IX. Pissed

4 1 0
                                    


Im still panicking while preparing the other things needed by the passengers. Ramdam na ramdam ko pa rin ang panginginig ng buong kalamnan ko. Napapikit ako ng mariin.


Why do we always bump into each other? This is the third time I will see him and this time, I need to have an interaction with him pa. Naiinis ako, dahil kahit anong iwas ko sa pamilya nila tadhana ang gumagawa ng paraan para magtagpo ang landas namin.


Tahimik ako sa likod ng seats at nakikinig kay Elise na mag introduction about sa safety and guideline procedures. Nakatungo ako at nilalaro ang mga daliri ko at nag iisip pa rin kung ano bang dapat kong i akto pag kaming dalawa na lang sa harapan mamaya.

Sabi ni Elise kanina, dalawang major stockholders ang kasama ni sir Vincent pero nasa bandang middle seats ang mga ito. Hindi naman puno ang eroplanong ito at napaka daming vacant seat pa.



Napabalik ako sa ulirat ng tapikin ni Elise ang braso ko.

"Okay ka lang ba dyan?" Nakangiti nitong tanong sa akin. Napakunot ang noo ko at napahingang malalim.

"Kinakabahan kase ako, baka hindi ko magawa yung mga iuutos ni sir"pag amin ko sakanya sa kung anong bumabagabag sa isip ko. Tumawa siya ng mahinhin at hinawakan pa ang magkabilang braso ko.


"Ano ka ba, dont be too nervous. Alam ko namang kaya mo ang kahit anong trabahong ibigay sayo eh. Kaya mo yan Clem" pang chicheer up nito sa akin. Ngumiti na lang ako ng tipid sakanya.


"After fifteen minutes matapos tayong lumipad ay magserve ka na ng breakfast sakanila. Nasa sampu lang ang passengers natin kaya magaan lang ang gagawin, okay?" Dagdag niya at tumango ako. Abot abot langit talaga ang kabang nararamdaman ko ngayon.


Matapos ngang mag simula mag take off ang eroplano ay nag antay akong lumipas  ang labin limang minuto tska nag simula na akong itulak ang cart na naglalaman ng beverages and foods. Pagkarating ko sa isle at sa unang hilera ng upuan ngumiti ako sa dalawang lalaking nakaupo doon.


"Good morning sir, what do you want for breakfast american or filipino dish?" Marahan kong tanong

"Ano ang meron sa american miss?"tanong ng isa sa kanila

"Egg benedict with bacon and fruits sir"

"How about the filipino dish"he asked again

"Beef tapa with fried rice side with atchara sir"

"Ill get american please" sagot nito at inabot ko na ang  plastic container na naglalaman ng pagkain na gusto niya.

"How about drinks sir?"tanong ko pa ulit

"Just coffee" tumango ako ng nakangiti sakanya at nagsalin na ng kape sa plastic mug na nasa gilid ng container niya. Tska ko tinanong ang katabi nito at inabot ang gusto ring order.


Pagkatapos ko sa hilerang yun at nagpatuloy na ako sa mga sumunod pang hilera at tulad ng nauna nag serve na ako. Nang mapansin kong wala na halos tao sa mga nadadaan kong hilera ng upuan bumalik ang kabang nararamdaman ko kanina pa dahil kanina  binibilang ko ang pasaherong napag silbihan ko na.  Nagtataka rin ako dahil wala si miss Rivera sa seat na inupuan niya kanina.


Nang marating ko ang front seats ay tska ako nagulat sa mga upuan doon. Dahil may two seaters at one seater lang mas maluwag rin ang isle na narito. Nagulat rin ako ng makita ko doon si miss Rivera na nakikipag usap at nakikipag tawanan pa kay sir Torralba. Dahan dahan kong tinulak ang cart palapit sakanila at bumati na


"Excuse me maam, sir good morning po. Im here to serve your breakfast already" pang interrupt ko sa tawanan nila.


Bumaling sa akin si sir at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Tska siya bumuntong hininga. Nahiya ako sa pag hagod ng tingin niya kaya inayos ko ang palda ko

Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon