XV: Fitting

10 1 0
                                    

Nagising ako sa tawag ni Francois reminding me of my schedules today,mag sisimula na nga pala ang lahat simula ngayong araw, ipapadala niya raw ang dati kong PA na si Jelay para tumulong sa akin. 


Dahil nga nagising na rin naman na ako ng maaga naisipan ko na lang na mag palipas ng isa o dalawang oras sa gym dahil 10 am pa naman ang call time para fitting. Pag dating ko nga roon ay nag stretching ako saglit at nag simula ng tumakbo sa threadmill ginawa ko na rin ang ilang routines na tinuro sa akin ng trainer ko at halos maubusan ako ng energy sa pagod ko. Nag pasalamat ako sa trainer na nag assist sa akin bago umalis ng gym. Dumaan muna ako sa café malapit para bumili ng breakfast at nag tungo na nga ako sa sasakyan para makabalik na sa condo.


Pagkapark ko ng sasakyan ay agad na rin akong pumunta sa elevator para makabalik sa tamang palapag ng unit ko. Laking gulat ko ng pag bukas ng pinto ng elevator ay gulo gulong buhok at hindi pa nakasara ang ni isa sa mga butones na suot ni Vincent ang naabutan ko. Gulat na gulat rin siya ng makita ako kaya nag madali akong umalis at lumipat sa kabilang elevator at paulit ulit na pinindot ang open button nito.



"Wai- Wait!" sigaw nito kaya napalingon ako at patuloy sa pag pindot ng button. Gosh! Bakit ngayon pa. Naabutan nga ako nito sa tapat ng kabilang elevator at hinigit ang braso ko agad ko rin namang iniwas ang pagkakahawak niya sa akin. " Its not what you think!" bungad na sabi niya sa akin, umirap ako rito at tinignan siyang muli mula ulo hanggang paa.



" Mister, you don't really need to explain yourself. Wala akong paki alam sa kung ano man ang ginagawa mo, pero kung may ginagawa ka mang kababalaghan ayusin mo naman ang sarili mo" tska ako humarap sa kanina pang ayaw makisama na elevator at humalukipkip na lang tska kinalma ang sarili ko. Sumandal pa nga ang hinayupak na ito sa gilid ko tska humalukipkip rin, kitang kita ko sa peripheral vision ko ang bawat kilos niya kaya hindi ko maiwasang mailang. Napalingon ako ng di oras sakanya at kitang kita ko nanaman ang nakakalokong mga ngiti niya.



"Why did you act that way then? Pwede ka naman ng sumakay sa lift dahil sa parking naman talaga ang punta ko" amused was all over his face at naiinis ako sa pinapakita niyang expression. Napakurap nanaman ako sa sinabi niya, oo nga no? bakit naman kase ganon ang nagging reaction ko.



"Wala ka ng paki alam don at pwede ba? Ayusin mo nga yang sarili mo at umalis ka na!" pagtaboy ko sakanya tska muling umiwas ng tingin sakanya. Isang linggo na rin pala ang naka lipas simula nung huling encounter namin



" Oh, so me being topless bothers you now" maikli man ang sinabi niya pero halos hanggang tenga na ang pamumula ng pisngi ko! Bullshit! Kelangan pa ba niyang I point out yun?! His really getting into my nerves! Arghhhhhh.

Biglang bumukas ang pinto ng hinihintay kng lift ng pareho kaming mapalingon doon at nagtataka naman ang tingin ng babae sa aming dalawa at napalingon naman ito kay Vincent tska lumabas na ng elevator.

"Demi, I thought I lost you already. Hindi ka man lang nagpaalam sa akin bago umalis" sabi ng babae sa harap ko tska siya muling bumaling sa akin at tinitignan ako ng masama. Tumikhim ako at akmang papasok na sa loob ng hilahin nanaman nya ang braso ko kaya nakita kong mas lalong nanlisik ang paningin ng babae niya sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon