"Sige naman na Laura sumama ka na maiintindihan ka naman ni Miguel sa nagawa mo kahapon eh" pamimilit pa sa akin ni Anna na sumama sa samgyupsal place na gusto nilang masubukan.
"Hindi naman siguro masisira ang lakad kung hindi ako sasama 'diba?"
"Ano ka ba naman gurl G lahat o ikaw lang ang kulang. Kami ang bahala saiyo hindi namin hahayaang mapagisa ka kay Miguel." Pangungumbinsi pa saakin ni Kaye.
Ang problema ko naman kasi ay nahihiya na ako kay Miguel, nahihiya din ako kay Nikko. Ano nalang iisipin nila 'diba? To think pa na parang ang rupok ko dahil nakuha ako sa pagbibigay lang ng Marigold. Pero may magagawa pa ba ako? Mukhang ayaw ako pakawalan netong mga to kaya tumango nalang ako na ikinatuwa nila dahil agad akong kinaladkad palabas.
"Te uso magsalita, hindi yung lamon ka ng lamon diyan" sita ni Rose na katabi ko, nasa dulo ako at talagang inilayo ako nila Kaye kay Miguel at Nikko para daw mabawasan ang hiya ko.
Napatingin naman ako sakanilang lahat na nakatingin na pala saakin at sabay sabay kaming natawa.
"Pasensya na first time eh" nahihiya kong sabi na lalong ikinatawa nila. Nagkatinginan kami bigla ni Miguel at iiwas na sana ako ng tingin nang ngitian niya ako. Nginitian ko nalang din siya at itinuon sa pagkain ang aking pansin. Kahit na siya pa unang ngumiti saakin ay hindi ko talaga maiwasang mahiya. Minsan ay parang gusto ko nalang iumpog ang aking sarili sa pader.
"Half day! Tara gala tayo!" aya ni Anna. Kahit kailan talaga napakagala netong babaeng to.
"Skyranch tayo! Ilang years na nakabukas yun ni minsan hindi ko pa natry." Suggest ni Kaye.
"Tayo lang bang girls?" tanong ko dahil baka mamaya makasama nanaman namin ang grupo nila Clark, hindi padin ako nakakamove on.
"Yes bakit? Gusto mo bang isama sila?" pangaasar ni Anna. Mabilis akong umiling at niyaya na sila lumabas.
"Baby! Nandito pala kayo!" Kunwaring gulat na sabi ni Anna kay Clark. Obvious naman na sinet-up nila tong magkasama-sama nanaman kami. Hindi ko na talaga maintindihan bakit ba naging close bigla ang barkada namin sa barkada nila Clark. Dahil ba dun sa group study?
Napatingin ako kay Kaye na nakikipagtawanan kay Angel na akbay ni Nikko, kay Rosie at Dione naman na nakikipagtawanan kay Red at Patrick, at kay Anna na nakikipagharutan kay Clark. Napatango nalamang ako nang marealize na oo nga mukhang naging malapit na sila sa isa't isa, ako nalang ata ang naging ilag sakanila.
"Jusko ka Miguel! Lagi kang nanggugulat!" sigaw ko nang bigla niyang hawakan ang aking braso.
"Sorry na agad. Muntik ka na kasi matamaan ng bata na may dalang ice cream. Baka madumihan ka." Napakamot naman ako ng ulo dahil sa inasta ko. Sumosobra naman ata ako sa sungit. "Pasensya na and thank you" Nahihiya kong sabi sakaniya na sinuklian naman niya ng ngiti.
"Ayaw ko na ma! Ibaba niyo na ako dito!" hindi ko maiwasang mapakapit kay Miguel nang makaakyat sa taas ang side naming dito sa The Vikings (Anchor's away ng Skyranch). Tanging naririnig ko lang ay mga kanya-kanya naming sigaw nina Anna pero hindi nakatakas saakin ang pagtawa ni Miguel.
"Isa pa sige tumawa ka pa mababatukan na kita!" Inis na sabi ko kay Miguel habang inaalalayan niya ako bumaba.
"Paano ba naman kasi tinawag mo na ata lahat ng santo habang nakasakay tayo" pangaasar pa niya kaya binatukan ko siya saka narin ako nakitawa.
