PAGPASOK ng opisina niya ay iniitsa ni Jared ang susi ng sasakyan sa desk. Naupo siya executive chair. Humugot ng malalim na hininga. Sumandal. Pumikit.
He had lost it. He totally lost it. Kung bakit ba naman kasi hindi niya napigilan ang sarili. He acted like a lovesick puppy and it was obvious that Lindsay was not at all happy about it. Dalawang linggo na ingat na ingat siya sa lahat ng sasabihin niya tapos bigla na lang niyang sisirain ang diskarte niya nang ganoon-ganoon na lang?
Nagsisisi siya, pero wala na siyang magagawa. Hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin niya kapag sinabi ni Lindsay na tapusin na nila ang lahat.
Kung hindi lang salamin ang pader ng banyo at alam ni Jared na nakikita siya ni Lindsay kanina ay iuumpog na niya ang ulo niya. Medyo natagalan pa nga siya sa shower dahil pinag-isipan pa niyang mabuti kung paano aakto sa harap ni Lindsay paglabas niya ng banyo. He decided to just play everything by ear. Nagpasya siyang umakto nang normal. Na parang wala siyang katangahang sinabi.
Pero nang lumabas siya ng banyo, agad na ring tumayo si Lindsay. Bitbit na nito ang mga damit nito. Hindi ito nagbukas ng ilaw sa banyo kaya hindi niya ito makita sa loob habang nagsha-shower. Binuksan din naman nito ang ilaw makaraan ang ilang minuto pero nakabihis na ito. Nakikita niyang inaayos na nito ang buhok at make-up. She was ready to go when she got out of the bathroom. Sa may pintuan pa nga ito tumayo na para bang siya na lang ang hinihintay. Ngumiti din naman ito. Tipid. At ang sinabi lang, 'Lets go?'
The ride back to the office was even more awkward. Nakatutok lang ang atensyon ni Lindsay sa iPhone nito. She was typing furiously. Hula niya ay si Raven ang tine-text nito. Baka sinasabi na kung gaano siya katanga. Kaya itinutok na lang din ni Jared ang atensyon sa daan.
Pagdating sa planta, niyaya ni Jared si Lindsay na magpunta ng Vivid dahil may guest na international dj mamayang gabi pero tumanggi ito. Masama daw ang pakiramdam dahil sa PMS. If that was true, he did not know. Pero alangan namang kulitin pa niya ito? Baka lalo lang itong mainis sa kanya.
Napamulat si Jared nang maramdamang mag-vibrate ang iPhone sa bulsa niya. Inunat niya ang binti at inilabas iyon.
Napasimangot si Jared nang makitang si Escobar ang tumatawag. Antonio Escobar ang pangalan nito pero nakasanayan na nilang tawagin sa apelyido nito. Gustung-gusto naman ng ugok. May kakaibang dating daw. Para daw bigating drug lord. Escobar was his business partner at the Rendezvous.
Tinanggap ni Jared ang tawag. "Hello, brother."
Pero sa halip na mag-hello, kumanta si Escobar. "My motto's always been 'when it's right, it's right.'Why wait until the middle of a cold, dark night?" Binuntutan nito iyon ng tawa.
It took Jared a few minutes to realize what it was that he was singing. Sintunado din kasi ito. Afternoon Delight ang kinakanta nito.
Pinaikot ni Jared ang mga mata. He should have known that Escobar was up to no good. Hindi ito basta-basta tumatawag sa kanya. Obviously, Escobar found out that Jared was at Rendezvous earlier. Kaya ganoon ang kinakanta nito. "Masakit ka sa tenga," wika niya.
"Uuy, ayaw umamin," wika ni Escobar. Tumawa. "Sino'ng kasama mo, brother? Malamang hindi si Hyacinth. O nagkabalikan kayo?"
Jared inhaled, then exhaled forcefully. "Sino'ng nagsabi sa 'yo at sisisantehin ko? I am a paying customer and I am entitled to my privacy."
"Eh, 'di umamin ka din?" Tumawa uli ito. "Akala ko pa naman may gumamit lang ng sasakyan mo."
Napahugot ng malalim na hininga si Jared. Nasasabaw na nga yata ang utak niya. Ni hindi niya napansin na hinuhuli lang siya ni Escobar.
"Pero nagbayad ka? Bakit ka nagbayad?"
Sa narinig ay nanlaki ang mga mata ni Jared. "Ibig mong sabihin hindi ka nagbabayad? Sa dalas mong mag-check-in, hindi ka nagbabayad?" Malinaw ang usapan nila na kung sino man sa kanila ang pupunta doon ay kailangang magbayad.
Humalakhak si Escobar.
Kung hindi siguro sa mabigat na nararamdaman ni Jared ay nakitawa na siya. "Kanino mo nasagap na nagpunta ako?" Maingat siya kanina. Ayaw niyang may makakita kay Lindsay kaya hindi rin siya nagbukas ng bintana. Ang pintuan ng sasakyan ang iniawang niya nang kausapin niya ang roomboy.
"Walang nagsumbong," wika nito. "'Saktong nagtsi-check ako ng mga CCTV dito sa phone ko nang makita kong pumasok ang FJ cruiser mo. Eh, umamin ka. So, sino nga ang kasama mo?"
"Hindi mo kilala," wika niya. Totoo namang hindi kilala ni Escobar si Lindsay. Ang negosyo nito ay nakalinya sa feeds at veterinary products.
"Kelan mo ipapakilala?"
Pinigilan ni Jared ang mapahugot ng malalim na hininga. Kung darating pa ang pagkakataon na iyon, hindi niya alam. "May gagawin ka mamaya? Tara sa Vivid," wika niya sa halip na sagutin ito.
"Basta ba ililibre mo ako. Adulting na kasi ako," wika ni Escobar. "Masasaid 'ata ako d'yan sa Caballero."
Feedmill iyon na pinaplanong i-take-over ni Escobar at ng mga kagrupo nito. Hindi iyon kalayuan sa Lagdameo Labs. Kapag nagkataon, mas mapapadalas na ang pagkikita nila ni Escobar. "Ako na'ng bahala mamaya," wika niya kahit duda siya na masasaid ang kaban ni Escobar. "Matagal na rin tayong 'di nakakalabas." Kailangan niya ng kausap. Wala siyang balak sabihin kay Escobar ang mga issue niya. Kailangan lang niyang malibang.
"Sige," anito. "May meeting lang ako mamaya. Mga eight siguro nandoon na ako."
"Sige, brother," aniya.
"See you," wika ni Escobar at muli na namang kumanta. "Skyrocket's in flight! Afternoon delight."
Iiling-iling nang pinindot ni Jared ang end call button. Ipinatong niya ang iPhone sa desk. Natutukso siyang puntahan si Lindsay pero nagpigil siya. Baka mainis na ito at ipakaltas na sa payslip niya ang araw na 'to dahil wala pa siyang natatapos na trabaho.
Natawa din naman siya sa naisip.
Inabot ni Jared ang isang folder. Report iyon ng Maintenance Department. Binuklat niya. Listahan ng mga makina na kailangang ipa-repair.
Ilang sandali pa ay nabuhos na ang lahat ng atensyon niya doon. Kailangan din kasing pag-aralang mabuti kung mas maganda bang bumili na lang ng kapalit o kung puwede pang ipa-repair.
Nang tingnan ni Jared ang oras, maga-alas-kuwatro na. Sigurado siyang anumang sandali ay lalabas na ng office si Lindsay. At hindi niya matitiis na hindi ito makausap bago ito umalis.
Kailangang maiayos niya ang ginawa niya. Pumikit siya. Ang totoo, hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.
Pero tumayo na siya. Ang mahalaga ay magkausap sila ni Lindsay bago ito umalis. Lumabas na siya ng opisina niya. He would just have to improvise.
Lindsay's door was closed.
"Sino'ng nasa loob?" tanong niya kay Lena.
"Wala po," sagot nito.
Pinigilan ni Jared ang mapahugot ng malalim na hininga. "Sige, balik na lang ako mamaya," wika niya.
Pero sarado pa rin iyon nang bumalik siya pagkatapos ng sampung minuto. Kahit nang bumalik siya uli ng four-fifteen ay sarado pa rin.
Hindi maiwasang isipin ni Jared na sinasadya ni Lindsay na magsara ng pintuan para hindi niya ito mapuntahan. Na ayaw talaga siya nitong kausapin.
Pinasabi na lang niya kay Lena na mauuna na siyang uuwi. Para makauwi na rin si Lindsay at nang makapagpahinga na. Baka hindi talaga ito lalabas hangga't hindi ito nakakasiguro na nakaalis na siya.

BINABASA MO ANG
The Widow's Peak (R-18)
Romansa(Mature Content ) Lindsay Lagdameo was a thirty-four year old widow. Sabi niya sa sarili niya, wala na siyang balak pang bumuo ng pamilya. Tatlong taon kasi ang nakakaraan ay namatay ang asawa niya sa mismong araw ng kasal nila. At sa sobrang sam...