Laura Collins
"Gosh ano ba itong trip niyo guys? Are you even serious? For sure naman walang magrereview sa atin doon" I said to my group with disbelief. Ewan ko ba naman dito kay Anna ano ang naisipan niya at bakit niyaya niya ang mga kaibigan ng boyfriend niya para daw sa "group study". Aminado naman akong mahirap ang Accounting subject pero is it necessary na magpatutor sa mga Accountancy students?
"Sige na Laura huwag ka nang kill joy diyan. Game naman sina Kaye dito, at ikaw nalang kuda ng kuda diyan" angil ni Anna sa akin habang inaayos ang kaniyang handouts sa Accounting subject.
"Geez! Fine! May magagawa pa ba ako? Settled na nga pati lugar kung saan tayo magrereview" pagsuko ko na nakapagpatili naman sakanila.
"Eto si Laura, Kaye, and Rosie" pagpapakilala ni Anna saamin sa limang lalaki na kaharap naming ngayon. "And this guy is my boyfriend, Clark" malanding hirit ni Anna bago ipagpatuloy ang pagpapakilala sa mga lalaki.
"Hi Laura, nice to meet you" tinignan ko muna ang mukha ng lalaking kaharap ko. "Nice to meet you too uhm..." pagpapasensya kong tono dahil hindi ko matandaan ang pangalan niyang sinabi ni Anna kanikanina lang.
"Oh okay seems like you are bad in names huh?" natatawa niyang sabi. "I'm Nikko" pagkasabi niya ng kaniyang pangalan ay tinaggap ko na ang kaniyang kamay at nginitian siya. But deep inside me gusto ko na umirap kanina pa. Paano banaman ang alam ko is group study so ang expect ko ay sama sama kaming magrereview, pero nagulat ako nang pinaghiwa-hiwalay kami ng table ni Anna at by partners pa. Kung titignan mo kami ngayo'y para kaming nakikipagblind date.
"Sorry na Miguel hindi ko talaga alam na hindi sasama yung isa saamin, wala ka tuloy partner." Dinig kong pagpapasensya ni Anna sa lalaking katabi ng boyfriend niya. "Hindi sige okay lang saakin, wala din naman kasi akong gagawin sa bahay kaya ayos na ding nandito ako"
"Pare kung gusto mo dito ka na din saamin ni Laura, sabay na natin siyang turuan." Agad akong napatingin kay Nikko sakaniyang sinabi. Walanghiya hindi man lang tinanong kung okay ba saakin. "Okay lang ba sayo yun Laura?" nakangiting tanong saakin ng lalaki. Geez do I have a choice? Nakaupo na silang dalawa sa harap ko!
"Si Miguel nga pala Laura" pagpapakilala ni Nikko kay Miguel. Buti nalang at nakakainom ako nitong paborito kong kape dahil kung hindi ay iinit ang ulo ko agad.
Nalilito lamang akong nakatingin sa dalawang lalaki na nagtatalo tungkol sa homework ko. "Hindi ba't ganito yun pare?"
"Gago kaba mali naman iyang itinuturo mo nakakahiya ka kay Laura. Umalis kana nga dito" Hindi ko maiwasang matawa dahil ang cute nila magtalo.
"Pareho naman kayong mali eh, hindi ba't kapag nagloan ka ng sasakyan ay sa account payable mapupunta yung 800,000 at yung isang 800,000 ay mapupunta sa assets? Bakit ba ibinabawas niyo sa cash eh loan naman ang ginawa? Hindi ba't pag nangutang ka ay sa liabilities yun?" Natatawa kong pageexplain at pareho silang napakamot sa ulo dahil dun.
"Alam mo naman pala itong ipinatuturo niyo Laura, bakit nandito ka?" friendly na tanong lamang ni Nikko, hindi naman ako naoffend. "May choice ba ako? Nandito barkada ko eh, saka ayokong matawag na killjoy" nakangiti kong sabi sakanila habang tinatapos na ang aking homework sa Accounting.
"Dapat pala yata kami ang magpaturo saiyo Laura eh" sabi ni Miguel na ikinaangat ko ng ulo at tinignan siya ng masama. "Ayoko ng sakit sa ulo no" Natawa naman silang dalawa sa aking sinabi.
I never thought that this "group study" could bring happiness to me.