17

40K 451 4
                                        

PAGPASOK ng mausoleo ay agad na ibinaba ni Lindsay ang bungkos ng bulaklak sa ibabaw ng puntod ni Henry bago hinaplos ang malaking portrait nito sa pader. Kuha iyon noong kasal nila. Maluwag ang ngiti doon ni Henry. He looked really happy and oh-so gorgeous.

Lindsay smiled wistfully. "Hi, Henry, my love. How are you today?"

Nakaugalian na ni Lindsay na batiin ng ganoon si Henry sa tuwing dinadalaw niya ito. Hindi alam niya kung ganoon din ba ang ginagawa ng ibang mga namatayan sa mga yumao ng mga ito. Baka. Pero iyong nadaanan niya kanina ay nagro-rosaryo.

Lindsay was born and raised a Catholic but she had never prayed the rosary infront of Henry's grave. Sa regular niyang pagdalaw, nakikipagkuwentuhan lang siya kay Henry. O mas tama pala na sabihing kinukuwentuhan niya si Henry. Ikinukuwento niya ang mga nangyayari sa kanya. Ang mga naiisip niya. Ang mga sama ng loob niya. Ang mga frustration niya

Pero sa ngayon, hindi sigurado si Lindsay kung kakayanin ba niyang ikuwento ang mga nangyari sa nagdaang ilang araw mula nang huli siyang bumisita. Lalo na ang nangyari kagabi.

O posible bang alam na ni Henry ang tungkol sa bagay na iyon? Paano na lang kung totoo palang may kaluluwa nga ang mga namatay at gumagala-gala pa rin ang mga ito sa mundo? Ano na lang kaya ang naramdaman ni Henry kung sakali mang nakita nito ang nangyari kagabi?

Humugot si Lindsay ng malalim na hininga bago niya inabot ang mga kandilang nandoon at sinindihan.

No. Hindi niya dapat iniisip ang ganoon. Alam niya sa puso niya na tahimik na si Henry kung saan man ito naroroon. Na hindi na ito nakakaramdam ng sakit. Ng sama ng loob. Ng inis. Ng galit.

Naupo si Lindsay sa bench na nasa harap ng puntod. "I've been a bad girl, Henry." Nagbuga siya ng hangin. "You see..." Tumikhim siya. "Last night..." Nalaglag ang mga balikat niya. Hindi niya alam kung paano niya sisimulang magkuwento. At magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi mabigat ang nararamdaman niya ngayon.

Noon pa man, napakadali para sa kanya ang magsabi ng lahat ng laman ng isip niya kay Henry. He was her bestfriend. Lahat ay sinasabi niya dito. Ni minsan ay wala siyang isinekreto dito.

Pero noon naman kasi ay wala namang nagawa si Lindsay na alam niyang makakasakit kay Henry. Kagabi ay nakalimot siya. At hindi lang siya basta nakipaghalikan kay Jared. She even considered having sex with Jared. Jared caressed her breasts and she enjoyed every moment of it.

Pumikit si Lindsay. Dapat ay huwag na niyang isipin iyon. "Henry, I've been having steam..." Nakagat niya ang labi. She was not supposed to say the word 'steamy' infront of her dead husband. Kahit pa totoo naman iyon, hindi tama.

Tumikhim si Lindsay. "I've been having dreams and sinful thoughts, Henry." Muli siyang humugot ng malalim na hininga. "And last night, Jared and I... You know Jared, right? Dad's... God, why am I even doing this?"

But she knew exactly why she was doing that. Mabigat ang loob niya at hindi niya alam kung paano niya mapapagaan iyon. Wala naman kasi siyang mapagsabihan. Hindi niya kayang sabihin kay Raven ang nangyari. Pagtatawanan lang siya nito. At kahit galit ito kay Jared ay baka ipagtulakan pa siya nito magkaroon lang siya ng sex life. Because that was how her friend was. At ayaw niyang mangyari iyon. Lalo namang hindi niya kakayaning ikumpisal sa pari ang nangyari.

Kaya kay Henry na lang niya sasabihin. She would be hitting two birds with one stone. Mailalabas na niya ang bigat sa dibdib niya, makakahingi pa siya ng tawad kay Henry.

No. Not forgiveness. Henry was a good person. He had always been fair. Kaya din siguro ito maagang kinuha ng Diyos. Walang masamang tinapay kay Henry kaya hindi nito iisipin na nakagawa siya ng kasalanan.

O iyon lang ba ang gusto niyang isipin? Gulung-gulo ang utak ni Lindsay.

"Henry, last night, I was drunk. And Jared and I, we..." Lumunok siya. Hindi kaya ng dibdib niya na sabihing higit pa sa halikan ang ginawa nila ni Jared at muntik na silang pulutin sa kung saan. She, most definitely, lost it in Jared's arms. "We kissed. But-" Napakunot ng noo si Lindsay. Hindi niya natapos ang sasabihin dahil may narinig siyang kaluskos sa may bandang likod niya. Lumingon siya.

A cat was at the doorway. Magkahalong puti at itim ang kulay nito. It was probably owned by one of the caretakers.

Muling humarap si Lindsay sa puntod. "But it was just an alcohol-induced terrible, terrible incident, Henry, and it will never, ever happen again." Hindi na dapat talaga maulit iyon. Tatanggalin na niya iyon sa utak niya. At pagpasok niya sa office sa Lunes, magkukunwari na lang siya na walang nangyari. Pasasan ba't makakalimutan din nila iyon sa paglipas ng panahon. "I'm really dead serious about not wanting to have any relationship with any other man, Henry."

Ngumiyaw ang pusa pero hindi na iyon nilingon pa ni Lindsay.

Napatingin si Lindsay sa bakanteng puwesto sa tabi ng nitso. Sa ngayon ay may dalawang mahabang benches doon na nagsisilbing upuan ng mga dumadalaw tuwing Undas at tuwing death anniversary ni Henry. Pero alam naman ng lahat kung para saan talaga ang puwestong iyon. Morbid pakinggan, pero naka-reserba iyon para sa kanya. "Naiintindihan mo naman ako, Henry, 'di ba? 'Pag namatay na ako, say seventy years from now, hihintayin mo pa rin ako d'yan with open arms 'di ba?"

Lumakas ang ngiyaw ng pusa. Hindi lang pala ito basta ngumiyaw. The cat seemed angry.

Nilingon ito ni Lindsay. Nakatingin ito sa kanya. Masama ang tingin. Then it hissed and started walking towards her.

Nanlaki ang mata ni Lindsay. "Stay away," she shrieked. Nakangiwi na rin siya. She got ready to lift her legs. Itinaboy niya ito gamit ang mga kamay niya.

But the cat kept on walking, its eyes still directed to her. Palapit na ito nang palapit. Nanlilisik ang mga mata. And it was not hissing anymore. It was now...growling. Kitang-kita ang maliliit pero parang napakatulis na mga ngipin nito.

Inaamin ni Lindsay na kinikilabutan na talaga siya. Hindi lang dahil posible itong tumalon at kalmutin siya. But there was something really eerie about the cat's presence. Or was it because she was at the cemetery? She did not know.

Niyakap ni Lindsay ang sarili bago luminga-linga. Wala siyang makitang taong kakalat-kalat sa malawak na lawn ng memorial park. Napakatahimik pa ng paligid.

Binuksan ni Lindsay ang bag niya. Inilabas niya ang iPhone. Tatawagan na lang niya ang driver niya para ito ang magtaboy sa pusa.

Pero biglang naalala ni Lindsay na wala nga pala siyang driver. Iniwan niya iyon noong mag-walk-out siya sa mga magulang niya. Alam kasi niya na gagawin lang na espiya ng daddy niya ang driver kapag nagkataon. Gagawing tagabantay niya. At kahit ayaw ng driver, mapipilitang itong pumayag sa iuutos ng daddy niya. At ayaw gawin ni Lindsay ang ganoon sa mga empleyado nila.

Muli niyang ibinalik ang iPhone sa bag.

Noon tumigil sa paglakad ang pusa. Tumigil na rin ito sa nakakatakot na pagngiyaw. Hindi na rin masama ang tingin sa kanya.

The cat purred softy and started walking again. Hindi na palapit sa kanya. Lumapit ito sa mga bench, tumulay sa isa pa bago tumalon sa nitso at tila kuntento nang humiga doon.

Tumingin si Lindsay sa picture ni Henry bago muling tumingin sa pusa. Nakapikit na ang pusa.

Ayaw isipin ni Lindsay pero hindi matanggal sa utak niya na posibleng nasa paligid pa nga ang kaluluwa ni Henry at kaibigan nito ang pusa. At ayaw ng pusa sa lahat ng mga narinig na sinabi niya. Alam ni Lindsay na para siyang tanga sa naiisip niya pero kinikilabutan talaga siya.

Tumayo na si Lindsay. Binitbit ang bag niya at mabibilis na ang mga hakbang ng tinungo na ang pintuan.

*******

The Widow's Peak (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon