Pagkatapos ko ngang pumunta sa office ni tita Han ay naglakad na akong umuwi ng condo. Pagkapasok ko palang sa lobby ay namukhaan na ako ng mga staff na andon."Good evening maam Clem" bati sa akin ni Leah nakababata sa aking staff dito sa unit. Ngumiti ako sakanya at nagpatuloy na nga akong pumasok sa elevator.
Mabuti na lang ay nasolo ko ang buong elevator hanggang sa makarating ako sa tamang palapag ng unit ko. Pagkababa ko ay nilakad ko na and pasilyo patungo sa kwarto ko. Pinindot ko ang password ko at isang click na tunog lang ay nag open na ang pinto ng unit ko.
Katulad ng unit ni Odette, hallway ang sasalubong sayo bago ka makarating sa living area. Sa right side nito ay isang salaming pahaba na half body ang kita habanng sa left side naman ay mga naglalakihang photo frames na galing sa mga photo shoots ko. Ang dulo ay isang malaking family picturre namin. Napangiti ako ng nakita iyon at sa sa gilid na pader ay itinabi ko doon ang maleta ko.
Nagtanggal na ako ng heels at naglakad papuntang couch at umupo doon. Iponatong. Ko ang paa ko sa coffee table sa harap ko at isinandal ang ulo sa head rest ng inuupuan ko.
Masyadong maraming nangyari sa nakaraang araw ko. Ngayon ko naramdaman ang pagod sa byahe. Naalala ko ang marahang hawak ni Vincent sakin kanina. Napahawak ako sa palapulsuhan at dinama ang hawak niya doon kanina.
Noah and Vincent are really similar to each other, except for the fact that Noah's feature is way more softer than Vincent. Vincent is really an uptight man, halata ang authority na dala nito at kitang kita mo sakanya ang pagiging strict sa lahat ng bagay. Isama mo pa ang professinalism nito. Parehong pareho sila ng mata ni Noah, mas singkit nga lang ng kaunti ang gilid ng mata ni Vincent kaya mas nagmumukha itong masungit at snob.
Gusto ko siyang kilalanin at hindi ko alam kung bakit. Pero bakit ko nga ba siya kikilalanin pa eh kung ang dahilan ng pag alis ko sa trabaho ay siya. Tinanggal ko na sa isip ko ang pag kumparahin ang dalawa dahil walang papalit at tatalo kay Noah. Magkahawig lang sila pero hindi niyon matatalo ang kahit na ano.
I remember that day. Ang araw kung pano ako binago ng panahon dahil sa sakit na naidulot ng nakaraan.
I was seating at the edge of the river still waiting for any update. Hindi na ako mapakali. Hindi ko na rin maintindihan ang nararamdaman dahil pinaghalo halong kaba takot at lungkot ito. Tumayo ako at nagpalakad ng pabalik balik habang ngatngat ngatngat ang kuko ng aking daliri..
"Men search at the end of the river. Negative dito" sabi ng isang rescuer sa kanyang walkie talkie.
"Maam, hindi po mabuti sa lagay niyo na andito pa kayo, mainam pong sumama na kayo sa ambulansya para matignan at magamot na kayo sa ospital."pagpipigil nito sa akin at pinipilit ko pa rin ang sarili kong lumaban sakanya.
"Hindi kuya, hanggt di nakikkta ang kuya ko at si Noah hindi muna po ako pupuntang hospital. Please kuya pakihanap po ulit sila doon" turo ko sa sangang kinapitan ko kanina para maiangat ang sarili ko.
"Ginagawa na ng rescue team ang lahat maam, wag po kayong mag alala at babalitaan po namin kayo agad. Pumunta na kayong hospital maam" pag pupumilit ni kuya.
"Hindi kuya, please hayaan niyo na po ako dito. Mag aantay ako dito kuya plea-"
"Will you please shut your big mouth?! Kanina ka pang ngawa ng ngawa eh! Kung hindi dahil sayo hindi mawawaa ng ganito ang anak ko! If something happens to him you will pay for this! Puro na lang kunsimisyon ang dulot mo sa anak ko! Palibahasa ay spoiled brat kang bata ka!" Duro ni tita sa akin, mommy ni Noah. Nasasaktan sa sinabi ay napayuko na lang ako.
BINABASA MO ANG
Lost Love
SaggisticaClementine Athena Altamirano, isang sikat na modelo ngunit hindi matupad tupad ang kanyang pangarap dahil sa trahedyang nangyari sakanya sa nakaraan. Matupad kaya niya ito at mahanap pa kaya niya ang pag asang makapag mahal pa ulit sa isa pang pagk...