35 (tweetums pa rin!)

30K 484 30
                                        


JARED was in a bad mood. Nakadalawang balik na siya sa office ni Lindsay pero sarado pa rin ang pintuan nito. Ayon kay Lena, si Samuel daw ang ka-meeting ni Lindsay. Kanina pa daw alas-nueve ang mga ito. May breakfast meeting kasi si Jared sa labas kaya maga-alas-onse na siya nakarating ng office.

Kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa, walang ideya si Jared. Magkasama sila ni Lindsay hanggang kaninang madaling-araw pero wala itong nabanggit na may meeting ito at si Samuel ngayon.

He was now beginning to hate Lindsay's rule about her door. Kung wala sana ang rule na iyon, pupuwede sana siyang kumatok.

Muli na sanang tatayo si Jared para sumilip kung tapos na ang meeting pero biglang nag-ring ang iPhone niya. Mabilis niyang inabot iyon sa pag-aakalang si Lindsay ng tumatawag. Pero na-disappoint siya nang makitang si UGL iyon.

Sa pagkakaalam niya, sa Lunes na ang flight ng mga ito pabalik ng Manila pagkatapos ng isang buwang bakasyon sa Europe. Tinanggap ni Jared ang tawag. "Sir," wika niya.

"Jared, kumusta?"

"I'm good, Sir. Kayo po?

"We're good," anito. "We're having the time of our lives. Si ma'am mo, expert na sa pagsi-selfie."

Napangiti si Jared. "That's good to hear, Sir," wika niya. "Sa Monday na po ang flight n'yo 'di ba? Should I arrange for someone to pick you up?"

"Oh, no-no-no, sasabihan ko na lang si Dionisio sa bagay na 'yan," wika nito na ang isa sa mga driver ang tinutukoy. "'Wag mo nang isama sa mga pinu-problema mo ang mga bagay na 'yan. Isa pa, hindi pa kami uuwi."

Napakunot ng noo si Jared. Pero bago siya makapagtanong ay muli nang nagsalita si UGL.

"We've decided to go extend our vacation for another two weeks. Okay lang naman kayo d'yan?"

"Yes, sir. Wala namang pong problema."

"Good," wika ni UGL. "Eh, 'yong assignment mo, kumusta?"

Pinigilan ni Jared ang mapahugot ng malalim na hininga. "Alin po?" Alam niya kung ano ang tinutukoy nito. Pinili lang niyang magmaang-maangan.

UGL snorted. "Ano pa? Eh, 'di si Lindsay? Nasimulan mo nang ligawan?"

Hindi na napigilan ni Jared ang kumawalang buntong-hininga. What was he supposed to say? 'Sir I've been fucking your daughter every chance I get for almost two weeks now but I'm afraid I cannot give you a grandchild because she always insists on having protection'?

Pangit. Isa pa, wala sa isip niya ang utos sa kanya ni UGL noong unang gabi na may mangyari sa kanila ni Lindsay. "H-hindi pa, sir."

"Bakit ang bagal mo naman?"

"Nag-iisip pa ako ng paran, Sir."

"Aba, bilisan mo," wika nito. "Baka hindi ko na maantay ang apo ko."

"I'll see what I can do, Sir." Hindi iisipin ng makakarinig sa sinabi niya na personal ang iniuutos ni UGL sa kanya.

"Siya, siya, at kailangan ko nang magbihis. Alas singko pa lang dito pero kailangan daw naming umalis nang maaga, May pupuntahan kaming vineyard. Noong isang araw naman puro naman cheese. Pero masaya naman," wika nito. "Basta bilisan mo. Kaya mo 'yang si Lindsay."

"Sige po," wika niya. "Ingat po kayo."

"Ingat din kayo d'yan," wika nito at tinapos na nito ang tawag.

Ibababa na sana ni Jared ang iPhone sa ibabaw ng desk niya nang biglang may maalala. He composed a message for Lindsay.

Can I come in? Binura niya. Baka mapraning na naman si Lindsay. He was careful not to agitate her. Kagaya noong yayain niya itong sumabay sa kanya pauwi galing Tagaytay. Kagaya noong nakaraang gabi na magparinig siyang gusto niyang sa bahay nito matulog. Kaya kahit gustung-gusto sana niya itong bigyan ng bulaklak ay hindi niya magawa.

You still with Samuel? Binura niya uli.

Inihilamos ni Jared ang kamay sa mukha. "Fuck!" usal niya. Sa buong buhay niya, hindi pa siya nahirapan ng ganito sa pag-iisip ng sasabihin sa text.

I'm now at the office Humugot siya ng malalim na hininga. Binura niya ang 'office.' Muli niyang i-t-in-ype ang 'office.' Sent!

Hindi ibinaba ni Jared ang iPhone. Bumilis ng tibok ng puso niya nang makita sa screen na nabasa na iyon ni Lindsay. Pero ganoon na lang ang panlulumong naramdaman niya nang hindi sumagot si Lindsay.

Oh, how he hated being at her mercy! While it was true that he could fuck her anytime or in any way he wanted, he could not get through the imaginary wall that Lindsay seemed to have built around her.

Muli na naman sanang magpapadala ng message si Jared ng message kay Lindsay nang tumunog ang intercom niya.

"Sir Jared?"

It was Lena. "Yes?"

"Tinatanong po ni Ma'am kung nandito ka na. Sama daw po kayo sa meeting nila ni Engineer Samuel."

Nanlaki ang butas ng ilong ni Jared. Gusto niyang iparamdam kay Lindsay na inis siya. "Please tell her-"

Hindi niya natapos ang sasabihin dahil tumunog ang cellphone niya. It was a message from Lindsay.

I'm starving. Early lunch?

Lumabi si Jared. He was determined to ignore Lindsay's message. Hindi niya gustong makasabay ng pananghalian si Samuel. Hindi siya matutunawan. Nakita niya sa screen na nagta-type pa rin si Lindsay.

Samuel's leaving. Just the two of us.

Sa nabasa ay daig pa ni Jared ang nanalo ng lotto. Tuluyan nang nawalang parang bula ang inis na nararamdaman niya. "Thank you, Lena," aniya. Tumayo na siya.

Pigil ang ngiting naglakad na siya papunta sa opisina ni Lindsay.

Wala nga namang rason para mainis siya na kausap ni Lindsay si Samuel. Lindsay asked him to join the meeting the moment she learned he was back at the office. Isa pa, halos magdamag silang magkasama kagabi. Ano ang panlaban ni Samuel sa kanya?

He would just let Lindsay think he was easy. Walang mawawala sa kanya.

The Widow's Peak (R-18)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon