X. Scared

6 1 0
                                    


Dahil nga under kami sa private flight. Ang crew namin ay hinire para mag palipad ng private plane na pag mamay ari nga ng Torralba na iyon. Ang stay namin sa five star hotel na kinalalagyan namin ngayon ay kasama sa deal na napag usapan nila ni tito Hank. Kaya naman kasama rin namin sa hotel na ito si Vincent at ibang employees pa niya sa company niya.

Magkasama kami sa room ni Elise at si Ash at Austin naman sa connecting room sa kabila lng namin. Ito ang isa sa gusto ko sa private flights. Habang nasa business meeting ang client mo you have all the time to tour and enjoy the beauty of each place your going. Napag desisyonan namin mag libot libot ni Elise mamaya. This would be a four days trip kaya mahaba haba ang oras para malibot namin ang lugar.

I was sitting at the edge of the bed while Elise is already lying on her bed. I clicked my neck from side to side because of tiredness. Grabe, nakaka drain ang araw na ito sa lahat ng nangyari. Tinanggal ko ang strap ng sapatos ko at pinatong na ito sa bed. Tiniklop ko ang tuhod ko tska ako sumandal doon.


"You okay Clem?" Elise asked. Nakatalikod ako sakanya kaya ibinaling ko ang ulo ko sakanya habang naka patong parin iyon sa tuhod ko.

"Just tired from the trip" tska ko ngumiti sakanya. Bumangon siya sa bed niya at lumaktaw lang para makalipat sa bed ko. I giggled at what she did at sumandal siya sa likod ko.

"Hay Clem, I really dont know what's with sir Vincent but I promise you okay talaga siya. Isama mo pang nang gagatong ang bruhitang miss Rivera na yon, napaka feelingera talaga akala mo papatulan naman siya ni sir" nanggigil na sabi niya sa akin. Natawa at nagtaka naman ako sa sinabi niya. Hindi sila ni miss Rivera? Bakit ganon siya umasta at kumapit kay sir?


"Kung mabait ngang talaga siya hindi niya ako ituturing ng ganon. Ano yun? Pipiliin lang nya kung kanino siya a attitude ng ganon? Dapat hinabaan na lang rin niya yung pasensya niya sa pag intindi sa akin eh. Pinakisamahan ko rin naman siya kahit paulit ulit ang utos niya. Nakita mo namang pabalik balik ako kanina sa likod" pag aalburoto ko kay Elise. Kitang kita ko ang awa sakanya

"Oo nga eh, gusto na sana kitang tulungan kanina kaso nag uutos rin yung ibang passengers eh. Si miss Rivera rin napaka demanding!" Reklamo niya.

"Hay, hayaan mo na tapos naman na. Pagbalik natin ng manila for sure namang hindi na ako irerequest nun. Nga pala, sabi mo hindi sila ni maam Aliyah? Bakit ganon yon maka asta? Akala mo sila?" Prangka kong tanong sakanya. Bumunghalit naman si Elise sa sinabi ko.

"Oo, hindi sila. Ilang beses ng nireject ni sir Vincent yun. Palaging sumasama sa trips at laging parang linta kung makadikit kay sir" tska siya tumawa pa ulit.

"Oh?pano mo naman nalaman na ilang beses na siyang nareject?" Tanong ko pa at itinuon ang buong atensyon sakanya.

"Isang beses kase nasa trip kami tapos nag confess siya kay sir eh nasa VIP lane ako nun tapos narinig ko yung sinabi ni sir na " Im really sorry Aliyah pero pagkakaibigan lang talaga ang ma ooffer ko, ilang beses ko ba dapat sabihin yun?" Tapos walkout si bakla te" pang gagaya niya kay sir Vincent at natawa na kami ng sabay.

"Omg! I cant even imagine that. Grabe sir Vincent really rejected her like that?"natatawa ako at nakahawak pa sa tyan ko dahil hindi ko mapigil ang tawa ko.

"Yes! Ganon ganon lang, she just drop her like a hot potato." Tska pa umiling. Nagpatuloy pa kaming mag usap at maya maya pay nakatulog na kaming pareho.

Nagising na lang ako sa tawag sa phone ko. Tinatamad ko pang inabot ang cellphone at iminulat ang isang mata at ina aninag ang pangalan ng tumatawag.

Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon