(1st draft - to be edited nang bonggang-bongga)
NAPAPANGITING lumabas ng banyo si Lindsay nang marinig na mag-ring ang iPhone niya. Alam na kasi niya kung sino ang tumatawag. Sigurado siyang si Jared iyon. Halos ganoong oras din ito tumawag sa kanya kahapon.
Lumapit si Lindsay sa nightsand. It was indeed Jared.
Pagkatapos ng huling meeting ni Lindsay kanina sa mga Singaporean supplier ay nakita niyang napakadami nang mga message si Jared. Habang naghihintay siya ng elevator ay tinawagan niya ito pero hindi naman sumasagot. Kaya nang makarating siya ng kuwarto ay naisipan niyang maligo muna.
Inabot ni Lindsay ang AirPods at inilagay ang mga iyon sa tainga niya. Tinanggap niya ang tawag ni Jared. "Hello, stranger!"
"Sorry, babe, I missed your call. I was in the shower."
Ikiniling ni Lindsay ang ulo. Tumingin siya sa relo. It was only six-thirty. Sa pagkakaalam niya ay naliligo lang si Jared kapag matutulog na. Unless he was going out. "Lalabas ka?"
"No. I'm planning to go to bed early."
Hindi naniniwala si Lindsay. "'Yong totoo," angil niya.
Tumawa si Jared. "Oo nga. Pagod ako ngayon," wika nito. "I have to regain my energy. Nandito ka na bukas, eh."
Hindi na napigilan ni Lindsay ang mapangiti. "Baliw," wika niya. She knew exactly what he meant. Bumalik siya sa banyo. Lumapit sa tub at binuksan ang gripo.
"It's been eight days, baby. I'm missing you so much," Jared whispered.
Napangiti si Lindsay. Yes, it had been eight days since the last time they had sex. Patapos pa lang kasi ng period niya nang umalis siya papuntang Singapore. At pangatlong araw na ngayon na magkalayo sila. "Miss na din kita, syempre," bulong din niya. Totoo naman kasi 'yon.
"Parang nagi-echo. Are you in the bathroom?"
"Lumabas na ako uli. Binuksan ko lang ang gripo sa tub. I'm going to take a long, relaxing bath."
"Sounds nice. Malaki ang tub? Kasya tayong dalawa?"
Tumawa si Lindsay. "Masikip. Mas malaki 'yong nasa bahay."
Tumawa si Jared. "Masyadong malaki 'yong nasa bahay mo. Wala akong excuse na dumikit sa 'yo."
Lumabi siya. "As if you really need an excuse to grab me."
Tumawa si Jared. "But I really miss you, Lindsay. What if I took the red-eye flight to Singapore tonight? I'll probably be in your hotel a little after midnight."
Isipin pa lang ni Lindsay na ilang oras mula ngayon ay makakasama niya si Jared sa mismong hotel room na kinaroroonan niya ay para nang itinatahip ang dibdib niya. But it was not practical. "Mapapagod ka lang. Nand'yan na nga ako bukas, eh."
Pumalatak si Jared. "Dapat talaga tinuloy natin 'yong sa kotse, eh."
Doon na natawa si Lindsay. "Eh, ang arte-arte mo kasi. Hindi ka nag-take advantage sa hormones ko."
"Hoy, miss, ikaw lang ang inaalala ko!"
Lalo tuloy natawa si Lindsay. Para kasing nakikita niya si Jared na nanlalaki ang mga mata habang sinasabi iyon. "And what did you get in return? Regrets?"
Yes, they did not get to have sex inside his SUV that night.
Never in her wildest dreams did Lindsay ever think she would one day consider having sex inside a car in the middle of a busy parking lot. She had always been so rational. Maingat siya dahil may inaalagan siyang pangalan. Her reputation was important to her. But she found the idea so thrilling she did not even consider saying 'no.' Kung dahil lang ba iyon sa hormones niya o kung malandi na lang talaga siya, hindi niya alam.

BINABASA MO ANG
The Widow's Peak (R-18)
Romance(Mature Content ) Lindsay Lagdameo was a thirty-four year old widow. Sabi niya sa sarili niya, wala na siyang balak pang bumuo ng pamilya. Tatlong taon kasi ang nakakaraan ay namatay ang asawa niya sa mismong araw ng kasal nila. At sa sobrang sam...