NADATNAN ni Lindsay ang isang papercup sa desk niya. Ayon sa naka-check, café mocha daw iyon. At sa kinaroroonan niyon sa desk niya, obvious na para sa kanya iyon.
Umikot si Lindsay sa likod ng lamesa. Ibinaba niya ang bag. May nakasulat na 'Gerald' sa gilid ng papercup.
Napasimangot si Lindsay. "Who the hell is 'Gerald'?" bulong niya. And then she saw a note under the papercup.
I don't have any idea who Gerald is, but the coffee is really for you. See you later. - Jared
Napailing si Lindsay. Napangiti. Malamang, ang barista ang nagkamali sa nailagay na pangalan. Naging Gerald ang Jared. Siya nga ay minsan na ring naging Lyn Sy ang spelling ng pangalan sa papercup. Yes, it had a last name. As if it was her first time to order coffee and she was stupid enough to give the barista her full name.
Napangiti si Lindsay. Hindi iyon ang kauna-unahang pagkakataon na dinalhan siya ni Jared ng kape. It was the first time, though, that the coffee went with a note. And a slightly funny note at that. Maayos na siguro ang pakiramdam ni Jared. Hindi na siguro tulad kahapon na parang pasan nito ang daigdig.
Malalaman niya mamaya kapag nagkahrap na sila.
Idinikit ni Lindsay ang post-it note sa gilid ng monitor niya. She and Jared could laugh about it later.
Tinanggal ni Lindsay ang takip ng papercup. Bahagya pang umuusok ang kape. Inamoy niya at napapikit siya. Tinikman. It was perfect.
Muli ibinalik ni Lindsay ang takip ng kape. Ibinaba. Dumukwang siya palapit sa intercom. Pinindot niya iyon. "Lena, you don't have to join the meeting today. Just man the fort."
"Yes, ma'am," wika nito.
Inabot ni Lindsay ang malaking notebook niya at isang ball pen. Bitbit ang mga iyon at ang paper cup, tumayo na siya at lumabas na ng opisina niya. Ilang metro lang naman ang layo ng conference room.
Dinatnan ni Lindsay na nakaupo na sa palibot ng pahabang lamesa sa conference room ang plant engineer na si Neil, ang Industrial Pharmacist na si Libby at ang Regulatory Officer na si Therese. Pag-uusapan nila ngayon ang lay-out ng bagong laboratory na itatayo nila sa tabi din ng kasalukuyang laboratory.
"Good morning, Ma'am," sabay-sabay na wika ng tatlo.
"Good morning," wika niya bago napakunot ng noo. "Where's Jared?" As the VP for Operations, Jared should always be kept in the loop.
"Nandito na po kanina, Ma'am," wika ni Therese. "Pinatawag po ni Sir UGL."
Pinigilan ni Lindsay ang mapasimangot. Mukhang napapadalas uli ang pag-uusap ng daddy niya at ni Jared. "Oh, okay," she shrugged. May kinalaman lang siguro sa pag-alis ng mga magulang niya mamayang gabi ang pinag-uusapan ng dalawa. May mga last minute instruction siguro ang daddy niya kay Jared.
Pero siya, aalis ang mga magulang niya nang hindi niya makakausap ang mga ito. Wala pa siyang balak na kausapin ang mga ito. Not until they stopped meddling with her life.
Dumukwang si Lindsay sa lamesa at tiningnan ang blueprint na nakalatag doon. "Ito na ba ang final lay-out?" Sa pagkakaalam niya ay pinagtulungang gawin iyon nina Neil at Libby.
"Yes, Ma'am," sabi ni Neil.
Tumingin si Lindsay sa blueprint. Napasimangot. May limitasyon ang mga kakayahan niya. "Walk me through."
Tumikhim si Neil. "This area is for the granulator."
Napakunot ng noo ni Lindsay. Hindi iyon ang natatandaan niyang sinabi ng mga ito noong huli silang nag-meeting. "Wait, akala ko ba ilalagay na lang ang granulator malapit sa pader do'n sa dulo ng compound para hindi sayang ang space dito?" Sa lay-out na nasa harapan niya, gagamitin na sa lab ang space na ilalaan sana para sa dagdag na open parking area. "Bakit inilipat?"

BINABASA MO ANG
The Widow's Peak (R-18)
Romance(Mature Content ) Lindsay Lagdameo was a thirty-four year old widow. Sabi niya sa sarili niya, wala na siyang balak pang bumuo ng pamilya. Tatlong taon kasi ang nakakaraan ay namatay ang asawa niya sa mismong araw ng kasal nila. At sa sobrang sam...