CHAPTER VII

14 1 0
                                    


Nginitian ko lamang yung babaeng lumapit kay Miguel. "Yes I'm Laura. And you are?" tanong ko sakaniya ng mahinahon at inalok ang aking kamay na agad din niyang tinaggap.

"I'm Hershey. It's nice to finally meet you." Napakahinhin ng kaniyang boses at napakacute niya. Kung titignan mo siya'y parang mas bata siya saamin.


"Mamaya na kita kwentuhan Miguel, magenroll muna kami ni Anna." Paalam ko kay Miguel nang magsalita pa uli si Hershey.

"That's great! Sabay sabay na kayo. Ako kasi magtatanong if pwede pa ba akong humabol sa entrance exam for college dito." Tama nga ang hinala ko. Sabay sabay na kaming nagasikaso ng dapat namin asikasuhin. Mabilis lang naman ang proseso. Nahiwalay nadin samin si Miguel and Hershey nang matapos kami dahil sinamahan muna niya si Hershey mag inquire.



"Aren't you jelous?" tanong saakin ni Anna nang makaupo kami sa cafeteria.

"Why would I? May karapatan ba ako? And besides magsasabi din si Miguel kung sino yun."

"Wow sa trust daig pa ang magjowa!" pangaasar ni Kaye.


Pinamigay ko narin ang kanilang pasalubong. Nang kay Nikko nalang ang natitira saka ko lamang narealize na hindi pa pala namin siya nakasama ngayon? Itatanong ko na sana siya kina Anna ay biglang may humawak saaking ulo at ginulo ang aking buhok.


"Saan ka nanggaling hah?" Bungad niyang tanong. Inirapan ko na lamang si Nikko at iniabot ang kaniyang pasalubong.

"See for yourself." Sabi ko at nagtaka siya nang makita ang tshirt niyang may nakalagay na 'I love Korea'. Tawa ng tawa sina Anna nang makita iyon dahil sa lahat ay matitino ang pasalubong ko, sakaniya lang ang corny.

"What the hell?" Reaction lang niya at binato sa mukha ko ang shirt.

"Ang mean mo! Eto na o!" Sabi ko sabay bato sakaniya ng jacket. Lahat naman sila ay binigyan ko ng ganung t-shirt pero nasa pinakailalim ang kanila kaya hindi pa nila napapansin.


"At kailan pa pala kayo naging close ng ganiyan?" Bulong saakin ni Anna. Nginitian ko lamang siya bilang tugon. Alam na siguro nila paghiwalay nila Angel at Nikko pero mukhang hindi nila alam na nagkausap na kami ng matino.



"Anong pinagkakaguluhan niyo diyan?" tanong ni Miguel nang dumating siya at sumiksik agad sa tabi ko. Iniabot ko na sakaniya ang paper bag na naglalaman ng pasalubong ko para sakaniya.

"Aba bakit mas malaki paper bag niya kaysa saaking bestfriend mo?!" maktol ni Anna na nakapagpatawa naman saakin.

"Wag kang maginarte diyan. Kahit na ang liit ng paper bag mo eh make up naman laman niyan! Lugi ako diyan no."


Tinignan ko muli si Miguel na kasalukuyan kinakalkal bigay ko sakaniya, "Tara. Alis muna tayo." Aya ko sakaniya na ikinabigla niya. "Mauna na kami guys pasensya na. Maguusap pa kami." Paalam ko sa iba na naintindihan din naman nila agad.




Habang naglalakad kami pauwi ay hindi ako umiimik. Nakasunod lamang siya saakin. Nang makarating kami sa bahay ay umupo ako agad sa sofa at inihiga ang aking ulo sa sandalan. Feel ko pagod na pagod padin ako.

MarigoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon