"Laura may problema ba?" tanong sa akin ng katabi ko nang itungga ko ang pangapat na bote ko ng Red horse beer. I'm not really a drinker. Hindi ko lang talaga alam paano ko nagagawang makainom ng ganito kadami. Ganun ba ako kaapektado?
"Anna pigilan niyo nga itong si Laura, nakakalima na siya" I glared at him.
"Sino kaba? Hindi ko nga maalala pangalan mo, kung umasta ka parang boyfriend ko hah!"
"Woah! Chill bro! Miguel ang pangalan ko bakit ba hindi tumatatak sa utak mo hah." Inirapan ko nalang siya at itinuloy ang paginom ko. Ewan ko ba bakit kami ang pinagtabi ni Anna eh hindi ko naman ata makakavibes to.
"Truth!"sagot ko sa tanong ni Clark sa truth or dare. Hindi ko alam paano nagsimula ang larong to basta nang matapat saakin ang bote ay iyan na ang nabulalas ko.
"May natitipuhan ka ba dito sa tropa ko?" nakangiti niyang tanong. Agad akong napatingin kay Nikko, sa girlfriend niya, at balik kay Nikko.
Ang ingay namin kanina ay napalitan ng katahimikan tila inaabangan nilang lahat ang sagot ko.
"I like you" sabi ko nang nakatingin kay Nikko. Napansin kong nagulat sila saaking nasabi pero agad din akong lumingon sa katabi ko, "Miguel"
Narinig kong biglang tumili si Anna at kitang kita ko sa mukha ni Miguel ang pagkabigla.
"Hatid mo na ako pauwi please." Sambit ko kay Miguel at isinabit ang aking braso sa kaniyang leeg.
"Shit" yan ang unang lumabas sa aking bibig nang magising ako sa sarili kong sofa habang si Miguel ay nasa sahig. "Oh my gosh!" Hindi ko mapigilang magpanic nang maalala ko ang huling ginawa ko kagabi kasama sina Nikko. Tinignan ko ang aking damit at thankfully suot ko pa ang suot ko kagabi pero may nakasuot din na jacket saakin na sa tingin ko ay kay Miguel.
"Gising ka na pala. I'm sorry nakatulog na ako dito. Ayaw mo kasing bitawan damit ko." Nahihiyang sambit ni Miguel nang bumangon siya. Napapikit ako dahil sa sinabi niya.
"Please huwag mo na ipaalala kahihiyan ko kagabi utang na loob lang." Narinig ko naming tumawa si Miguel kaya binatuhan ko siya ng unan.
"Hindi naman ba masakit likod mo? Pasensya na hindi kita pinasok sa kwarto mo dahil nahihilo nadin ako nun." Napairap naman ako sa sinabi niya. Kung ako masakit likod ko dahil sa sofa paano pa kaya siyang sa sahig natulog?
Masakit man sa ulo ay bumangon na ako at sinabi sakaniyang dito na siya magalmusal bilang pasalamat ko. Hindi ko alam pero parang ang komportable ko lang na nagluluto dito habang siya'y nakaupo sa hapagkainan at naghihintay.
"Tungkol nga pala sa sinabi ko kagabi Migs..."
"That's not true right? Dala nalang yan ng kalasingan mo." Tinignan ko siya at nginitian. Buti nalang at hindi niya binigyan ng malisya iyon. Sana iyong iba din hindi na.
"Pero hindi nakatakas saakin ang mga tingin mo kay Nikko. Ikaw hah gusto mo siya ano?" Agad ko siyang binatuhan ng basahan bago pa niya ipagpatuloy ang pangaasar niya.
