"So eto na yung Christmas gift mo saakin? Pera? Really?" Natatawa kong tanong kay Renzo. Nandito kami ngayon sa favourite Japanese restaurant ko. Luckily open ito kahit na pasko ngayon. Kaninang umaga lang dumating si Renzo dito at sinundo pa ako sa bahay nina Miguel.
"Open it bago ka kumuda diyan." Sabi niya habang tinitignan regalo ko sakaniyang bagong relo.
"Seriously?" hindi ko makapaniwalang tanong nang makita kong plane ticket papuntang Korea uli ang bigay niya saakin.
"Matagal ko na plano iyan na sa Korea tayo magcelebrate ng New Year. Nung sembreak mo ay talagang biglaan lang 'yun and kina mom and dad surprise 'yun. Sayang nga lang wala na yung element of excitement mong 1st time mo makakapuntang Korea dahil naunahan na ako nina mom."
Nagtaka ako nang makita kong tatlo ang ticket. "Why 3? Sino makakasama natin?"
"Oh that. Iyan nalang dinagdag ko para maexcite ka din. We're going with Miguel. Napagusapan nadin namin about diyan." Kaya pala niregaluhan ako ni Miguel ng boots na pang winter!
"Aren't I sweet and supportive? Ang swerte mo at kuya mo ako. Sobra pa nga kasi napakagwapo ko pa." Mahangin niyang sabi saakin. Kinurot ko ang kaniyang pisngi at sinabing, "Yes I'm lucky pero sad to say kuya mukhang ampon ka lang sa family natin dahil ikaw lang ang pangit." Natawa nalang siya sinabi ko.
And that's how I celebrated my Christmas.
"I'm sorry Laura ikaw pa inistorbo ko para samahan ako ngayon." Sabi ni Hershey.
Nandito kami ngayon sa spa, nagpapa manicure and pedicure kami. After this naman ay pupunta kaming salon. Hindi ko alam bakit bigla siyang nagyaya ngayon pero sumama narin ako dahil wala naman akong ginagawa.
"You know why I suddenly want to pamper myself?" napatingin ako sa reflection ni Hershey sa salamin. Nagpapagupit siya and nagpapakulay ng kaniyang buhok, while ako'y nagpapakeratin lang para mabuhay ang aking buhok.
"My boyfriend and I just broke up. Hindi ko naman makwento kina Althea ito kasi hindi naman legal. And I think sayo ako makakapagkwento na siguradong safe." Nginitian niya ako na sinuklian ko din ng ngiti.
"So care to share bakit kayo nagbreak?" Kasalukuyang nakababad ang aming buhok kaya kaming dalawa lang nasa harap ng salamin ngayon.
"Gago siya eh. Jackpot na siya saakin pinagpalit pa ako sa bato. Imagine I'm a goddamn diamond na pupunta pa siya sa bato." Natatawa niyang sabi saakin.
"You mean nakipagbreak siya sayo and then nakahanap agad ng kapalit? Or pinagsabay kayo?" mga ilang segundo din natahimik si Hershey habang tinitignan mga kuko niya.
"I was about to surprise him nung Christmas sa condo niya. I'm planning to give him pa yung shoes na gusto niya. And to my surprise may kaharutan siyang iba."
"Well I must say gago nga talaga siya. Buti naman at imbis na magmukmok ka'y lumabas ka. He doesn't deserve you. You're too good for him"
"I know right. Matalino na ako't mabait, ang ganda ganda ko pa right?" Tumawa nalang ako bilang tugon sakaniya.