20

23.3K 511 61
                                    


*****

TUMINGIN si Jared sa suot na relo. It was fifteen minutes past nine in the morning. Pero wala pa si Lindsay sa opisina.

Ayaw naman niya itong tawagan. Hindi siya manhid. Alam niyang pagkatapos ng nangyari sa kanila sa Vivid noong Huwebes ng gabi ay naiilang si Lindsay sa kanya. At alam niyang lalo itong maiilang kapag binuksan niya ang usaping iyon. If Lindsay wanted to talk about it, it was her call. Kung ano ang gusto nito, doon siya.

Inaamin ni Jared na gustung-gusto na niyang pag-usapan nila iyon. Hirap na hirap din naman siyang magkunwari na wala lang iyon sa kanya. Hindi madali ang magkunwari at ipakitang normal lang ang lahat. Na parang walang nangyari. Pero wala siyang magagawa dahil halatang iniiwasan iyon ni Lindsay.

Muling tumingin si Jared sa relo niya. It was nine-sixteen. Tumayo siya. He did not have any other choice but to ask Lena about Lindsay's itinerary for the day. Hindi puwedeng maghapon lang niyang titingnan minu-minuto ang relo sa kakaabang sa pagdating ni Lindsay. Lumabas siya ng opisina niya at tinungo ang direksyon ng opisina ni Lindsay.

Ngumiti si Lena nang makita siya. "Hi, Sir!"

Sinuklian niya ang ngiti nito. "Papasok ba si Lindsay ngayon?"

"Ay, sir, hindi po," wika ni Lena. "Tumawag kanina. Magpa-plant visit daw sila ni Engineer Samuel sa Bulacan."

Hindi alam ni Jared na may usapan sina Lindsay at Samuel na magkikita ngayon. Wala naman siyang narinig kahapon. Ibig bang sabihin ay nagkausap pa ang mga ito kagabi nang magkahiwa-hiwalay sila? "Bukas, nandito na siya?"

Tumango si Lena. "Opo, sir. Dito po ang meeting nila bukas ni Engineer Samuel."

Napakunot ng noo si Jared. Nakakahalata na siya. Bakit kailangang araw-araw na magkasama ang dalawa? At bakit hindi siya isinasama? May nalalaman pa ang mga ito kagabi na siya ang chief negotiator pero iniitsa-puwera naman siya.

"Sir Jared, may itatanong sana ako."

"Ano?"

"Single pa ba 'yong si Engineer Samuel?"

Muntik nang mapasimangot si Jared. Naalala kasi niya ang sinabi ni Raven kagabi. At nag-blush pa si Lindsay nang sabihin iyon ni Raven. "Bakit? Sasabihin mo ding bagay sila ng boss mo?"

Nanlaki ang mga mata ni Lena. "Naku, sir, hindi po. Grabe si Sir! Hindi naman! Naitanong ko lang naman." Tarantang-taranta ito.

Bigla tuloy nakunsensya si Jared. "Joke lang," wika niya.

Kung bakit ba naman kay Lena niya naibunton ang inis niya. Sa naisip ay natigilan siya. Siya? Inis?

Pinigilan niya ang mapapikit. Oo, inis naman talaga siya. Not because Lindsay was not at the office but because he did know what she was up to. Pagkatapos ng nangyari sa kanila sa Vivid bigla na lang itong papasok kinalunesan na may karay-karay na lalaki?

Pero bakit nga ba nag-blush si Lindsay nang sabihin ni Raven na bagay ito at si Samuel? Ibig bang sabihin ay gusto nito si Samuel? Baka. At kung mag-trip down memory lane ang mga ito, wagas. Kulang na lang sabihing umuwi na lang siya at hindi naman siya kasali sa kuwentuhan ng mga ito.

Lalong nainis si Jared sa naisip.

Inaamin ni Jared na noong sabihin sa kanya ni UGL ang gusto nitong ipagawa sa kanya, nagdalawang-isip siya. Pero pagkatapos niyang mapanaginipan si Lindsay... pagkatapos niyang mahalikan ito... pagkatapos niyang masapo ang dibdib nito, tumututol na ang kalooban niya ang basta na lang ito sasama-sama kung kani-kanino. She was too soft. Too sweet.

Walang masama kung totohanin niya ang ipinapagawa sa kanya ni UGL. He was once in-love with Lindsay. Hindi imposibleng muling bumalik ang nararamdaman niyang iyon.

Pero mukhang may umeeksena.

"Sasabihin ko po ba kay ma'am na hinahanap n'yo siya?"

Tiningnan ni Jared si Lena. "No need. Tatawagan ko na lang siya," aniya. Naglakad na siya pabalik sa opisina niya. Pero habang naglalakad ay napasimangot na naman siya. Hindi niya puwedeng tawagan si Lindsay. Wala siyang sasabihin dito.

Nang makabalik si Jared sa opisina niya ay nagbukas siya ng e-mail. May isang bagong message sa inbox niya. It was from the Alliance of Pharmaceutical Companies of the Philippines.

Reminder iyon para sa two-day seminar ng mga ito sa Tagaytay. Sa isangg linggo na nga pala 'yon at nag-confirm sila ni Lindsay na pupunta. Lunes at Martes. Napag-usapan na nila iyon ni Lindsay noong nakaraang buwan. And Lindsay was excited to attend. Taun-taon silang uma-attend doon at doon nila nakukuha ang pinakamalalaking kliyente nila.

Napangiti si Jared. Bigla siyang nagkaroon ng rason para tawagan si Lindsay. Inilabas niya ang iPhone. Hinanap sa contacts si Lindsay.

Lindsay answered on the third ring. "Hello, Jared."

"I sent you an email," agad na wika ni Jared. Kunwari ay hindi siya interesadong malaman kung nasaan ito. Kunwari ay wala siyang pakialam kung nasaan ito. "It's from APCP."

"Tungkol saan?"

"The two-day seminar in Tagaytay, remember?"

Hindi agad sumagot si Lindsay. Narinig niyang humugot ito ng malalim na hininga. "Next week na nga pala 'yon." Halatang hindi nito gusto ang narinig.

He hated doing that to her. Pero iyon lang ang tanging paraan para makasama niya ito bago tuluyang mapunta lahat kay Samuel ang atensyon nito. "Oo, nga, eh. Nakalimutan ko na nga rin."

"Okay," wika ni Lindsay. "Would that be all?"

Hindi na napigilan ni Jared ang pagguhit ng ngiti niya. "Oo. 'yon lang," aniya. "See you tomorrow?"

Tumikhim si Lindsay. "See you," wika nito at tinapos na nito ang tawag.

Ipinatong ni Jared ang iPhone sa desk niya. Sumandal siya sa executive chair. Ngumiti. "If you have any plans Sammy Boy, you better give it your best shot now," he whispered.

Jared would have to admit he felt like a telenovela villain. Natawa siya sa naisip. Yes, telenovela. Bigla-bigla, parang lahat ng bagay ngayon gusto na niyang tawanan. 

***ihanda na ang mga sarili sa mga susunod na mga eksena, friends. Kumain ng madami para malakas ang tuhod. hihihi!***

Please hit the FOLLOW button. 

The Widow's Peak (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon