"Ano trabaho ng magulang mo?" tanong ni dad kay Miguel. Kanina niya pa ito iniinterview mula nang simulan namin ang almusal. Para bang nagaapply si Miguel sa kumpanya ni daddy sa dami niyang tanong, and thankfully mukhang chill lang si Miguel.
"Pediatrician po si mommy sa sarili niyang clinic, while dad is a Freelance Engineering Consultant." Tumango tango si dad at mukhang nagiisip pa ng maitatanong.
"Ilan kayo magkakapatid?"
"Dalawa po kami. Ate po ang mayroon ako, at may family na po siya sa California."
Nandito kami ngayon malapit sa Gyeongbokgung Palace, naghahanap ako ng Hanbok na sa tingin ko'y maganda. Isa ang Gyeongbokgung Palace sa five grand palaces at eto ang pinakamalaki sa lima.
Nagyaya lang si mommy na maglibot kami at pictorial dito kasama kaming lahat habang nakasuot ng hanbok. Pati nadin ang mga lalaki'y walang choice kundi magsuot din.
"Bakit blue pinili mo? Gaya gaya?" sabi ko kay Miguel nang makitang light blue din ang hanbok na napili niya. Light blue kasi ang palda ng akin habang ang top ay beige lang at may fur vest dahil malamig.
"Ang corny niyo naman ano yan para sa couple goals?" Pangaasar saamin ni Renzo nang lumabas kami ng shop.
"Huwag mo akong simulan Renzo kung ayaw mong laitin kita kung gaano ka kapangit sa hanbok mo." Natawa sina mommy dahil sa sinabi ko.
"Bagay naman kayo, huwag kana mapikon sa kuya mo." Bulong saakin ni mommy at nauna na kaming maglakad.
"Ang hirap naman kumain ng naka ganito" reklamo ko. Bago kami maglibot kasi ay kumain muna kami ng aming pananghalian dito sa Bong Dak Chicken malapit lang sa Palace.
"Dapat kumain na muna ata talaga tayo bago nagrent neto." Magsasalita pa sana ako nang magulat ako sabay na nagtutok ng chicken saakin si Miguel at Renzo para subuan ako.
"Oh ayan sinusubuan ka na tuloy nila para manahimik kana." Natatawang sabi ni dad. Inirapan ko ang dalawa at hindi pinansin ang kanilang alok. Bakit ba gustong gusto ata ako pagtripan ng pamilya ko? Lalakas pa ng trip nilang tawanan ako.
Nandito ako ngayon sa kwarto naming at parang tangang nakangiti. Paano banaman mga comments ng tropa namin sa picture namin ni Miguel kanina sa Palace, kung ano anong klaseng pagpupuri nila nababasa ko.
Sina Miguel and Dad ay nasa sala umiinom ng Makgeoilli. First time ni Renzo and Migs itry 'yun kaya panigurado'y babagsak ang dalawang 'yun.
"Napakaingay nila hindi ako makatulog." Reklamo ni mommy sa tabi ko. Kanina pa kami nakahiga pero pareho kaming hindi makatulog dahil sa tawanan nina Daddy. Sa inis ko'y lumabas ako para patigilin na sila.
"Miguel stop drinking! May lakad pa tayo tomorrow!" inis na sabi ko nang agawin niya uli sakin ang alak.
