**
'Yung feeling ng in-love na tao. Sabi kasi nila, pag inlove ka, masaya ka. Gusto ko yun maranasan. Yung feeling na bigla-bigla ka na lang naaapektuhan ng presence nya. Yung natutulala ka kahit ngumingiti lang sya. Yung feeling na gagawin mo ang lahat makasama mo lang sya. As in lahat. You'll have your way. At tsaka..yung bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso mo makita mo lang sya. Without any reason.'
WAAAAAAAHHHH!!
Napabangon ulit ako. Pang-ilang beses ko na ba 'tong pagbangon na 'to!
T__T
"Haay!!"
I messed up my hair in frustration. I looked at my bedside table and..
"2:30 am. Aaah!! Khien! Pwede ba patulugin mo na ko?? Kanina ka pa eh! Namumuro ka na sakeen!" Naman!
TTOTT
Humiga ulit ako at pumikit. Matulog ka na, Trishane. Huwag mo na syang isipin, okay?
'Yung feeling na palagi mo syang iniisip.'
Please.. please naman. I covered my ears.
'Yung feeling na bigla-bigla ka na lang naaapektuhan ng presence nya.'
Shit. That voice! TTOTT
"Kaasaaar!!" sabay gulo ng buhok ko. "Arrghh!" Napabangon ulit ako.
'Yung natutulala ka kahit ngumingiti lang sya.'
His smile... Napatitig ako sa kawalan. I blew a deep sigh.
"Sige. Ipamukha mo pa sakin." Humiga ulit ako.
'Yung feeling na gagawin mo ang lahat makasama mo lang sya. As in lahat. You'll have your way.'
Napapikit ako. Oh god.. kailangan ko ng matulog. As in! Tama na please..
'At tsaka..yung bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso mo makita mo lang sya. Without any reason.'
Nakakainis na talaga. Napabangon ulit ako.
"OH, EH ANO NAMAN!! OO NA! SAPUL NA SAPUL NA KO!! MASAYA KA NA!!? Please naman..Oh Lord. PATULUGIN NYO NA KO!! TAMA NA!!"
TTOTT
--
Kinabukasan
"My God Shane!"
Napaangat ang ulo ko sa sigaw ni Athena. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya.
"Ms. Trishane.." Lyka said at nakita ko na nag-aalala sya.
"Eyebugs!? Kailan ka pa nagka-eyebugs, aber? Alam mo namang may photoshoot ka ngayon diba?! Ba't ka nagpuyat~?!"
Tiningnan ko si Athena na problemadong-problemado. Kinuha nya ang salamin sa tabi ko.
"Nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin? Sige, titigan mo. Nang matauhan ka." I saw my reflection.
-__-
Alam ko naman eh! Aware naman ako na may photoshoot ngayon at kailangan matulog ng maaga. Ginawa ko naman lahat pero dahil sa kanya at sa lahat ng sinabi nya, kahit anong pilit ko..
HINDI NA TALAGA AKO NAKATULOG!
I covered my face at yumuko na lang. That Khien Tan.. He made me a mess today!
"Naku Ms. Trishane, masama po ata ang pakiramdam nyo. Mukhang hindi nyo kayang mag-shoot ngayon. Ako na lang po ang magsasabi kay Pres Juliene na i-reschedule na lang po ulit." -Lyka
I heard her footsteps away from me. Probably, to call Juliene about this. Ano bang nangyayare saken?!
"Hoy babae!" Naramdaman kong umupo si Athena sa tapat ko. "Magsabi ka nga sakin. Ano bang problema mo?"
I lifted my head up and looked to him. Problema?
T__T
I held both of his hands na ikinagulat nya.
"Yun nga yung problema ko eh! Hindi ko alam ang problema ko!"
Napatigil si Athena, na-shock ata sya sa naging reaksyon ko.
"Grabe Shane. Ngayon lang kita...nakitang ganyan." Hinigpitan ko pa lalo ang hawak ko sa kamay nya.
"Tulungan mo ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko!" I sigh. "Hindi pa ko nababaliw. Alam ko yun."
T___T
"Hindi. NABABALIW NA PALA AKO! WAAAHH!" ginulo ko ang buhok ko. TTOTT
"Shane! Maghulos-dili ka, babae! Nagd-drugs ka na ba ngayon?!"
I stopped but still holding my head.
"Tingin mo kailangan ko ng magpacheck-up?" Nanlaki ang mata ni Athena. Does he really also think that way?
"Hinde.." He seriously said at tumayo. "HINDI KA SI TRISHANE! ILABAS MO SI TRISHANE!" Sigaw nya at dinuro-duro pa ko.
"Athena, SERYOSO AKO!"
Nagkatinginan kaming dalawa but in the end, napabuntong-hininga na lang sya at umupo ulit.
"Ito a? Kakausapin kita bilang kaibigan, hindi bilang manager mo, ha?" He sighed again. "Alam mo bang ang daming nagbago sayo? Napansin ko, lately, magugulatin ka. At saka ito, a? NEVER kang nagpa-cancel ng photoshoot. You're always into your career. Pero these past few weeks, iba na eh. IBA NA TALAGA!"
O__O - my reaction
G-ganon na ba ko? Nagbago ako?
"Ano ba kasing nangyayari sayo? Dati naman kinukwento mo sakin."
I bit my lower lip, a bit undecided. But better to share it to someone. Baka kasi tuluyan na kong mabaliw kakaisip ng problemang hindi ko malaman kung ano. I looked on him seriously.
"A-ano kasi..."
Gosh, paano ba? >_<
"Shane." Bahala na. I blew a heavy sigh.
"Hindi ko alam kung ano bang meron sa kanya. Pero.."
"Pero?"
"..Palagi ko syang naiisip! I can't get a freakin' sleep last night because of that person! I don't know! Unintentionally, I think of him leaving no day. Just seeing him doing nothing affects me. I don't know what to do! His presence makes me dumbfounded, as in natutulala ako especially whenever he smiles. I can't help it! At gusto ko syang makasama and I feel happy when we're together. And without any reason, my heart pounds very fast just when that person is around!"
I held Athena's hand.
"May sakit na ba ko?! Ha? Do I have to consult my physician??"
I looked at Athena and saw his expression. Literal syang napanganga. Oh my God! What happened to him?
"Athena!"
"Shane." He held my shoulders and looked at me. "Is 'that person' happened to be a guy?" Kumunot ang noo ko.
"P-pano mo nalaman? If that so, abnormal na ba 'ko?? Sabihin mo yung totoo!!"
"Shane makinig ka sakin!"
He held my shoulders tightly and look straightly in my eyes.
"Hindi ka nababaliw at hindi ka abnormal. Inlove ka lang."
*silence*
I froze.
"Inlove ka babae."
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
You! Who Stole My Heart [COMPLETED]
Chick-LitWhen a narcissistic, self-proclaimed goddess met her KARMA - yung tipong hindi nya inaasahan.