Chapter 11

269 5 0
                                    

Tinitignan ko yung tinitignan ni Becca nang hindi niya ako pinapakinggan sa mga sinasabi ko. May tatlong babaeng nakaupo sa labas ng coffee shop. Ang sama ng tingin nung dalawang babae kay Becca habang yung isang babae naman ay parang natatakot. Sino sila? Kilala ba nila si Becca? Friends ba to ni Becca dito? Wait, yung parang takot na babae, naalala ko.. siya yung sa drawing ni Becca.

"Becca." Tawag ko kay Becca pero wala paring response niya. Kinalabit ko na lang siya at tumingin na siya sa akin. "Do you know theme?" I ask curiously. "Diba yung isang girl siya yung nasa drawing mo?" I added.

"Yeah. Its her. Siya si Spencer."

"Pero bakit hindi ka niya nilapitan? Diba friends kayo?"

"Let's go home na Sara. I'm tired." Imbis na sagutin niya ako sa mga tanong ko, bigla siyang tumayo at sinabing uuwi na daw kami kasi pagod siya? Seriously? Sino ba kasi sa buhay niya si Spencer? Nag away ba sila? Argh. Its none of my business, so get over it Sara.

Huminto kami sa tapat nung Spencer at kaibigan niya, "Its nice to see you again Spence. Its been a year." Becca said. I don't know pero parang nag smirk si Becca or I just imagine it?

"Why are you here again?" Spencer ask.

"Bakit, masama na bang dumalaw ulit sa bahay at sa lugar na kinalakihan ko?" Nakakunot noong sabi ni Becca. Yung atmostpher dito ay hindi ko na bet kaya ay hinila ko si Becca and she obeyed me naman.

"Ano yun?" Sabi ko sabay kunot noo.

"Ang alin?"

"Duh. Muntik na kayong magsabunotan e. What's with you and Spencer ba talaga?"

"Its none of your business, Sara." Yeah. I know. Bakit ba kasi masyado akong matanong? Tsk

"Sorry." She stop walking and face me.

"No, I should be the one saying that Sara. Sorry."

"Let's go home na, Becca."

"Tara,"

"No. I mean, sa dorm. Ayoko kasing mamissed yung class discussion. Malapit pa naman na yung first grading."

"Okay, tomorrow Sara." Tumango na lang ako at pumara na siya ng taxi.

Pag uwi namin agad akong nag shower at hindi pinapansin si Becca. Bakit kasi ang dami kong tanong? Tama nga naman siya, its none of my business anyway.

"Keyyyyylaaaa!!!" Sigaw ko at parang batang tumakbo sa babaeng nag hihintay nang power hug. Two days na simula nung nakabalik kami dito sa Roseville Town ni Becca. "Oh my god. Its been a long time since the last time I saw you. How are you na ba? Kelan ka lang nakabalik?" I said after we part sa hug.

"Haha. Chill, mahina ang kalaban Sissy." Tawa niya at naglakad kami papunta sa Room ko sa dorm. Siguro galing na siya sa boyfriend niya'ng asungot kong pinsan na si Allen. "Actually, nung last month lang. Hindi ba sinabi ni Allen sayo?" I shook my head. Argh. Yung asungot na yun, hindi man lang sinabi sa akin na andito na pala girlfriend niya. Matagal tagal na rin sila ni Allen, kaso kailangan lang pumunta ni Kyla sa States dahil dun siya nag aaral.

"Humanda talaga yung—" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang biglang huminto sa paglalakad si Kyla. Tinignan ko siya at napatingin sa tinitignan niya. Nandito pala si Becca. Wait, magkakilala sila? "Uhm, magkakilala kayo ni Becca, Kyla?"

"A-aah... uhm, a-actually—"

Becca interru, "We met sa bar last week." Aah.. pero bakit parang gulat na gulat si Kyla nang makita niya si Becca?

"Let's go sissy." Ngiti ni Kyla. "Its nice to see you again, BECCA." Nag paalam na rin ako at bago kami lumiko tinignan ko pa muna si Becca na sinundan din kami ng tingin.

"Wow, ang laki naman pala nang room niyo ng roommate mo." Nag palinga linga si Kyla na parang ina-examine yung lugat. "Who's your roommate?"

"Si Becca." Ngiti ko. Napamaang naman yung bibig ni Kyla na parang nakalimutan yung sasabihin.

"A-aah.. T-talaga?" I just nodded and lay down my bed.

The Roommate (Short-Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon