II: Self

7 0 0
                                    


"Clem, pinapatawag ka ni sir" sabi ni Elise co worker ko

Naglakad nako papunta sa office ni tito. Kumatok ako sa pinto bago pumasok,pag ka bukas ko palang ng pinto nakita ko na ang malapad na ngiti ni tito sa akin. Nag tatrabaho ako sa company ng bestfriend ni dad, si tito Hank, isa rin siya sa mga ninong ko kaya malapit talaga ako sakanya at isa pa,kababata at kaibigan ko rin ang anak niya.

"Tito" sabi ko pagkalapit sakanya at humalik ako sa pisngi niya

"Hija, kumusta na? Okay ka ba dito sa company?" tanong niya sa akin at inilahad ako sa malapit na upuan.

"Opo tito, okay naman po ako dito. Actually, lahat ng staff mo ay friendly and accommodating talaga" papuri ko sa kompanya niya. It was really true. 

"Mabuti naman hija kung maayos at mabuti ang pakikitungo nila sayo" banayad na siya ng sinabi ko iyon sa sakanya

"By the way, goodluck sa exams mo mamayang hapon ha? Galingan mo, I know you can do it." Sabi pa ni tito kaya natawa ako sakanya dahil para rin siyang si Dad kung magsalita.

"I will do my best po tito. Last two exams nalang naman po, I'm going to fulfill that long overdue dream" sagot ko at ngumiti pa sakanya lalo.

"May tiwala kaming kayang kaya mo yun, ikaw pa ba hija? Naging magaling ka nga sa larangan ng modelo eh, with your hard work like that? I know you can make it" Tska siya tumawa ng pagkalakas. Bahagya akong nakaramdam ng lungkot. Hindi rin kase biro ang ginugol kong pawis at dugo para lang maging isang sikat na model.

" Hindi naman tito, sa tulong rin siguro ng family background ko, kaya hindi ako matanggihan ng kahit sino" malungkot kong sabi sakanya. Isang factor ito, dahil tingin ng karamihan na dahil sa family ko kaya lang ako naging model.

"Wag mong isipin yan hija, you are really good at what you're doing, wag kang mag isip at magpa apekto sa sinasabi ng ib, you of all people should really know yourself." Medyo nag aalala na sagot niya sakin, natahimik ako pero kalaunan ay nakabawi rin naman sa malalim na mga iniisip.

" Thank you tito for believing in me" Nag usap pa kami at ng mapansin niyang malapit na ang meeting niya for the new investors ay pinakawalan na rin niya ako.

Pagkalabas ko ng office ni tito, nakita ko ang isang grupo ng mga piloto at flight attendants. Kinabibilangan ng grupong yun ang best senior flight attendants at dalawang best pilots ng airline company na pinapasukan ko. Kabilang rin dun si miss Elise ang isa sa malapit kong kaibigan dito. Napatigil pa ako at napaisip na sana pag pumasa na ako sa exams, sa group nila ako mapabilang. How I wish, but I think their team is already complete. I just shrug it off.

Every time na makikita ko ang alpha team, feeling ko nag kakaroon ng slow motion pag naglalakad sila. Kahit papano ay sikat sila sa company na ito. Iwanaglit ko na ang nasa isip ko at bumalik na sa post ko sa trabaho. Sa training ko, kasama ang pag bobook ng flights, pag aassist ng customers, at pag checheck in ng gamit ng bawat pasahero.

Bata palang ako, dream ko na talagang maging isang magaling na flight attendant. Every time we board a plane, I am always mesmerized with the attendants. Nung sinabi ni mommy sa akin kung ano ginagawa ng isang flight attendant, hinding hindi ko na nakalimutan yun at parang nadikit na sa akin ang pag asang isang araw magiging katulad rin nila ako.

They are not just beautiful, they love what they are doing and they have passion in it. Serving and saving people at the same time. Even though  my mom doesn't want and allow it, I pursued it. Si daddy ang naging supportive sa akin kaya mas nag tiyaga akong tapusin siya. But the tragedy in the past made me stop believing that I can do it.

Back to that day, I stop dreaming and I stop pursuing it. Nag iba ako ng carreer plan. Lahat binago ko, nilayo ko yung sarili ko sa lahat ng connected sa pagiging attendant. Nagkaroon ako ng carreer sa modeling, at dun ko ibinubos ang lahat. But I really don't know what's with being an attendant na fear kong balikan siya pero andito nanaman ako ulit para tapusin siya.

My mom is a doctor and my dad is a aeronautical engineer and  at the same time a business man. We own a company that is related with aircrafts. Si mommy naman, typical doctor, she goes to different hospitals to attend the needs of her patients and those who are in need. I guess serving and saving people really runs in our blood.

Anim kaming magkakapatid. Puro babae, ako ang pinaka panganay sa aming anim pero ako ang pinaka nawala sa landas. Apat kaming graduate na ng college at nasa college pa ang dalawa. Marcily is taking her first year residency on medicine, si Lae ay fourth year sa med, si Hera ay engineer na rin, si Mace naman ,taking her third year on civil engineering and lastly Louvelle taking her first year on medical technology.

I don't know either how my mom handled it but I'm really proud to have them as my parents, because they took good care of us even though they are really busy with their work.

Pagtapos ng trabaho ko, pumunta na kaming mga mag eexam sa locker room para makapag palit ng uniform. Apat kaming mag eexam ngayon, tulad nga ng sinabi ko kay tito kanina ay dalawa na lang ang natitirang exams ko, ang huling exam ay hindi pa sinasabi kung ano ang topic pero more on verbal and action exams kami.

Pangatlo ako sa magte take exam at kinakabaha na ako habang hihintay. . Nakita ko ang pang unang attendant na nag exam, bagsak ang balikat niyang lumabas sa exam room kaya mas tumaas ang tensyon sa puso ko. Ang bilis ng oras, hindi ko namalayang tapos na ang pangalawang sumalang. Tumayo na ako at hinintay na tawagin ako.

"Next, Miss Altamirano" sabi ng secretary ng boards. Huminga ako ng malalim at bumuntong hininga muna tska ako sumunod kay miss. Pagkatayo ko palang sa gitna ng platform, hilaw na ngiti na ang ibinigay ko sa mga boards. Bumati nako ng good afternoon sakanila at pinag uusapan na nila ang situation na ibibgay nila sa akin.

"Okay miss Altamirano, how are you going to introduce yourself to the passengers?" unang tanong sakin, humugot ako ng malalim at confident na sinagot ang board na nagtanong.

"Hi, good afternoon everyone this is Clementine Athena Altamirano your cabin crew for today please be inform that our flight J 577 will be flying at 6:30pm. Thank you" sagot ko at ngumiti sakanila.

"Next situation miss, how are you going to assist your passengers to use their masks when there is a unexpected accident happened in the plane?" nag iisip ako ng paraan bago gawin sa mga mannequin ang possible na dapat kong i act.

Una, kinuha ko ang mask na para sa akin. Then I explained it to the boards why I did that.

" I need to save myself first so I can be able to help hundreds of passengers. Next is Ill assist them on how to use the mask properly and attend to those inexperienced person who doesn't really know how to use masks." Happy and contended with my answer. Nakita ko ang amazed at ngiti ng boards sa akin

Pag katapos ko ay sinabihan muna ako ng instructor na mag antay sa decision ng boards. Nag tagal ng mga sampung minuto ang pag uusap nila bago sila nag comment sa performance ko.

"You really have the passion for these kind of work miss Altamirano, you passed. Congratulations" sabi nila. Malaking ngiti ang ibinigay ko sakanila at nakipag shake hands na. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Sa sobrang tuwa parang sasabog na ang puso ko, parang nawala lahat ng problema ko, parang nalimutan ko ang lahat ng lungkot na naidulot sakin ng nagdaan panahon.

Sobrang saya kong lumabas ng exam room. Lumapit ako agad sa locker ko, kinuha na ang jeans and shirt na suot ko kanina at nag bihis na. Pagkatapos ko  ay tinawagan ko ang bunsong kapatid at tinanong kung nasa labas pa ba sila.

"Hello ate, are you done with your exam? Andito pa po kami sa power plant mall. Susunod daw sila ate Hera and ate Lae. They are expecting you to come." Natawa ako kasi dire diretsyo ang salita ng kapatid ko,  talagang hindi ako binigyan ng pagkakataon na magsalita, plus they are expecting na, makakatanggi pa ba ako.

" You all miss me that much?" I chuckled

"Ofcourse we do! Please come ate, please please" pag mamaka awa niya sakin. She's too cute for pleading like that.

"Okay then, expect me to be there. Just give me thirty minutes" I happily said to her.

" Yay! You're the best ate! See you" sagot niya then she hang up

Over the years, sila ang pinaka naging strenght ko, hindi man ako madalas umuwi sa bahay namin, madalas naman kaming lumabas magkakapatid. They are the reason of my healing process. Im really grateful to have them in my life.

Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon