"Laura oh, pinabibigay uli ni Nikko" agad ko namang tinanggap ang marigold na iniabot ni Clark.
"Ikaw mamsh hah, haba ng hair mo. Aba may Marigold every week ibang klase." Napangiti ako sa sinabi ni Anna at inilapit saaking dibdib ang bulaklak. "Baka naman maubusan ng allowance iyang si Nikko sa kabibigay saakin hah."
"Huwag ka magalala Lau, gusto ni Nikko ginagawa niya." Tinitigan ko ang bulaklak at biglang napaisip na, tatlong linggo na nagbibigay si Nikko saakin ng Marigold pero never niya pa ako nilapitan or kinausap man lang. Lagi lamang niya pinaabot ito kay Clark.
"Bakit nga ba pala hindi ko nakikita si Nikko?" tanong ko kay Clark. Nakakapagtaka lang din kasi na hindi ko siya nakakasalubong man lang o nakikita sa malayo eh nasa iisang unibersidad lamang kami. "Ah iyun ba? Simula kasi nung study natin, pasok uwi ang ginawa ng loko. Napressure sayo nang malaman niyang dean's lister ka. Gusto rin daw niyang mag excel sa klase." Natuwa naman ako sa kaniyang sagot.
Pagkauwi ko sa aking apartment ay inilagay ko sa vase ang panibagong Marigold na aking natanggap. Hindi ko maiwasang kiligin sa moves na ginagawa ni Nikko. Infairness, eto ang masasabi kong slowly but surely. Sa kanyang galaw feeling ko tuloy ako pa nagiging atat na kausapin niya ako. Noong una ay naweirduhan pa ako bakit niya ako binigyan ng Marigold? Gayung isang linggo na kami hindi nagkikita. Pero ngayon siguro nga dahil hinahanda pa niya ang sarili niya.
Nakakatuwa nga may nasearch akong meaning ng Marigold, happiness is bound to happen. And I think he's referring about himself making me happy in the near future.
"O ganda, padala uli ng gwapo mong manliligaw" sabi saakin ni Anna at iniabot ang isang box ng chocolate saakin. Nagulat naman ako dahil kahapon lang siya nagbigay ng bulaklak at ngayon nama'y may pachocolate na.
"Nakakaloka na siya Anna hah. Bakit ba hindi pa siya lumapit saakin?" Natawa naman bigla si Anna saakin. "Wow mamsh atat na. Nakuha na ni Nikko ang gusto niyang drama." Nagtataka naman akong tumingin kay Anna.
"Ganito kasi yan mamsh, dahil nga feeling niya aloof ka sa guys and dahil sa kadaldalang taglay ko, napagdesisyunan niyang unti-untiin ang panliligaw sayo." Napairap naman ako sakanya. Nanliligaw pero hindi ako kinakausap. Ano kaya iyun? "Ay wow may pagirap si ate mo girl. Napaghahalataang atat" natatawang sambit niya at saka na nagpaalam saaking aalis na siya para makipagdate sa pinakamamahal niyang nobyo. Elk.
"Nikko Sandoval" banggit ko sa kaniyang pangalan habang sinesearch siya sa Facebook. Ilang beses ko nang inistalk si Nikko pero hindi ko pa siya ina-add dahil ayoko ngang magmukhang atat kahit na kating kati na ako i-add siya at makausap siya tungkol sa kaniyang ginagawa. Lalo na't napaka private masyado ng kaniyang profile ay lalo tuloy akong nacucurious tungkol sakaniya.
Isasara ko na sana ang aking laptop at magsisimulang magbasa ng libro pero bigla akong nagka notification na may nag add saakin. Migs Sebastian, eto yung nakasama naming nila Anna sa "group study"! Anong mayroon at bigla niya akong inadd? Inaccept ko din naman ito dahil nakasama ko naman na siya.
"Hi Laura, kumusta ka na?" chat saakin ni Miguel na nakapagpataas ng aking kilay. Magrereply na sana ako sakanya nang biglang may kumatok saaking pintuan.
"Mamsh! Gala naman tayo! Sabadong sabado nakamukmok ka diyan. Tara na maligo kana!" Kabubukas ko lang ng aking pintuan bunganga na niya ang sumalubong sa akin at aba dumeretso pang umupo saaking sofa.
"Wow Anna hah wala man lang pa hello?" inirapan niya lang ako at binuksan na niya ang TV. Napailing nalang ako sakaniya. Hay nako kahit kailan talaga ang babaeng to, kapag wala silang lakad ni Clark ako ang ginugulo niya.
"Laura pinabibigay sayo nung lalaki sa labas." Sabi saakin ng kaklase ko at iniabot ang papel. Nagtataka ko naman itong kinuha at binuksan.
'See you soon :)' Napangiti naman ako nang marealize ko kung kanino nanggaling ito. Agad kong kinuha ang aking gamit tutal uwian na at agad-agaran lumabas para hanapin siya. Pero sa kasamaang palad, mukhang hindi ko na siya naabutan. Tanging naabutan ko lang ay yung lalaking nakasama namin ni Nikko nung unang pagkikita namin.
"Yow!" bati lamang niya sa akin at tumalikod na. Nagtataka naman akong napatitig sakaniyang likod. Yow lang? Hindi man lang ako nilapitan? Anyway ano bang pakealam ko ni hindi ko nga maalala pangalan niya. Itinago ko na saaking bulsa ang sulat ni Nikko at napagdesisyunang dumeretso na umuwi. Lunes palang ngayon, kailan kaya yung soon na sinasabi niya? Excited na ako.
Friday na ngayon at nagtataka ako dahil wala akong natanggap na kahit na ano mula kay Nikko after niyang magbigay ng sulat. Wala naming binabanggit sakin sina Clark at hindi rin naman ako makapagtanong kay dahil ayokong magmukhang desperada.
"Night out daw!" Excited na balita ni Anna sa amin pagkalabas na pagkalabas ng aming prof. Hihindi na sana ako pero agad niya akong pinigilan, "Hep! Bawal humindi! Makakasama natin uli barkada ng baby ko." Napatigil naman ako sa kaniyang sinabi at bigla akong kinabahan. Ibig sabihin ba nito ay makikita at makakasama ko na uli si Nikko? After 1 month sa wakas magkikita din kami!
At dahil Friday naman at naka civilian na kami, dumeretso na kami sa resto bar malapit sa Robinson Malls. Habang papalapit kami sa table nina Clark ay napatingin ako agad sa likod ni Nikko. Hindi ko alam pero automatic akong napangiti.
"Uy Laura! Kaye! Buti naman at sumama kayo. Long time no see!" Sabi ng isa sakanila nang makita kami. Napalundag ang aking puso nang biglang lumingon si Nikko sa gawi namin. Sana hindi nila nahalatang mas lumaki ang aking ngiti.
Nang makaupo na kami, dahan-dahan naglaho ang aking ngiti nang may lumapit kay Nikko at hinalikan siya sa pisngi. "Am I late babe?" umiling naman si Nikko at sinaming "You're just in time babe." Nagkantyawan naman ang barkada nila at biglang namula ang pisngi ng babae. "Laura, Kaye, Rosie, Anna, si Angel pala, my girlfriend" Proud na proud na pagpapakilala niya kay Angel.
Parang gumuho ang mundo ko. Nalito ako bigla. Ano ibig sabihin ng pagpapadala niya saaking ng Marigold?