CHAPTER XIII

28 0 0
                                    


"Love ayaw mo muna bang kumain muna?" tanong saakin ni Miguel habang nandito kami sa cafeteria. Busy siyang kumakain habang ako'y busy sa pagaayos ng system ko para saaking final project.


"Shhh love pasensya na pero nasstress na kasi ako. Ayaw ko muna malito." Sabi ko sakaniya at patuloy lang sa pagtatama sa student portal na ginawa ko.


Hindi ko alam gaano ba ako ka bangag habang ginagawa ko 'to dahil lahat ng if-then-else statement ko para sa average grade ay nalimutan kong lagyan ng equal sign. Nagtaka pa ako kanina at bakit Failed ang lumalabas sa result kung 3.00 naman ang aking nilalagay, which is Passed dapat. Akala ko pa naman ay okay na lahat dahil nang subukan ko ang portal ay okay ang takbo, pwera nalang dito sa grading system.


Ang masakit pa'y akala ko sa isang subject lang ako nagkamali, but it turns out na sa lahat pala'y nalimutan kong lagyan ng equal, eh napakadami kong inilagay na subjects dito dahil sa aking kaartehan. And to make my situation worst ay 1 hour nalang ang mayroon ako para mag focus dito dahil pasahan ko na mamayang 3:00 pm.



"Kung bakit ba kasi ngayon mo lang iyan chinecheck love?" Napatingin ako sakaniya dahil sa kaniyang sinabi.


"Oh, guess who the hell called me yesterday saying na may sakit siya, knowing na nagpapalambing lang pala?" inis na sabi ko sakaniya na nakapagpatawa sakaniya.


"I'm sorry na love oh, say ahh." Inirapan ko nalamang siya't kinain ang pagkaing binibigay niya at ipinagpatuloy ang aking ginagawa.





"Finally! Final exam nalang ang aking iisipin!" Tuwang tuwa kong sabi saaking sarili nang bigla ako akbayan ni Miguel.

"Tara date tayo love" Agad ko siyang siniko dahil sakaniyang sinabi.


"Ikaw talaga napaka bad influence mo! Magreview tayo sa bahay! Hala sige walang mangdedemonyo ngayon na gumala!" sabi ko sakaniya at tinutulak tulak siya papalapit sakaniyang sasakyan.


"Napaka strict naman ng love ko sa academics hah. Baka lagpasan ko pa ang Summa Cum Laude niyan, maging Summa Langit Nawa ang maging title ko" Pabiro niyang sabi kaya't kinurot ko siya sa kaniyang tagiliran. Hinalikan lamang niya ako sa pisngi at saka na tumakbo palapit sa sasakyan.




"Love, nalimutan mong iadjust yung unearned income mo to rent income, kaya hindi mo iyan maibalance. You left Paul's prepaid rent sa liabilities which should be adjusted to your equity na kasi dumaan na yung month ng prepayment niya." Napakamot ng ulo si Miguel dahil saaking sinabi.

"I know about adjusting entries love, nalimutan ko lang ilipat yung unearned income." Natatawa niya biglang sabi habang inaayos ulit ang kaniyang balance sheet.

"Edi wag. Nagsasabi lang naman. Ang ingay mo naman kasi mag rant about your balance sheet na hindi nagbabalance. Can't you see nagrereview din ako?" mataray kong sabi sakaniya at tumutok nalang muli saaking libro.


"Joke lang love, napakainit ng ulo mo ngayon." Paglambing niya at niyakap ako. Inirapan ko lamang siya at nagkunwari pang nagbabasa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MarigoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon