VIII. Monster

3 1 0
                                    


Naka upo ako sa lapag ng kwarto ko dahil busy akong mag ayos ng mga gamit. Sabado na ng gabi at andito kaming limang magkakapatid ngayon sa kwarto. Nasa hospital duty si Lae kaya wala siya dito ngayon.


"Grabe ate, hindi pa rin kami makapaniwala na isang FA ka na talaga. Sobrang proud kami sayo" panimula ni Louvie, ngumiti ako ng hilaw sakanya. Nag aalinlangan ako pero gusto kong sabihin sakanila ang totoo. I know they can keep my secrets from mom pero na kokonsensya akong mag sinungaling sakanya. Siguro sasabihin ko rin kalaunan.

"Guys, I want to tell you a secret, but can you promise me to keep it from mom muna?" Nag aalinlangan ko  pang sinabi sakanila. They all nodded. I sighed before continuing what Im talking about.

"I really didnt pass the exam" tska ako yumuko at nilaro ang mga daliri ko. Napuno ng katahimikan ang buong kwarto kaya napa angat ako ng tingin sakanila.

Hera and Mace looked shock while Louvie and Marcily looked concern. Tumayo si Marcily at lumapit sa akin para yakapin ako. Hinawakan ko ang brasong nakapulupot sa balikat ko.


"That's ok ate" then she rubbed my arms

"But how come you'll work for tito Hank then?" Curious nang tanong ni Hera. I look at her and answer her question immediately.


"Tito's company has their own private flight right? Doon ako na assign and its not bad diba? Im still an FA kahit na doon lang ako mag tatrabaho" I answered cheerfully para mawala ang lungkot at awa sa mukha nila.

"Ofcourse ate, its still a work of an FA. Hayaan mo na, exams lang naman yun eh, plus yung private flights naman hindi lang local travel diba?" Marcily asked matter of factly. Napaisip ako at napangiti ng napakalaki

"Oo ng no? I really didnt think about that sis, my god. Im being so emotional at hindi ko naisip yon" tska ako nag kamot ng ulo. They laugh at my reaction.


"Haha, cute mo talaga ate. Dont worry were still proud of you and what your becoming of plus ikaw kaya ang role model naming magkakapatid." Tska sila yumakap sa akin lahat at nagtawanan na.


"Aww, thank you guys. I really appreciate your efforts on understanding me. Nahihiya na nga ako actually kase ako yung ate niyo pero sobrang patience at respect pa rin ang meron kayo sa akin"

"Ano ka ba ate? Ofcourse we should respect you kahit naman sobrang shitty ng mga pinagdaanan mo you still prove yourself to everyone na you should be respected pa rin. Tumulong ka rin naman kila mommy na suportahan kami not just financially." Si Hera. I smiled at her. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanila dahil sobra sobrang pasasalamat ko talaga sa mga kapatid ko. Hindi man ako kasing yaman ng mga magulang ko, natulungan ko pa rin naman ang mga kapatid ko. Binibigyan pa rin naman ako nila mommy and daddy ng pera pero I spent it all to my siblings and ang sweldo ko pinag ka kasya ko na lang sa expenses and personal needs ko.


We joke around while packing my things kase sa monday may flight na ako and Im so excited. Ihahatid na rin ako bukas nila dad sa condo at pumayag silang dun na nga muna mag stay pag sunod sunod ang flight. Nagtira pa rin ako ng gamit ko dito sa bahay dahil alam kong uuwi ako kesa mag stay sa condo.


Pumasok si mommy sa kwarto ko at nakangiting umupo sa gitna naming magkakapatid.

"Oh, anong pinag uusapan niyo?" Pag uusisa ni mommy at tumulong ng magtiklop ng damit ko.

"Wala naman mommy, pinag pa promise lang namin si ate na ililibre niya kami pag balik niya galing sa trip" pag tatakip ni Louvie sa akin.

"Nako, kayo talaga. Nag sisimula pa lang ang ate niyo wag niyong i pressure" si mommy at naka ngiti pang tinignan ako

Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon