I. Dream

13 1 0
                                    

Nagising na lang ako bigla sa alarm ng cellphone ko, kinuha ko ito sa bedside table at pinatay na. Nakatulog pala ako ng mahimbing sa tabi ng kapatid ko. Mahimbing pa rin ang tulog niya kaya bumangon na ako. Dumiretsyo na ako sa banyo at ginawa na ang mga ritwal ko sa katawan.

Pagkatapos kong maligo at mag prepare tinignan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Ngumiti ako at inayos na ang nakalugay ko pang buhok, mamaya ko na ito itatali pag nasa office na ako. Ready na akong bumaba ng mapansin kong gising na si Louvelle .

" You never fail to wake up early ate, morning" sabi nito at bumangon na. Lumabas na siya sa kwarto ko at sumunod na ako sakanya.

" What time are you going home later?"tanong nito habang naka akbay ako sakanya.

" I dont know yet and sa condo ako uuwi. Pag tapos siguro ng exams ko aalis na rin ako agad, why?" tanong ko sakanya. Nakita ko pa ang gulat at lungkot sa mata niya

" You wont go home here later?"dagdag tanong niya pa. Umiling lang ako

" Anyways, Im going to the mall with ate Mace later, you wanna come?"tinignan ko siya at nag isip kung sasama ba ako.

"What are you going to do there ba?"

"Classes are fast approaching na, so we need to buy things and stuffs." Sagot niya akin. Kaya napaisip ako kung sasama ba ako sakanila o hindi na.

" Ill decide later, saang mall ba kayo?" napaisip muna siya bago sumagot sa akin.

"maybe power plant mall? I really dont know yet. Just text or call us if you're done with your exams" sabi nito sa akin. Tumango ako sakanya at sabay na namin tinahak pababa ang kusina para makakain na kami.

Pagkapasok namin sa may dining area, nakita ko ang Daddy na nakaupo sa dulong kabisera ng long table namin. With him is my four other siblings, eating their breakfast peacefully. My mom was beside my dad pouring some orange juice to his glass.

"Morning" anang Louvie
"Good morning " pahabol ko  ring sabi, napalingon silang lahat at bumati na rin ng good mornings nila sa amin.

" Hija, umupo ka na para makakain ka na, baka malate ka pa" sabi ng mommy sa akin. Ngumiti lang ako sakanya at tumango.

" Ate, goodluck to your exam later" panimula ni Marcily sa akin, nakababatang kapatid ko na sumunod sa akin.

"Goodluck! We know you can do it!" dagdag pa ni daddy. Ngumiti lang ako sakanila. Habang nag uumagahan, ay ako ang napiling maging topic dahil nga sa exam ko na magaganap mamaya.

Nang matahimik kaming lahat, pinagmasdan ko n ang bawat isang nasa lamesa namin. Im making my dreams come true. Para sa family na to, I dont want them to suffer for the past mistake that I've done. Nakita kong nakatitig sa akin ang mommy, kaya nung nagkatinginan kami ngumiti siya sa akin, ngumiti rin ako pabalik pero agad akong nag iwas ng tingin sakanya.

I'm still guilty for what happened in the past. Inalis ko  agad sa isipan ko iyong nangyari noon dahil ayaw kong maapektuhan ang mood ng buong araw ko. Pinaka hihintay na araw  ko ang pag kakataong ito. Kaya kelangan maayos lahat, walang destructions, walang problema

Pagkatapos naming kumain, umakyat na ako ulit sa kwarto para kuhain na ang mga gamit ko. Inaayos ko pa ang mga natitirang gamit sa kama ng napansin kong may pumasok sa kwarto ko. Napalingon ako agad rito at nakita si mommy sa hamba ng pinto.

" You're leaving ?" tanong nito sa akin, umupo ako sa kama at tinuloy pa rin ang pag ligpit ng gamit. Lumapit na si mommy sa akin.

" Yes mom, I need to. Mas malapit kase ang condo sa workplace ko eh." Pag dadahilan ko sakanya, pero hindi pa rin ako makatingin sa mata niya. Tumulong na siya sa pag liligpit ng gamit ko. Nararamdaman ko at nakikita ko sa peripheral vision kong nakatingin pa rin sa akin si mommy.

" Louvie, told me you got that nightmare again"napatigil ako sa ginawa ko at napatingin ako ng di oras sakanya. She smiled but I know better, that behind that smile is hurt. She's really hurt for what happened in the past. But I don't want to open a closed wound that had been treated over the years.

"Its nothing mom, really I'm fine. Lets not talk about it and Im gonna be late." Pag rarason ko pa ulit at tska kumilos ulit para ayusin ang mga gamit ko. Nang matapos akoy hinila ko na ang isang maleta at isang travel bag tska isinukbit ang gucci shoulder bag  sa balikat ko.

"I know you're fine. But please do tell us pag may problema ha? We are a family Clem, don't ever forget that. Nag woworry kami ng dad mo sayo. Masyado ka ng naging busy at ang dalang mo ng umuwi sa atin." Dagdag  niya habang nakatayo ako sa harap niya.

Hindi ko pa rin siya matignan ng diretsyo sa mata. Nahihiya pa rin ako sakanya, kahit na paulit ulit nilang sabihin sakin na hindi ko kasalanan ang nangyari, hindi ko pa rin matanggal sa isip ko na may kasalanan ako sa nangyari sa amin.

" Yes mom, I know that. Thank you po sa suporta niyo ni dad, but don't worry about me mom, really I'm fine" banayad na ngiti ang ipinakita ko sakanya.

I heard her sighed  a relief. Tumayo na rin siya sa pagkaka upo sa kama ko at tinulungan akong itulak ang maleta ko pababa.

" Dalasan mo ang uwi sa atin anak, namimiss ka ng mga kapatid mo. Lalo na si Louvelle at si Mace." Nag aalalang habilin niya niya sa pa sa akin.  Tumango lang ako sa kanya at napa buntong hininga na rin.

May mga kasambahay na sa hamba ng hagdan para magbaba ng gamit ko. Lumabas na rin ang tatlo ko pang kapatid dahil ready na rin silang pumasok.

" Ate, you're leaving ? Akala pa naman namin magtatagal ka ngayon" malungkot na sabi ni Marcily

" Oo nga ate, you just stayed for a week. Wag mo sabihing isang taon ka nanamang nasa condo lang? Sabi naman ni Lae

" Ano ba kayo? Nag dedate naman tayo every weekends eh. Pinupuntahan ko naman kayo" natatawa kong sagot sakanila. Akala mo naman talaga ay wala na akong oras sakanila ang kaibahan lang naman talaga ay ang inuuwian namin everyday.

" Kahit na ate, iba pa rin yung kasama ka namin dito sa bahay. We miss you so much" si Hera naman.

" Oo na. Ill try, basta hindi ako busy" sagot ko sakanila

" Sus, we heard that from you many times! Wag talkshit ate" tawa ni Hera. Ang isang ito iba rin talaga ang tabas ng dila. Akala niya wala si mommy sa harap namin.

" Ill make it up to you guys, I swear. Ill just finish this exam and I'll settle here na, promise." ngiti kong sagot sakanila

"Talaga??????!" sabay sabay silang tatlo, kaya bigla akong natawa  sakanila, yumakap na sila sa akin at ginantihan ko rin naman ito ng isang mahigpit na yakap rin.

"Yes, I will" sabi ko pa. Dahil ako ang pinaka matanda sa amin, ako ang naging role model ng mga kapatid ko. Mataas ang respeto at pag galang na  ibinibigay nila sakin, kaya naman sobrang magkaka sundo kaming lima.

" Buti naman naisip mo na yan anak. I know you can make your dreams come true. We know you can do it. Magiging Flight attendant ka with God's grace and syempre sa sipag at tyaga mo." Si mommy naman ngayon.

" Yes I will" I want to contribute something to this family mom. Ngumiti ako muli sakanila  "soon" dagdag ko pa.

Hinatid na nila ako sa sasakyan ko, and they bid their goodbyes. Nag dalawang isip tuloy ako kung sa condo ako uuwi mamaya or uuwi na lang ako ulit dito. Actually, malapit lang rin naman yung bahay sa workplace ko. Though walking distance lang kase pag sa condo.

Habang nag dadrive ako papunta sa office, na pinagta trabahuan ko napapaisip ako sa mga bagay bagay. Matagal tagal na nga yung huling uwi ko. Yung stay ko ng one week sa bahay, it really felt relaxing, calm and peaceful. Nagkaroon ako ng time sa sarili ko. Doon ko rin napansin na ang dami ko ng namiss na events kasama ang family ko.

Binaon ako masyado ng nakaraan, nakalimutan ko na kung paano pahalagahan ang sarili ko. Nakalimutan kong hindi ako nag iisa. Nakalimutan kong bigyan ng pansin ang mga taong sobrang mag alala para sa akin. Nakalimutan ko ang lahat ng importanteng bagay sa mundong ito. Para rin akong namatay eh, parang isinama rin niya ako sa hukay. Dahil sa nangyari noon, nakalimutan ko ang halaga ko. I also forgot that I am an Altamirano, a daughter of one of the richest man of this country.

Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon