Weeks later...
Pabalik na ako ngayon sa opisina. Galing kasi ako sa hospital kanina kasi pinapunta ako dahil humihina na daw yong katawan ng kapatid ko. Sa kakaiyak kanina dala sa sakit na nararamdaman ko ay napadpad ako sa park, tumambay mu na ako doon bago napag desisyonang bumalik sa kompanya.
Ty still doesn't know about my sister at gaya ng sabi ko ayaw kung ipaalam kahit na sa Ina ko. Nakarating ako sa kompanya ng lutang. Yong utak ko parang naiwan pa doon sa hospital.
Umupo ako sa upuan dito sa desk ko at medyo napayuko. When I felt tears will come up again ay agad akong pumikit at iniling yong ulo. Bumuntong hininga rin ako para ikalma yong sarili ko. I don't want them to see that I'm crying.
Kahit wala pa akong pambayad ay determinado akong mabuhay ang kapatid ko..kahit sandali. Sabi kasi ni Dr. Wang ihanda ko nalang daw ang sarili ko at yon yong pinakamasakit na narinig ko.
Napatingin ako sa kamay na may hawak na frappe. Inilapag niya ito sa lamisa ko kaya tumingala ako at pilit na ngumiti.
" Hannah, para saan ba yang frapp--"
"It's for you Scarlet. Alam kong di ka okay kaya binilhan tika ng Frappe baka makalma ka at mafocus jan ang iniisip mo "
" Huh ? Okay lang naman ako. "
Ngumiti ito at tumitig sa akin. Napabuntong hininga siya bago umupo sa other chair para makatabi ako.
Hinawakan niya ang kamay ko and stared straightly into my eyes.
" Is it about your sister Scarlet ? "
Ayoko sanang pag-usapan ito dahil baka maiyak na naman ako. But instead tumango ako at napayuko.
" Don't worry you don't have to explain a thing. Hinatid ko lang talaga yan and i hope it would help a little. "
"Thank you Hannah. Gustohin ko mang sabihin ang sitwasyon ng kapatid ko pero di ko pa rin kasi matanggap yong nais ipaabot sa akin ng doctor--"
"Shh enough Scarlet. And by the way may nagpapabigay sayo "
May kinuha siya mula sa table niya at pagbalik niya mag hawak ng malaking bear at isang bouquet ng pink roses.
Siguro kay Ty na naman ito galing.
That man..
Napangiti nalang ako nong inabot yon ni Hannah.
" Kanino daw galing ?"
"Terrence yong malaking bear at Sa admirer mo yong bulaklak "
Huh ? Terrence ? Agad kung hinanap yong card sa bear kaya tinignan ko yon agad ng makapa ko na. Kay Terrence nga !
How many times do I have to reject this guy for asking me a date ? At how many times na kailangan kung ipaliwanang na wag niya akong bigyan ng mga gamit or kahit na ano.
Last time, I received a victoria's secret na gamit at other expensive things. At lahat ng yon ay napupunta sa mga kaibigan ko.
Napabuntong hininga ako at napatingala kay Hannah.
" Ahm, you want ? Galing kasi sa kuya ko to at super dami na kasi so if you want you can have this except sa flowers kasi ilalagay ko yan sa vase "

YOU ARE READING
The Billionaire's Secret Wife - ( COMPLETED)
Teen FictionScarlet Yu is a simple girl. She's willing to do everything just for her sister's sake ! And one day she made a contract with the very famous business tycoon Tyron Zaires. She agreed to be the Billionaire's secret wife with reason. What if they f...