III. Him

14 1 0
                                    


Ipinark ko ng maayos ang aking sasakyan sa basement parking ng mall. Kinuha ko ang mini pouch sa bag ko at nag ayos ng itsura. Pinakawalan ko na rin ang buhok ko na kanina pang nakatali sa trabaho.
Bumagsak ang pagkaka kulot nito, straight naman ang buhok ko ngunit kailangan namin itali ng pa bun type kaya nag kakulot na. Ngumiti ako sa rear mirror ng sasakyan ko ng nakita kong maayos naman na ang itsura ko.


Naglalakad na ako papasok ng mall, nakikita ko pa lang ang mga shops ng mga designers clothes, shoes at bag ay nate tempt na akong pumasok at mag tingin tingin sa mga stalls. Madalas ko kaseng hobby ang pag shopping noon, lalo na noong higschool at college ako. Tska na lang ulit bumalik ang pag ka shopaholic ko noong naging model ako, madalas kase kinukuha ko ang mga items ng sponsors ko sa ibat ibang mall kaya pag katapos ay namimili na rin ako ng mga kung ano anong bagay na pansarili, gamit ang naipon at napundar kong pera. Napa ngiti ako ng maalala ko iyon.

Ilang buwan palang naman akong lumiban sa modeling, hindi ko pa bibitawan ang trabahong yun dahil doon ako nabuo bilang ako ngayon, siguro nag li low lang rin muna ako para matupad ko talaga ang dream na gustong gusto ko simula noong bata palang ako. Sa modeling ako nag grow as a person. Doon lumabas ang emosyon at passion ko sa buhay. Doon ako natutong maging responsable sa sarili, doon ko rin natutunang walang ibang tutulong sayo kundi ang sarili mo.Dahil na rin sa mga nakilala kong mga kaibigan sa industriyang yon, kaya bumalik ako sa pag fa flight attendant. Alam ko rin namang pag naging isang ganap na attendant na ako, kailangan ko na sigurong bitawan ang career kong iyon. Nakakalungkot lang isipin.

Habang nag lalakad, kinuha ko na ang cellphone sa pocket ng bag ko at tinawagan ang kapatid ko.

"Hello Louvie, where are you?" Bungad ko sakanya.

"Dean and Deluca ate, you're here na?"

"Yep, sige. Ill go there na" then I hang up.

Malapit na ako sa lugar na sinasabi ng kapatid ko kung nasaan sila, ng may mapansin akong lalake.He was trying on some expensive brand suit. Im just seing him from a far and from his reflection on the mirror, then he turned around to his secretary. Im so stunned

,napahinto talaga ako. Matikas ang pagkakatayo nito.

He removed the suit his trying on at nakita ko ang kabuuan niya. Naka corporate attire ngunit naka loose na ang neck tie at naka tupi na ang manggas ng damit. He remembers me of someone. Napatingin ako sa mukha nito at nagsisi akong tignan siya dahil nakatingin rin pala siya sakin. Damn! That soulful brown eyes, narrow nose and thin red lips. He really looked like someone, this man's feature is screaming authority while the man I am comparing to him is softer and gentle. Nag iwas ako ng tingin at kumaripas na ako ng lakad. Bigla akong hiningal sa titigang nangyari.

Nagtagal ng mga  isang minuto ang titig na yun at para akong tangang nakatayo sa gitna. Napayuko ako sa hiyang naramdaman ko. Napahilamos ako ng kamay sa mukha habang nag lalakad. Ang tanga naman Clementine! Nakipag titigan ka pa talaga.  Inalis ko na yun sa isip ko at pumasok na sa restaurant kung nasaan ang mga kapatid ko.

Nakita kong  nagtaas ng kamay si Louvelle habang naka ngiti, si Marcily at Lae ay nag uusap. Nagtaka naman akong andito si Marcily dahil alam ko may duty pa siya. Si Hera naman ay nakahalupkipkip na nakikinig sa kwento ni Mace. Napangiti ako ng nakita sila.

Sabay sabay silang tumingin sa akin at nag ngitian. Tumayo si Louvie para salubungin ako at yumakap pa. Niyakap ko na rin siya at umupo na sa bakanteng upuan sa gilid ni Hera.

"Sa wakas, you're here na. Akala namin lalamig pa nanaman ang food na inorder bago ka dumating" pang aasar ni Hera. Nagtawanan silang lima at napabusangot naman ako. Bilang lang talaga yung araw na on time ako sa oras na sinabi ko sakanila at isa nga ang araw na ito.

Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon