EPILOGUE

383 8 1
                                    

7 years later

“Ready?” Tanong ko kay Kyla. Ngayon na kasi lalabas si Becca. Tumango lang siya at ngumiti sa akin habang mahigpit na nakahawak sa kamay ko.

“Rellax, Kyla.” Natatawa kong sabi sa kanya. Nandito kami sa office nang pulis. Two years ago, gumaling agad si Becca at ibinalik siya sa presinto at na kulong ng five years. Sa loob nang pitong taon marami na ring nangyari. Nanganak na yung asawa ni Jetro na si Michelle. Nagka-girlfriend naman si Allen. Si Kyla naman, ayun. Masayang masaya sa feeling ni Rebecca ngayon. Oo. Naging sila na talaga ni Becca. Na realise kasi daw ni Becca na siya lang talaga yung babaeng nag mahal sa kanya ng lubos at nahulog na yung loob niya kay Kyla. Ako? Ito, single parin hanggang ngayon. Wala kasi akong time para sa love love na yan dahil lagi lang naman ako sa office ko at nag eexamine sa mga utak. Hahaha. Ikaw kaya mag pyschology?

“Here she is,” Sabi ko. Napatayo naman si Kyla at tumakbo papunta kay Becca at siniil ito nang halik. “Ehem!” Sabi ko.

“Hehe. Sorry. Namiss ko lang kasi siya.” Kyla said. Nag holding hands silang dalawa at lumapit sa akin. Niyakap ko si Becca.

“Al last Best.” Yeah. Best. Napagusapan na rin kasi namin noon ni Becca na manatili na lang kaming mag bestfriends. “Let's go?” Tumango silang dalawa at naglakad kami paalis nang presento.

“Tara na guys! Ang bagal niyo naman e..” Sigaw ni Becca sa amin ni Kyla.

“Were coming!” Dinala namin yung travelling bag namin at bumaba na kami sa bahay namin. Oo. Iisang bahay lang kaming tatlo. Wala namang problema yun sa amin dahil magkakaibigan naman kaming tatlo.

“Excited much mo talaga.” Sabi ni Kyla at pinulupot yung kamay niya sa braso ni Becca at si Becca naman nakaakbay lang sa akin.

Nag hiwalay na kami at sumakay sa kotse ni Becca. Pagkatapos kaming pagbuksan ni Becca nang pinto ay tumakbo na siya papunta sa driver's. Pupunta kasi kami sa resort na pag mamay-ari ni Kyla. Napakaganda ng resort ni Kyla dun. Ang sarap tignan nang paligid. Para kang nasa isang sikat na resort dito sa amerika.

“Sila Allen at Jetro, hindi ba pupunta?” Tanong ni Becca habang hindi tumitingin. Nasa back seat lang ako nakaupo at nasa passenger's naman si Kyla.

“Susunod na lang daw sila Jetro at asawa niya. Sila Allen naman at yung girlfriend niyang si Cassy ay nauna na dun. Mas excited pa pala yata sila.” Natawang sabi ni Kyla.

“Hahaha..” Natawa na lang din kami ni Becca.

Nilagay na namin yung gamit namin sa rest house ni Kyla dito sa resort. Haish. Ang ganda talaga dito at napakalawak. Nakakawala ng problema e. Naglakad lakad ako sa dalampasigan pagkatapos kong mailagay yung gamit ko sa kwarto ko.

“Psst!”

“Oh, Kyla.” Sabi ko. Lumapit siya sa akin at habang nag lalakad ay namumulot siya ng shell at tinatapon niya sa dagat.

“Mahal mo na ba siya?” Napalingon ako sa kanya nang sabihin niya yun.

“Huh? Sinasabi mo Kyla?” Natatawa kong sabi. “Wala naman akong—”

“Becca.” Sabi niya. Uhm, honestly. Siguro. Sa tagal na ba daw naming magkasamang tatlo, sino ba naman hindi maiinlove kay Becca? Malaking pinagbago ni Becca. Napakamaalaga niya na. Nakapasweet.

“Kyla...” Tinitigan niya lang ako at ngumiti.

“Alam mo, mahal ka din ni Becca. Alam kong hindi ka naalis sa puso niya. Oo. Mahal niya din ako pero hindi tulad ng pagmamahal niya sayo Sara.” Ngumiti siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. “Wag kang mag-alala Sara, magpaparaya ako. Mahal na mahal ko siya kaya papalayain ko para sayo.”

“K-kyla,” Niyakap ko siya.

————

“Sige guys, pasok na ako sa kwarto. Good Mornight!” Nag wave ng kamay si Sara at naglakad papunta sa loob. Hinawakan ni Kyla yung kamay ko at hinila ako palayo kila Allen na nag-papainit sa bonfire dahil ang lamig lamig na dito sa resort.

Umupo kami ni Kyla dito sa kubo. Madilim dito dahil hindi niya pinailaw yung ilaw. Yung sinag ng poste lang yung nagsisilbing ilaw namin dito.

“Becca, you know how much I love you right?” I just nodded at her and smile.

“Oo naman Kyla.”

“Okay. Alam kong mahal mo pa si Sara.”

“Kyla—” Nilagay niya yung isang daliri ko sa bibig ko.

“Shh. Me first.” Sabi niya at inalis yung kamay niya sa bibig ko. Nakatitig lang kami sa isat isa, hinawakan niya yung pisngi ko at ang labi ko. “I love you so much Becca, goodbye.” Sabi niya at hinalikan ako sa labi. Tumayo siya at bumaba sa kubo. “Go, tell her that you still love her. She loves you too, Rebecca.” With that, tumalikod na siya at alam kong umiiyak siya dahil habang naglalakad siya ay nagshishake yung balikat niya at she wiped her tears away. Tumayo ako at hinabol siya. Niyakap ko siya ng patalikod.

“Thank you so much, Kyla. I love you too.” Pinaharap ko siya sa akin at pinunasan yung luha niya sa pisngi niya. “Thank you so much.” Tumakbo na ako papunta sa kwarto ni Sara.

Kumatok ako nang tatlong beses at binuksan naman agad yun ni Sara. Buti hindi pa siya natulog. Nagulat pa siya nang makita na ako yung kumatok sa pinto niya. Niyakap ko agad siya at sinabing....

“I love you, Sara Matthews.” I kissed her passionately and hugged her again. “Will you be my girlfriend?”

                                             Δ The End Δ

The Roommate (Short-Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon