower back felt really nice.
Pero ngumiti lang si Jared. Hindi ito tumigil sa masuyong paghaplos sa pang-upo niya. "So, two-piece?"
She gave him a quick kiss on the lips. "Skinny dipping na lang kasi."

BINABASA MO ANG
The Widow's Peak (R-18)
Romance(Mature Content ) Lindsay Lagdameo was a thirty-four year old widow. Sabi niya sa sarili niya, wala na siyang balak pang bumuo ng pamilya. Tatlong taon kasi ang nakakaraan ay namatay ang asawa niya sa mismong araw ng kasal nila. At sa sobrang sam...