45

22.1K 407 19
                                        

dahil 7weeks after posting ay naka-39885 reads na tayo today, eto ang isang update.

i'm sure ieedit ko pa 'to nang bonggang-bongga. lalo na pag isinubmit ko na siya for evaluation.

matatanggal siguro ang madaming scenes. kasama na ang isang ito.

pero sa ngayon, eto muna sya para sa inyo.

dig in, friends!

*****************************

KUNG ano ang iniisip ni Jared sa pagpunta niya sa Vivid ay walang ideya si Lindsay. Hindi sila makapag-usap agad kasi nga kasama nito ang kaibigan na Escobar daw ang pangalan.

Hindi sa alam ni Lindsay kung ano ang dapat niyang sabihin kay Jared.

Sa sasakyan pa lang kanina ay pinag-iisipan na ni Lindsay kung ano ang sasabihin niya kay Jared kapag nagkita na sila, pero wala siyang maisip na matino. Kaya nagpasya siyang aakto na lang siya base sa magiging reaksyon ni Jared kapag nakita na siya.

Not that she expected Jared to give her the cold-shoulder. Malakas ang loob ni Lindsay na nagpunta ng Vivid dahil niyaya pa rin siya ni Jared na magpunta doon kahit may awkward moment na sila kanina. At paulit-ulit pa nga itong nagpunta ng opisina niya kanina. Mas natakot pa nga si Lindsay sa isipin na baka bigla na lang siyang yakapin at halikan ni Jared sa harap ng maraming tao. Hindi niya alam ang gagawin niya kapag nagkataon.

Because she loved being in his arms. Pero ayaw din niyang malaman ng iba kung ano ang mayroon sila.

Thankfully, he did not. Jared looked happy to see her. Pero ni hindi siya nito inalalayan habang naglalakad sila.

Posible bang napag-isip-isip na ni Jared na mas maganda kung susundin na lang nila ang una nilang napag-usapan na no strings attached? Baka. Because if Jared was really serious about wanting to take their unconventional relationship to the next level, he would have at least told his friend about them.

Escobar, obviously, knew nothing. Kung may alam si Escobar, hindi sana panay ang pagpapakita nito ng mga dimple sa kanya. Yes, she noticed that. And if Jared was serious about her, he would have stopped Escobar from flirting with her. Jared did not. Nahalata na lang yata ni Escobar na hindi siya interesado kaya tumigil na sa pagpapa-cute at nagkuwentuhan na lang sila ng tungkol sa kung anu-ano.

Inaamin ni Lindsay na gulung-gulo siya. At malilinawan lang ang lahat ng iyon kapag silang dalawa na lang ni Jared ang magkaharap.

Pero wala nang makapang takot si Lindsay sa dibdib niya. Sa lahat kasi ng nangyari sa nagdaang dalawang oras, malaki ang posibilidad na totoo ang sabi kanina ni Raven.

Na baka nadala lang si Jared sa mga pangyayari. Posible naman talaga. After all, they made love, for the very first time, without any protection. Twice. Like a normal, regular couple.

Pinigilan ni Lindsay ang mapahugot ng malalim na hininga. Sigurado siya na kung hindi lang medyo nakakaramdam na siya ng sakit ng likod at puson dahil sa pre-menstrual syndrome ay baka naapektuhan na naman siya ng naisip niya. Pinilit lang niyang lumabas ngayon dahil ayaw niyang matapos ang araw nang hindi nila naaayos ni Jared ang tampuhan nila.

"Mauuna na siguro ako sa inyo. May meeting ako bukas nang maaga, eh."

Napatingin si Lindsay kay Escobar. Nakalapat ang mga kamay nito sa hita. He looked ready to go.

Tumingin si Jared sa relo nito. "Sabagay, mag-aalas-onse na. Uwi na rin ako."

Iwinasiwas ni Escobar ang kamay. "No, pare. Mukhang nag-eenjoy pa si Lindsay, eh," wika nito. "Samahan mo na lang muna."

The Widow's Peak (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon