CHAPTER VIII

13 1 0
                                    


"Laura is here!" announcement ni Hershey nang makapasok kami ni Miguel. Halos humingi ako ng saklolo kay Miguel nang agawin ako ni Hershey mula sakaniya at ipinaupo ako sa lamesa kung saan puro babae. Kinabahan ako bigla dahil kung magpapakilala silang lahat sakin ay tiyak hindi ko maaalala masyado.


Exclusive celebration lang pala itong ganap. Akala ko pa naman ay kid's party talaga. Nasa isang VIP room lang kami ng restaurant kung saan may smokeless grill bawat table.


Nagsimula magpakilala saakin isa isa relatives ni Miguel at halos tawagin ko lahat ng santo para maalala silang lahat. Halos magkakaedad lang kami dito, mga pinsan ni Miguel at tita (by blood) niya kasama namin. Pero mostly, sinasabi lang ni Hershey saakin mga pangalan nila. At si Hershey nadin mismo nagpakilala saakin na girlfriend daw ako ni Miguel, nakakahiya man ay icocorrect ko pa sana siya nang may humawak sa aking balikat.


"Sorry to interrupt you girls, hindi ko pa siya girlfriend pero sana soon sagutin na niya ako." Sabi niya na ikinapula ng aking mukha sa hiya. Nagtawanan lahat ng kasama ko sa table at inaasar si Miguel na napakahina naman niya at hindi pa niya ako sinasagot.

"Pwede ko ba muna siyang hiramin?" Napatingin ako sakaniya at kinabahan ako agad nang marealize ko kung saan niya ako dadalhin.



"Mom" tawag niya sa babaeng busy sa pakikipagusap sa mga kasama niya sa table at feeling ko dito sa table na ito ay mga tito at tita ni Miguel. Humarap saakin mommy ni Miguel with a full smile kaya parang nabawasan ang aking hiya at sinuklian siya ng ngiti.

"This is Laura" magmamano na sana ako nang bigla akong besohan ng mommy niya.

"Finally! So you are Laura? You really are pretty anak. Just like how Miguel describes you" sabi ng mom niya na ikinahiya ko. Lahat ng atensyon ng nasa table na iyon ay nasaakin.

"Thank you tita. It's nice to meet you po."


"Napasagot mo naba Migs?" tanong ng lalakeng katabi ng mom ni Miguel na sa tingin ko'y daddy niya.

"Soon dad." Mayabang na sabi ni Miguel at inakbayan ako. Magmamano nadin sana ako sa daddy ni Miguel pero tinapik lang niya ang aking balikat at sabing, "Nako nak huwag kana magmano at tatanda lang kami tignan."

"Kahit naman po magmano ako sainyo tito mukha parin kayong bata." Honest kong sabi, dahil sa totoo lang ay napakagwapo padin ng dad niya at maging ang mom niya ay nag-glow parin ang ganda na para bang alagang-alaga ang skin.


Tumawa bigla ng malakas Daddy niya nang hampasin siya ng kaniyang asawa. "Ay sus Laura huwag mong bolahin ng ganyan si Robert at baka lumaki ang ulo. Anyway enjoy the part ija. Huwag kang mahihiya." Sabi niya at nginitian ako bago umupo ulit.



Iginiya naman ako ni Miguel sa table kung saan may mga bata at sa tingin ko'y isa na dito ang celebrant.


"Twyxr." Tawag niya at biglang may lumapit sakaniya para makipag fist bump. Umupo naman ako para makapantay ang bata.

"Hi Twyxr, happy birthday!" Masaya kong bati sakaniya at iniabot sakaniya ang regalo. Niyakap naman ako neto at nagpasalamat saakin.

"You must be the girl that Kuya Nico's been talking about." Napatingin ako kay Miguel na nakangiti lamang saamin.

MarigoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon