CHAPTER XI

11 0 0
                                        



"Why? Do you know him?" Tanong saakin ni Migs nang ibalik ko sakaniya ang phone.

"Kinda." Nakangiti kong sabi sakaniya at inunahan na siyang maglakad.

"Paanong kinda? Anong meron sainyo?"

"Sabihin na nating siya nagturo saakin na maging honest at vocal ka sa nararamdaman mo kahit na ano pa maging resulta niyan kesa sa magsisi kang hindi mo naamin ang gusto mo aminin sa huli."



Tinignan niya ako na parang takang taka siya at gustong malaman ano ba ang kwento namin. Hinawakan ko lamang ang kamay niya at nagpatuloy na lang maglakad.



5 years ago 



"Laura! Laura! Laura!" Napairap ako sa nakakairitang katok nanaman ng kaibigan ni Renzo, si Kiko. He's too childish sa age niyang 18 years old.

"Ano nanaman ba?!" Naiirita kong tanong dahil inistorbo niya ako sa pagbabasa ko ng libro.

"Lumabas ka naman diyan lagi ka nalang nagbabasa! Tara mall tayo pinagpaalam na kita kay Tita." Sabi niya at basta basta nalang ako hinila palabas ng aking kwarto.



"How about Renzo?" tanong ko sakaniya habang nagsasapatos. Mabuti nalang at nakaligo na ako.

"Busy sa report. Nandun siya sa bahay ng kaklase namin."

"How about you? Shouldn't you also think about your report?"

"Huwag mo ako englishin Laura hah porket english 'yang binabasa mo. Tapos ko na report namin kaya gagala nalang ako ngayon. Ako pa! Mabilis 'to no!" Napairap nalang ako sakaniyang sinabi.



May magagawa pa ba ako? Si mommy na una niyang kinausap bago pa ako ayain. Gustong gusto pa naman ni mommy na lumalabas ako kesa sa nasa kwarto ako all day kaharap ang books ko.



"3rd year kana Laura, bakit hindi ka pa nagkakajowa?" Napatingin ako kay Kiko sa tanong niya at inalis ang kaniyang pagkakaakbay saakin dahil kinakabahan ako.


"Huwag mo akong itulad sayo baka mapagalitan pa ako ni mommy." Sabi ko sakaniya at nauna na maglakad. Halos maubusan ako ng oxygen nang habulin niya ako at muling akbayan.

"Hindi naman kita susumbong kina Tita at kay Renzo kung magboboyfriend ka, basta ba pakilala mo muna saakin okay?"



Paano kung ikaw gusto kong maging boyfriend Kiko? Paano ko ipapakilala sarili mo sayo?



"Galingan mo naman Laura! Naiinip na ako!" reklamo ni Kiko saakin. Paano banaman kasi pinilit akong maglaro netong ice air hockey table sa Tom's world eh nakakatamad.

"Eh kung nag cine nalang tayo Kiko, edi masaya pa ako 'diba?"

"Boring ang panonood! Hindi ka nga nagbasa, nanood ka naman." Sabi niya at sumuko na maglaro. Sunod niyang nilapitan ay ang aisle ng mga toy catcher machine.

MarigoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon