XIII. Shock

8 0 0
                                    


Nag unat unat ako ng katawan at kinusot pa ang mga mapupungay na mga mata. Antok na antok pa ako dahil sa umaga na nga talaga kaming natulog nila Lae at Marcily. Bumangon na ako at dumiretsyo sa banyo pero bago pa mangyari yun ay bumukas ang connecting door ko sa kabilang side, its Louvie.




"Good morning ate, himala tinanghali ka ng gising?" Pabirong sabi at nahiga pa sa kama ko. Napatingin tuloy ako sa wall clock at nakitang eleven na ng umaga don.



"Nothing, we just catch up last night , napasarap sa usapan kaya late na ring nag si tulog. Why didn't you come home last night?"  Pag lipat ko ng tanong sakanya. Umirap ito sakin at pinaliwanag kung bakit.



"Pano si ate Mace kase, I told her Ill wait for her so we could go home na eh, kaso extend siya ng extend sa thesis. Kaka antay ko nakatulog nako" tska siya umirap ulit. I chuckled


"Louvie, learn to wait for others, hindi sa lahat ng pagkakataon makukuha mo yung gusto mo sa isang iglip. Alam mo namang crucial ang thesis sa lahat ng college students eh. Habaan mo nga ang pasensya mo" bumusangot pa ito at nag make face sa akin kaya napakunot ang noo ko. Napaka ma attitude talaga ng batang to, palibhasa bunso at halos lahat ng gusto ay nabibigay.





"Wag kang bumubusangot sakin Louvelle, alam mong pinaka ayaw kong attitude yan" sermon ko pa sakanya. Bigla naman umamo ang mukha niya siguroy napagtanto niyang mali ang ginawa  at hindi ako tulad nila mommy na sige lang sa gusto niya.


"Sorry ate" tska siya lumingon sakin na mangiyak ngiyak.


"Learn to control your emotions, its really not bad to be humble okay? Sige na bumaba ka na dun at mag aayos lang ako para maka kain na" tumango siya at lumabas na nga sa kwarto ko. Pumasok na ako sa banyo at nagsipilyo at naghugas ng mukha.



Napasandal ako sa sink nung matapos kong banlawan ang mukha ko at napatingin sa repleksyon ng itsura ko.
Hindi makalimutan ang natuklasan ay parang gusto kong ituloy ang trabaho ko bilang flight attendant, pero sinasabi talaga ng isip ko na tama na ang pakikipag lokohan sa sarili dahil alam ko naman kung bakit ko talaga pinipilit na maging isang flight attendant eh, dahil yun kay Noah. Dahil gusto kong tuparin ang pangarap na binuo ko kasama siya.  





Siguro ay pupunta ako ng office ni tito Hank ngayon para makapag hakot na ng gamit at para mag settle na sa contract na ibi breach ko . Tska ako pupunta sa agency para na rin makapag sabi sa manager ko na balik na ko sa trabaho. Pagkalabas ko ng kwarto ay inabot ko ang phone at tinawagan ang manager ko at wala pa ngang tatlong ring ay sumagot na ito.






"Hello dear napatawag ka?"sabi niya sa akin.

"May good news ako para sayo"sabi ko pa na may excitement sa boses ko.

"What is it dear?" Tska ko narinig ang mga papel sa background niya na parang nachecheck ito ng mga kung ano ano.

"Im going back to modeling, full time for real" tska ko narinig ang tili nito at halos ma imagine ko na ang reaction niya. Natawa ako dahil sa tili niya.


"Dios miyo amore! Totoo ba ito???! Sa wakas naisip mo na yan! May maioffer akong auditions sayo agad! Pumunta ka na rito para makausap pa natin ang big boss" sabi pa niya na excited talaga.


"Chill Francois, mamaya ay dadaan nga ako dyan sa office, but before that I need to settle something. Till what time ka ba dyan?" Tanong ko sakanya.


"The rest of the day is cleared already. I'll just wait for you while sitting pretty in my office. Tawag ka na lang pag andito ka na. Pero baka hanggang 6 pm lang si Aikee kaya sana makarating ka ng ganong oras or mas maaga pa" request niya sa akin at nagbilin pa ng ibang bagay at nag kwento pa ng kung ano ano tungkol sa ibang models at managers nung mga nakaraang buwan na wala ako.



Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon