Of course, may music pa din sa tenga ko. And yes, Coco Lee pa din.
I'm at the point of no return
So afraid of getting burned.
But I wanna take a chance...
Oh, please, give me a reason to believe.
Say you're the one. That you'll always beSomeone to have and hold, with all my heart and soul. I need to know, before I fall in love...
ie-edit pa rin ito nang bongga. pero siya-siya, puwede nang tikman.
**************
NANG maayos na maisalansan ni Jared sa dish drainer ang hinugasang bowl at platong pinaglagyan niya ng lugaw ni Lindsay ay pumilas siya ng paper towel at agad na siyang bumalik sa kuwarto.
Nakasandal si Lindsay sa magkapatong na unan sa likod nito. Kita pa rin sa mga mata nito ang panghihina at pulang-pula pa ang ilong pero ngumiti ito nang magtama ang mga mata nila. Kung sabagay, habang kumakain ito ng lugaw kanina ay panay pa rin ang tanong nito sa nangyari sa meeting. "You didn't have to wash the dishes."
"Hindi puwede. Baka magka-ipis," aniya. Itinapon niya ang paper towel sa trash can bago naupo sa gilid ng kama. Sinalat niya ang noo ni Lindsay. "Medyo mainit ka pa."
Nang dumating si Jared kanina ay paminsan-minsan pa ring bumabahing. Dahil daw siguro sa pagod at pabagu-bagong panahon ay umatake ang allergic rhinitis nito.
"Mawawala na rin siguro 'to mamaya 'pag umepekto na ang gamot," wika nito. Pinagpag nito ang tabi.
Pinasandal muna ni Jared ang isang unan sa headboard bago siya umusod palapit dito. He was still wearing his jeans and socks. Hubad-baro nga lang siya dahil maghapon na niyang suot ang shirt niya. Pinagsalikop niya ang mga sakong niya. "Mabuti hindi ka nahagip ng thermal scanner sa airport kanina, kundi baka ipina-quarantine ka pa." Inakbayan niya si Lindsay. Sumandal naman ito sa dibdib niya. Hinalikan niya ang buhok nito.
"Wala pa akong lagnat kanina. Noong naipit na lang kami ni Tirso sa EDSA ko naramdaman na bumigat ang ulo ko."
Ayon sa kuwento nito kanina habang naglulugaw, hindi agad ito nakatawag sa kanya dahil kahit nasa bag nito ang powerbank at may car charger sa sasakyan, nailagay naman nito ang lightning cable nito sa luggage na nasa trunk ng kotse. Nang makarating naman daw ito sa unit nito ay hilong-hilo na kaya natulog na lang muna.
Pagdating nga ni Jared kanina ay nadatnan pa niyang nakakalat pagkapasok sa pintuan ang luggage ni Lindsay pati na rin ang sapatos nito na para bang naubusan na talaga ito ng lakas at iniwan na lang nito ang mga gamit.
"The TV remote is on the nightstand," wika ni Lindsay.
Inabot iyon ni Jared. Binuksan niya ang TV. "Ano'ng gusto mong panoorin?"
Umiling si Lindsay. "Ikaw, kung ano'ng gusto mo. 'Di naman ako manood. Masakit ang mata ko."
Muling pinatay ni Jared ang TV. Humarap siya kay Lindsay. "Nahihilo ka pa ba?"
"Hindi na," wika nito. Tumingin ito sa kanya. "Inaantok na lang."
"Umayos ka na ng higa. Matulog ka na muna." Inalalayan niya ang likod nito.
Nagpadausdos si Lindsay. Inayos ni Jared ang mga unan nila bago ito tinabihan. Humarap si Lindsay sa kanya.
"Thanks for dinner." Hinaplos nito ang pisngi niya. Kung hindi siguro sila dikit na dikit, hindi niya maririnig ang sinabi nito. Napakahina kasi ng boses nito. "I really, really appreaciate it, Jared."
Nginitian ni Jared si Lindsay. Ipinatong niya ang kamay sa baywang nito. "No, prob. Bakit sa lahat ng naisip mo, lugaw pa?"
"It's my comfort food."

BINABASA MO ANG
The Widow's Peak (R-18)
Romance(Mature Content ) Lindsay Lagdameo was a thirty-four year old widow. Sabi niya sa sarili niya, wala na siyang balak pang bumuo ng pamilya. Tatlong taon kasi ang nakakaraan ay namatay ang asawa niya sa mismong araw ng kasal nila. At sa sobrang sam...