Chapter 11 - Something

75 3 0
                                    

**

Kinabukasan

"Good morning Miss. Breakfast?"

All set na ko. Ready na rin akong umalis for my photoshoot today. Pero bigla kong napansin na wala si Khien this morning.

"Sara."

"Yes Miss?"

"Nasaan si Khien?"

"Ahh. Umalis na po. May client po sya malapit sa Valenzuela. Bakit po? May kailangan po ba kayo kay Sir?"

"Hindi man lang nya sinabi sakin." I whispered. Pero narinig pala ni Sara.

"Uy si Miss. Kailangan po ba alam nyo rin?" nangingiti pa nyang sabi.

Nanlaki ang mata kong napatingin sa kanya. What the--!

"Joke lang Miss! Ikaw naman, di ka mabiro."

"Masama bang magtanong?" I asked her while giving her a glare.

"Easy lang po Miss."

Inirapan ko sya at umalis na sa harap nya. Ba't ko pa kasi tinanong kung nasaan siya? Like who is he in my life? Duh.

--

Nasa waiting area ako ngayon at iniisip ko pa rin yung mga sinabi ni Khien about my parents.

"Shane, ito na yung pinapabili mo."

But I'm happy to see my Dad sang again. It's been a decade I guess.

"Shane? Hello?"

But I'm more shock seeing Khien holding a guitar. May side pala syang musician.

"Shane? Aba may pag-ngiti?"

I think, in that matter magkakasundo kami.

"Trishane!"

O__O What the-

"Kanina pa ko nagsasalita-Aray!" Binatukan ko nga. Kakainis, istorbo? "My head!"

"Nakakagulat ka."

"Eh paano ba naman kasi, kanina pa kita kinakausap. Tulala lang?"

"Ano na naman ba?"

"Oh. Pinapabili mo."

Inirapan ko muna sya bago ko kinuha ang drink.

"Ano ba kasing iniisip mo? Lutang ka ata."

"It has nothing to do with you kaya pwede tumahimik ka na lang?"

Bago ko pa buksan ang drink ko ay nagsalita bigla ang photographer. Paglingon ko sa kanya nakita ko si...

"K-Khien?"

Imposible.. Bakit sya nandito? I immediately shook my head at bigla na lang nawala si Khien.

"Shane, uy."

Nasaan na sya? Lumingon-lingon ako sa paligid pero wala sya.

"Babae sino ba hinahanap mo?"

Namamalik-mata ako??

"Ms. Trishane, ready na po?" narinig kong sabi ng isang staff. Ghaad. I need to focus. Ba't ko sya biglang nakita? This is new.

"I am. Always." sagot ko at sinundan na ang staff.

--

Gabi

You! Who Stole My Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon