"Ah sorry. Hindi ko napigilan" sabi niya habang hinahaplos ang kaniyang batok. Nginitian ko lang siya at tumingin sa labas.
"Pasensya na kung nakita mong tinapon ko yung bulaklak na bigay mo. Hindi ko yun sinasadya."
"Alam ko naman. Dahil akala mo si Nikko ang nagbibigay sayo 'di ba?" Tumango ako sakaniya bilang tugon habang nilalaro ang aking mga daliri sa kamay.
"Nakakahiya nga eh, asang asa pa ako kay Nikko nun. Excited pa akong makausap siya, makita siya, makasama siya, tapos malalaman kong ikaw pala yung nagbibigay"
"Nadisappoint ka ba?" Dali-dali akong umiling sa kaniyang tanong.
"Hindi no! Nakakainis lang na nahulog ako sa maling tao dahil sa maling akala. Feel ko tuloy napakarupok ko" natatawa kong sabi sakaniya.
"Kung alam mo bang sakin galing yun, sa tingin mo ba magiging interesado ka sakin?" Tumingin ako sakaniya at ngumiti.
"Sa ngayon hindi ko iniisip yan kasi sa totoo lang hiyang-hiya padin ako sa nangyari ngayon. Kaya hindi ko alam."
"Sorry hindi naman kita pinepressure. Pero gusto ko nalang din malaman mong seryoso ako saiyo at gusto talaga kita"
"Thank you?" Nahihiya kong sambit sakaniya. "Sorry hindi ko alam anong tamang word isasagot ko sayo pero salamat. Lalo na dun sa mga flowers na binigay mo. I really appreciate it"
"Huwag ka magalala hindi ko naman kailangan ng sagot at wala yun basta ikaw. Malakas ka sakin eh" natatawa niyang sabi na nakapagpahawa sakin upang matawa.
"Aba aba aba what is the meaning of this?" Maarteng sambit ni Anna nang ilapag niya ang kaniyang food tray katabi ng akin. "At bakit magkasama kayo ni Nico?" Nakataas ang isa niyang kilay habang nagtatanong na nakapagpatawa saamin ni Miguel.
"Bawal ba mamsh? Hindi ako nainform" agad naman napalitan ng para bang kinikilig na natatae ang ekspresyon ni Anna.
"Quit it Anna nakakatakot kana hah" naiirita kong kunwaring sabi na naging dahilan para hampasin niya ako.
Magkasabay kasi kami ngayon ni Miguel na nag lunch dito sa cafeteria dahil sa nauna ang vacant ko sa barkada at nagkataong wala ang instructor ni Miguel kaya agad niya akong pinuntahan.
"And the Marigold is back!" Excited niyang sabi habang pinaglalaruan ng kaniyang daliri ang petals ng Marigold kaya agad ko itong inagaw sakaniya at baka masira pa niya. "Ay protective sa flower. Sa manliligaw kaya?"
"Sorry to disappoint you Anna pero ayaw pa ni Laura magpaligaw." Tumango tango ako bilang pagsangayon sa sinabi ni Miguel.
"Aba anong klase kapabebehan ginagawa niyo ngayon?" Natawa nalang kaming dalawa ni Miguel sakaniya.
"Go Laura!" Sigawan ng karamihan ang aking narinig nang lumabas ako mula sa backstage. Kinakabahan ako pero hindi ko dapat ito ipahalata kaya ngumiti lamang ako at tumingin sa ilaw na nasa harapan ko. Nakakasilaw pero nakakatulong ito para saakin na huwag isiping nasa harap ako ng maraming tao.
Wala akong choice nang piliin ako bigla ng instructor namin na sumali sa College of Information Technology Pride, isang contest kung saan bawat year level and section sa kursong IT ay kailangan ng representative upang magpakita ng kanya-kanyang talento.
