Huling araw na namin dito sa Davao, matapos ang araw na sinamahan at pinagsilbihan ko ang lalakeng yun ako na ang umiwas sakanya. Madalas niyang pinapa sabay ang crew sakanya tuwing kakain. Sa apat na araw na yon wala akong sinipot ni isa.Matapos kong umalis sa social nung araw na yun I find myself nowhere to go. Tuloy tuloy ang iyak ko habang palabas ng hotel. Patuloy lang akong lumalakad habang umiiyak at hindi inalintana ang ano mang nangyayari sa paligid ko.
Napahinto na lang ako ng naramdaman ko ang tubig dagat sa mga paa ko. Bumalik ako sa ulirat dahil doon kaya unti unti akong napaatras at umupo sa may buhanginan. Tska ko tiningnan ang napaka tahimik at malawak na anyong tubig sa harap ko. Somehow it gave peace to me.
Pumukit ako at inalala lahat ng saya at sakit na nararamdaman ko noong kami pa ni Noah. Noong nabubuhay pa siya, noong umikot ang mundo ko sakanya. Inaamin ko sa sarili ko na hanggang ngayon sakanya pa rin umiikot ang mundo ko dahil mahal na mahal ko siya. He was my first at everything and he made sure that every first will be special.
I look up above and smile while my tears are rolling down my eyes again. Bakit mo naman ako iniwan ng ganito? Bakit napaka bigat na pag sisisi naman ang pinataw mo sa akin. Do I deserve to be treated like this from your family?
Tska ko ibinuhos ang huling hagulgol ng iyak para sakit ng nararamdaman. I didnt know that loving someone like this will end up hurting myself more. Bullshit, ngayon lang ako naliliwanagan sa lahat. Ngayon lang naimumulat ang mata ko na kailangan palang bumitaw ka na rin sa pagmamahal kasabay ng pag move on mo sa nangyari sa nakaraan. Ilang beses ba dapat akong pagbintangan sa nakaraan? Ilang beses ba dapat akong masaktan? Kulang pa ba ang lahat ng nangyari noon sa pagkawala niya?
Hindi ko na namalayan ang oras at nakita ko na lang na papalubog na ang araw. Mugtong mugto na rin ang mata ko sa kakaiyak. Hindi ko alam kung pano ako babalik sa kwarto dahil paniguradong magtatanong at magtataka si Elise. Kanina ko pa rin iniignore ang mga messages at calls sa phone ko.
I decided to stay at the shore for a little longer and Ill just eat at some resto here before going up at our room hotel. Tumingin ako sa oras ng cellphone at 7pm na doon kaya tumayo na ako tska naglakad na sa malapit na restaurant. Tinignan ko ang mga messages at missed calls.
Messages ng daddy at mommy ang andun. Nagtext rin si Elise at hinahanap daw ako ni sir sakanya. Nagtaka naman ako at hinahanap pa ako ng isang iyon. Pag scroll ko sa dulo ng messages ay nakita ko ang text niya.
God damn! Answer your phone! Ang kapal niyang magtext ng ganyan sa akin matapos niya akong pagbintangan na killer daw ako kanina lang. Inignore ko ang text at kumain na ako. Matapos kong kumain ay umakyat na ako sa unit namin para makapag pahinga. Pagpasok ko ng room ay nakita ko si Elise na hindi mapakakaling palakad lakad sa loob.
"My God Clementine! Where have you been?! Lahat kami ay concern sayo. Hindi ka sumasagot sa kahit anong message at tawag namin" sabi nito ng nang aalala sa akin. Naupo ako sa dulo ng kama at tumabi na siya sa akin.
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at pinipilit iharap sakanya.
"What happen to you? Saan ka ba kase galing?" Sabi nito ulit at mangiyak ngiyak na. Hindi pa rin ako umiimik dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko kay Elise. Alam kong may alam siya sa background ko, hindi ko lang alam kung pano ikekwento sakanya lahat dahil hindi ako masyadong comfortable mag kwento lalo na sa mga bagong kaibigan ko lang. But Elise is five years older than me and she's already a mom of a two kids. I guess pag nag kwento ako sakanya at maiintindihan niya at baka may maipayo pa siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Lost Love
Non-FictionClementine Athena Altamirano, isang sikat na modelo ngunit hindi matupad tupad ang kanyang pangarap dahil sa trahedyang nangyari sakanya sa nakaraan. Matupad kaya niya ito at mahanap pa kaya niya ang pag asang makapag mahal pa ulit sa isa pang pagk...