"Napakaaga mo namang nakasimangot baby?" Napatitig ako sa lalaking bumungad saakin pagbukas ko ng aking pinto. Nakaayos pa ito na parang may pupuntahang date lalo na't may bitbit pa siyang isang pirasong rose.
"Renzo!" agad kong niyakap ang kuya ko.
"Naligaw ka? Corny mo naman may pabulaklak ka pa. Ano ka? Manliligaw?"
"Para lang maranasan mo maligawan. Ang pangit mo kasi eh kaya alam kong walang manliligaw saiyo." Sinuntok ko ang kaniyang tiyan sa kaniyang pangaasar.
"What a sweet welcome hah! Magempake ka na ng damit mo dadalhin kita sa Manila tutal sembreak mo." Naexcite ako sa kaniyang sinabi kaya dali-dali akong pumasok ng bahay at nagstart mag ayos ng gamit.
Ganito talaga kami ni Renzo. 1 year lang ang gap namin kaya close talaga kami. Nagkahiwalay lang kami nang matapos siya mag college at nakuha sa Manila para magtrabaho. Never siya nagfail na sunduin ako dito sa Pampanga tuwing magbabakasyon ako para makasama ako.
"Renzo!" Galit kong sigaw at agad inagaw ang aking cellphone. Napakahilig talagang mangalkal ng lalakeng to.
"Who's Miguel?" Inirapan ko lang siya at nagpatuloy mag ayos.
Halos matae akong masuka sa kadahilanang hindi ako mapakali nang mapansin papasok kami sa airport pag gising ko. Buong byahe kasi tulog lang ako kaya hindi ko napansing nandito na kami.
"Anong meron? Aalis tayo?" Naeexcite kong tanong sakaniya.
"Feeler ka. May pupuntahan lang akong client sandali." Agad naman akong napasimangot sa sinabi niya.
Nang bumaba siya ng kotse, nagtaka ako nang ibaba niya mga gamit ko, and to my surprise may dala pala siyang maleta. Dali-dali akong bumaba at niyakap siya agad.
"Korea?!" tanong ko lang at tumango siya.
"Surprise ni mom and dad para sayo. They can't go home yet so tayo nalang muna papasyal sakanila." Hindi ko napigilan mapatalon sa kaniyang sinabi at hindi napigilang umiyak.
"Dapat pala vinideohan kita! Ang pangit mo!" Natatawang sabi ni Renzo.
"Pero paano niyan?! Mga damit ko puro pang bahay and simple ootd lang!" Reklamo ko nang marealize kung ano mga dinala kong damit.
"Hahayaan ko bang hindi ka prepared? I bought clothes for you. I even brought my camera." Nakangiti niyang sabi at nagsimula na maglakad.
How lucky am I to have this kind of brother? Yes we fight all the time but his sweetness is always there. Kukunin ko na sana ang aking phone para masabihan mga friends ko about this nang marealize kong naiwan ko sa ibaba ng cabinet ang aking phone dahil tinago ko yun mula kay Renzo.
"Sht! Renzo! I forgot my phone!"
"So ano babalik tayo ng Pampanga and miss our flight for your phone?" Wala na akong nagawa kundi sumabay nalang din maglakad sakaniya. I'll update them nalang once I get there.
