"Long time no see." Nakangiti kong sambit kay Kiko. Gusto ko sana siyang yakapin at umiyak pero hindi ko magawa dahil sa nakakahiya at nandito ang pamilya niya at pamilya ni Miguel.
"Oh! She's Laura! The Laura!" sabi ni ate Mica. "Kaya pala you look familiar! Mayroon kang picture frame sa office table ni Kiko." Nagulat ako sakaniyang sinabi. Pero mas nagulat ako nang yakapin ako ni ate Mica.
"Thank you for inspiring him to dream." Bulong niya saakin. Hindi ko na kayang pigilan ang aking luha kaya't nagpaalam akong pupunta muna ako sa comfort room.
Pagkaalis ng Pilipinas ni Kiko, hindi na ako nagparamdam sakaniya kahit na lagi siyang nagmemessage saakin at kinakamusta ako. I chose not to, not because I'm bitter na hindi niya sinuklian love ko, but because I want my feelings to stop. I didn't want it to grow dahil wala naman itong patutunguhan
Wala na akong feelings for Kiko, it's clear na puppy love lang iyon. Nagiging emotional lang ako now dahil nakakaproud na he made it hanggang sa makapagpamilya siya. Dahil sa pagcut ko ng communication sakaniya'y ngayon ko lang talaga siya nakita.
Nang maikalma ko ang aking sarili'y lumabas ako at nabigla nang makita ko si Kiko nakaabang sa labas. Nakalahad ang kaniyang braso at nakangiti. Hindi ko na muli napigilan ang aking sariling umiyak at yumakap sakaniya.
"Namiss kita Laura."
"I'm so sorry" Bulong ko at isinubsob lang ang aking mukha sakaniyang dibdib. Panigurado'y basa na ito dahil sa luha ko.
"It's okay. Naiintindihan ko naman. Bata ka pa nun. Anyway nakikibalita naman ako kay Renzo about you guys." Hindi na ako umimik at pinunasan na ang aking luha.
"I'll drive you home later. Nakausap ko na si Mica and Nico about it." Tumango nalang ako sakaniya bilang tugon at sabay na kaming nagpunta sa dining table.
Nakita ko ang concern sa mukha ni Miguel kaya't nginitian ko siya't hinawakan ang kaniyang kamay. "I'm sorry" bulong ko at nginitian lamang niya ako bilang tugon.
Nagkwentuhan lamang kami sa hapagkainan tungkol sa buhay nina ate Mica and Kiko at tungkol sa pagbakasyon namin ni Miguel sa Korea.
"Oh." Nagulat ako nang iabot saakin ni Kiko isang libro na mukhang bago pa.
"Every month bumibili ako ng best seller in romance. Alam akong hilig mo yan noon eh." Sabi niya at isinenyas ang isang box sa upuan sa likod ng kotse.
"Hindi ba nasabi sa'yo ni Renzo na I stopped reading?" Hindi ako makapaniwalang napakadami niyang binili! Ang dami neto, anong gagawin ko dito ngayong hindi na ako nagbabasa?
"Alam ko. Baka sakali lang na maging interesado ka ulit. Sabi mo saakin noon pangarap mo maging author. Nakonsensya akong mula nung umalis ako'y tinigilan mo na daw. Bakit?" Natawa ako sakaniyang tanong.
"Gosh! It has nothing to do with you! Nag dalaga lang ako at nawala ang interes sa books!" Napakamot siya sa kaniyang batok.
