CHAPTER V

25 2 2
                                    


"So ano? Iinom nalang ba tayo dito?" inip na tanong ko kay Nikko na nakatitig lang sa mga display ng alak habang umiinom.

"Napapaisip lang ako ngayon na why do I have to explain to you kung alam ko namang wala kang pake at wala din akong pake sa iisipin mo?" Naiiling iling niyang sabi at tinignan ako.


"Paano ko ba sasabihin saiyo?" tanong niya at ipinatong ang kaniyang baba sa pinagpatong niyang kamay.

"Ikaw bahala. Kung saan ka komportable." Sagot ko sakaniya at umiwas ng tingin bago inumin ang cocktail na inorder niya para saakin.



Sa totoo lang hindi ko din talaga alam bakit ba sumama pa ako sakaniya. Siguro dahil curios ako sa sasabihin niya? 



"Alam mo ba, I had this girl, na sobrang mahal ko." Panimula niya at uminom ng kaniyang alak. Gusto kong mabwisit dahil sa pagbitin niya sa kaniyang sinasabi. Nagiging anxious ako pag ganiyan!

"Unconditionally. I love her kahit na pag gising ko, away ang bubungad sa akin. I love her kahit na she doesn't care for me. I love her kahit na ramdam kong hindi niya ako mahal. And I love her kahit na alam kong may iba na siya." Ininom niya natitirang alak niya sa kaniyang baso at nagorder muli. Habang ako'y nakatitig lang sakaniya at hindi pa alam ano ang sasabihin.

"Alam mo anong masakit? I still love her kahit na iniwan na niya ako." Hindi ko alam pero I have this feeling na gusto ko siyang yakapin dahil parang ang bigat ng sinasabi niya. Alam ko kasi a hug can help, not to remove the pain but to make someone feel that he's not alone facing his/her problem.

"And that girl is my mom."

Agad ko siyang nayakap and said sorry softly. I heard him chuckled and said, "Ang cute mo Laura. Now I know why nagustuhan ka ni Miguel." Bumitaw ako sa yakap at binato siya ng tissue.

"Pero bakit nagjojowa kapadin kung ayaw mo sa commitment?"

"Hindi naman sa ayaw ko ng commitment. I'm not ready for that pa nga lang. Hindi ko rin naman gustong isarado puso ko, kasi malay mo diba sa kakatry ko ng relationship, mahanap ko din yung babaeng para sa akin."

"Hindi mo ba ramdam na baka si Angel na?"

"Nope. Same reason lang naman kami bakit naging kami. Pareho lang kaming masaya, pero wala kami dun sa love. Ang totoo niyan si Angel ang nag alok na maging kami. Gusto niyang subukan namin kung magc-click ba kaming dalawa. Wala naman akong makitang dahilan para tanggihan siya, at single naman ako. Kaya ayun."

"Alam ba ni Angel iyang kwento mo?" umiling siya bilang sagot. "Hindi pa oras para malaman niya. Bago palang kami. And isa pa, hindi ko rin naman kasi talaga ramdam na kailangan kong sabihin sakaniya."

"Eh bakit sinabi mo sa akin?"

"Hindi ko din alam. Bakit nga ba?" Nakatitig niyang tanong sakin kaya inirapan ko nalang siya at inubos ang cocktail ko.



"Friends na tayo hah?" nagtaka naman akong napatingin sakaniya, papunta sa kamay niyang nagaalok ng handshake. "Hindi ba't tropa na tayo?" Natatawa kong tanong sakaniya. Nagulat ako nang kunin niya ang kamay ko para kamayan. "Huwag ka nga, I mean friends. May pagkakaintindihan na tayo. Hindi tropa lang. Nandito ako pag may drama ka, nandiyan ka din pag may drama ako." Tumango tango nalang ako bilang pagsangayon sa sinabi niya.





"Saan kayo galing?" Halos mapalundag ako nang si Angel ang sumalubong saakin pagbukas ko ng pinto sa room.

"O bakit ganiyan itsura mo? May ginawa kayong katarantaduhan no? Habang mahimbing kaming natutulog ng manliligaw mo." Mataray na sabi ni Angel na ipinagtaka ko naman.

MarigoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon